#StartedInRoom201
Chapter 2
"Hoy!" Bigla akong nagulat dahil sumigaw si ching habang hinampas ng malakas yung arm-chair ko.
"B-baket?" Tanong ko habang umupo ng maayos.
"Baket mo your face! Kanina ka pa tulala dyan!" Sabi ni aira sabay irap.
"May iniisip lang ako." Walang gana kong sagot.
"Sino naman ang iniisip mo ha?" Taas kilay na tanong ni ching.
"None of your bussiness." Pag tataray ko. Sabi nga sa quotes, kailangan mo rin maging bitch minsan.
"Awtsu! Ang sabihin mo, si Luhan ang iniisip mo. Nung isang araw ka pa ganyan hoy!" Sabi ni aira sabay tawa.
Ang totoo, si Luhan nga ang iniisip ko. Ewan ko ba. Nakakainis yung lalaking 'yon. Simula nung nakita ko sya, lagi ko na syang iniisip. Tsaka gusto ko sya laging daanan sa room nila para makita sya.
Minsan sa canteen, kotang-kota ko dahil nasa tabi lang sya ng table namin. Kaya sobrang saya ko.
Pag napapa-tingin sya sakin sobra kong kinikilig. Kaso nga lang, hanggang tingin na lang ako. Hanggang sulyap. Nakaka-lungkot naman isipin na, yung crush ko hindi ako pinapansin.
"Hoy! Tulala ka na naman!" Sigaw ni ching sabay hampas ng mahina sa balikat ko.
"So-sorry. Pasensya na." Sabi ko sakanila. Eto na naman ako. Bumalik sa pagiging parang ewan na Aki.
Bigla kaming nagsi-tahimik ng pumasok ang isang teacher na hindi naman nag tuturo samin sa kahit anong subject.
"Hi class. I'm Ma'am Legaspi. I know all of you is not familiar to me right?" Pamungad nya. Halatang masungit dahil itsura pa lang kitang-kita na. Tumango kami lahat dahil totoo naman na hindi sya pamilyar samin.
"I'm your new teacher in Filipino. Sir Anjo is on leave dahil sa isang private reason." Sabi nya habang nililibot ang tingin saaming lahat.
"Excuse me." Sabi nya sabay lumabas ng room.
Filipino teacher pero kung makapag-english wagas. Tahimik ang lahat dahil may teacher sa harapan namin. Pero nung lumabas sya, biglang umingay ang lahat. Lahat nag bulungan.
Bigla akong tumawa ng napaka-lakas dahil sa nakita ko. Si Amber kasi nagpapatawa. Napa-takip ako sa bibig ko dahil sakto ang pagpasok ni Ma'am Legaspi. At rinig na rinig yung tawa ko. Malamang maririnig nya yon dahil ang lakas ng tawa ko. Bwiset ka talaga kahit kailan aki! Nakakainis ka.
Tumingin sya ng napaka sama sakin. Mamamatay na ko sa titig nya ha. Hindi pa naman ako sanay sa mga eye contact na yan.
"Nawala lang ako saglit nag ingay na kayo. At ikaw!" Sabi nya habang tinuro ako. Bwiset talaga. Sir Anjo bumalik na kayo please.
"Ikaw, ka-babae mong tao wala kang pakundangan kung tumawa. Anong pangalan mo? Stand up!" Galit nyang sabi. Nakakainis. First time mangyayare sa buhay ko tong ganto.
Tumayo ako. Nakita kong naiinis na din ang mga kaibigan ko sa inaasal ni Ma'am Legaspi dahil new teacher sya pero grabe kung maka-asta.
"Sagutin mo yung tanong ko. Anong pangalan mo?" Sabi nya habang sakin lang nakatingin. My ghad!
BINABASA MO ANG
Started in room 201
RomanceStarted in room 201 Thankyou for the wonderful cover @-galaxysupervava :) -2014 I_nanaaa Storyline