iii.

42 8 4
                                    

#StartedInRoom201

Chapter 3

Maaga akong pumasok para hanapin yung papel na sobrang iniingatan ko.

Ako pa lang ang estudyante rito. Sobrang aga pa kasi eh. Dapat nga hindi pa ko papapasukin kaso nag pumilit ako kaya ayun, pinapasok din ako.

Nag tanong ako sa mga janitors pero wala daw silang napulot na papel.

Malamang aki, ang dami kayang kalat dito sa school. Ay ang tanga ko talaga.

Agad akong nagpunta sa locker room. Hinanap ko sa lahat ng sulok. Sa ilalim, gilid, ibabaw at kung saan-saan. Chineck ko na din yung locker ko kung nandon. Pero wala din. Tinignan ko din sa mga notebooks at libro ko kasi baka naka-singit pero wala. Hay jusme

Pero mas okay na din kung natapon na ng mga janitors yon kaysa naman sa may maka-basa pa non. Nakakahiya lang.

Pagka-labas na pagka-labas ko, agad kong nakita si Luhan.

Biglang nanlaki ang mga mata ko at yung puso ko ang lakas na naman ng tibok.

Sa sobrang lakas ng pag-tibok nya, napa-hawak ako sa kaliwang dibdib ko at ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Napa-talikod ako sakanya dahil nahihiya ako. Tsaka, kinikilig din ako. Mahirap na, baka mahalata nya.

"Eto ba hinahanap mo?" Sabi nya kaya naman sobrang gulat ako. Sya naka-kuha non? Ay putang-- bwiset! Sya nakakuha? For real? Nakakahiya!

Unti-unti ko syang hinarap at nakita ko syang may hawak na papel. Ay shet! Nakakahiya!

" Dear Luhan, Lagi akong nagpapapansin sayo sa school pero di mo ko pinapansin. Minsan napapaisip ako kung susuko na ba ko o hindi kasi patay na patay ako sayo. Alam ko naman na wala akong pag-asa sayo, Pero sana manlang mapansin mo ko o kaya mag 'HI' ka man lang sakin ayos na. Kaso Hindi talaga eh. Simula nung nakita kita sa classroom nyo (room 201 pa nga yun eh.) na humahakhak sa tawa, nagka-gusto na ko sayo. Hi Luhan, Ako nga pala si Aki. I love you! Mwaaa"

Binasa nya sa harapan ko yung naka-sulat sa papel at sobra akong nahiya. Agad kong inagaw sakanya yung papel at ginusot ito sabay tapon sa basurahan.

"Bat mo tinapon?!" Gulat at inis na tanong nya.

"Eh gusto ko eh." Sabi ko. Nangangatog yung boses ko dahil kinakabahan ako at in the same time, nahihiya.

"Nag papapansin ka pala? Haha, papansin na tawag mo dun? Di halata." Sabi nya sabay lapit sakin kaya naman napa-atras ako. Sinarado nya yung pintuan at ni-lock.

Kinakabahan na talaga ko. Ano ba luhan ahuhuhu.

"Di yun totoo. Bored lang ako nyan kaya ko sinulat yan. Tsaka, w-wala akong gusto s-sayo noh!" Sabi ko habang umaatras habang sya naman palapit ng palapit sakin.

"Wala kang gusto sakin? Akala ko pa naman totoo. Akala ko may chance na maging tayo kasi gusto din kita." Sabi nya habang lumalakad parin papalapit sakin. Totoo ba to? Kung hinde, nako mamamatay na ko.

"Ako mismo naka-pulot nung sulat at nang nabasa ko yun, sobrang saya ko. Kaso, di pala totoo? Well, hindi naman ako naniniwala dahil kita sa mga kilos mo ngayon." Sabi nya at tinulak ako papunta sa pader.

"Alam mo bang, tayo palang estudyante dito? Inaantok pa ko dahil sobrang aga ko gumising para maabutan ka dito." Hindi na ko makapag salita at makagalaw dahil sobrang lapit na ng muka nya sakin tapos yung dalawang kamay nya nakaharang sa gilid ko. Puta-pete naman luhan!!

"Oo na! Ako na nag sulat non! Oo na inaamin ko na! Gusto talaga kita! Oo na, oo na!! Pwede ba, paalisin mo na ko?" Sabi ko sakanya. Akala ko papaalisin nya na ko pero hinde, mas lalo pa syang lumapit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Started in room 201Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon