Vice's POV
Pasakay na kami ng private plane papuntang america.
"B--babe sure na ba talaga tayo?"tanong ko rito.
"Pagkabalik natin ng pilipinas a-ayusin natin ang lahat"
Bahala na.
Nakatulog na si ion pero ako hindi parin iniisip ko kung, pano ko to sasabihin kila nanay bigla bigla nalang akong mawawala. Pero walang bawian na.
Nakatulog ako sa byahe.
Paggising ko nasa byahe parin kami, di naman pala ganon ka haba yung tulog ko.
Nilingon ko si ion na mahimbing na natutulog. Lumapit ako sakanya para ayusin yung blanket niya.
Habang inaayos ko ito, bigla niyang hinawakan yung kamay ko.
"Kanina kapa ba gising?"tanong ko.
"May naramdaman akong malikot na kamay eh"
Inripan ko siya at umupo na nang maayos.
Iniisip ko kung hinahanap na ba ako nila nanay nila ann, karylle, jackie.
Tama ba na iniwan ko yung pag aaral ko?
Pero...
Yung pag aaral ko pwede ko pang balikan at ulitin pero si ion pag nawala na siya parang ang hirap na balikan once in a lifetime ko lang mararanasan to na may lalaking handang ibigay yung sarili niya at handang makasama ako habang buhay.
"Okay ka lang ba?"tanong ni ion sabay hawak sa kamay ko.
"Hmmm, may iniisip lang"
"Kung about yun sa kasal, di na kita pipilitin kung hindi ka pa handa"
"Handa na nga ako"
"Today I Commit Myself To You"
(a/n: Panoorin niyo yung wedding vlog ng vi yun yung ganap)
"Good morning babe!"bati ko kay ion.
Unang araw as mag asawa.
Napagusapan namin ni ion na sabihin na ito sa mommy niya since andito na din kami sa america pupuntahan nalang namin siya.
"Ready ka na ba?"tanong ni ion.
"Hmmm...kung sabihin kong hindi, hindi ba natin eh tutuloy?"
"Babe naman eh"
"Charot, oo na bilisan ko na jan"
••
Andito na kami sa harap ng pintuan ng bahay ng mommy ni ion.
Kumatok na si ion.
Medyo napaatras ako dahil hindi ko talaga lubos maisip yung reaction ng mommy niya.
Nang bumukas yung pinto, sobrang bilis na nang tibok ng puso ko.
"Ma"
"Benigno, anak!"
Nag yakapan sila.
"Bakit hindi mo sinabi sakin na nandito ka, ginulat mo naman ako"saad ng mommy ni ion.
"Edi surprise ma, just kidding...miss ko na po kayo may balak pa ba kayo na bumalik ng pilipinas?"saad ni ion.
"Siguro hindi muna sa ngayon anak, alam mo naman na mamimiss ko yung daddy mo, teka pasok mo muna kayo"