HOOLG 3: The Unspecial Wedding

32 14 2
                                    

3RD PERSON'S

The wedding happens like a normal ceremony, masaya ang lahat maliban sa kaniya at kay Marco. Masaya naman siya dahil nga gusto niya si Marco pero may parte ng utak niya ang nalulungkot dahil sa kapalit ng magarbong kasalang ito.

Madalang na rin siyang ngumiti pagkatapos ng gabing iyon, ng gabi kung saan narinig niya kung paano bitiwan ni Marco ang mga salitang iyon.

"I'll make sure na magpapakasal tayo after 2 to 3 years. Kailangan lang nating maghintay, pakikisamahan ko muna siya, hindi ko susundin si Dad kung iyon ang iniisip niya" walang kagatol-gatol nitong sabi. Habang si Catalina naman na hindi sinasadyang marinig ang usapan nila ay napatakip ng bibig-hindi makapaniwalang maririnig niya iyon mula kay Marco.

"'Wag ka na mag-alala, hindi tayo maghihiwalay. Hindi malalaman ni Dad na hindi kita hiniwalayan. Ikaw ang mahal ko, Dahlia! Hindi siya, pinakasalan ko siya dahil gusto ng mga magulang namin, hindi ako." Sagot pa nito. Bakas na ang inis sa boses nito.

Bigla niyang naalala ang mga sinabi sa kaniya nila Marco at Olivia na siya ang naglagay sa sarili niya sa ganitong sitwasyon kaya't may karma siya balang-araw.

Isn't it her parents' plans not hers? Ang gusto niya lang naman ay sumunod sa mga magulang pero pakiramdam niya siya ang kinakarma.

Nang marinig niya iyon, hindi na siya umasang magiging maayos ang pakikisama ng asawa niya sa kaniya. Yung buhay niya parang dati lang din, alone, parang malaya pa rin. Pero ang pinagkaiba, hindi siya masaya, hindi kasing saya noon.

Siguro ito na 'yung simula ng karma ko haha.

Magdadalawang buwan na rin silang kasal, si Manang Emma lang ang palaging kasama niya sa hapag dahil maaga siyang umaalis at gabi na rin kung umuwi dahil sa tambak na ang trabaho sa Firm, her firm is doing good in Architectural Field.

Pagbaba niya naabutan niya si Manang Emma, naghahanda. Alas sais y media (6:30) Palang naman ng umaga, at alam na rin ng matanda ang usual routine, kapag umaga ito ang nagluluto ng almusal at sasabayan siya, at ipapaubaya naman ng matanda ang agahan ni Marco sa kaniya. She knows how to cook, but not as good as her mother.

"Oh gising ka na pala iha! Nako tikman mo ito, binake ko, lasagna ata ang tawag?" Masiglang bati sa kaniya ng matanda habang nangangamot pa ng ulo dahil sa hindi ito sigurado sa pangalan ng niluto niya.

"Mukhang masarap Manang! Saan niyo po nalaman paano lutuin? Kindly share it to me po?" Tanong niya.

"Sa onlayn. Nako akala ko naman pagkahirap-hirap. Kasi naman kapag tiningnan mo yung picture parang sobrang hirap HAHA pero madali lang naman. Gusto mo lutuan kita palagi nito" biro pa nito.

Despite of their marriage situation, hindi naman siya nalulugmok sa sobrang kalungkutan dahil nandiyan si Manang Emma, lagi siyang pinapatawa sa umaga, hinahandaan siya ng agahan, hinihintay siya sa pag-uwi at hinahainan din siya ng hapunan. She's at least lucky to have her Yaya Emma.

Sinimulan na niyang kumain dahil magluluto pa siya ng agahan ni Marco bago ito pumasok, ang sabi kasi ng Manang sa kaniya, heavy meal daw ang gusto ng asawa dahil nakakapagod ang trabaho nito sa DFC.

Hindi mawala ngiti niya sa bawat pagsubo dahil masarap ang binake na lasagna ni Manang! Talagang expert ito sa pagluluto.

Nang matapos siyang kumain, tinulungan niya munang maghugas ng plato ang matanda at tsaka niya sinimulang lutuan si Marco ng ginisang repolyo na may baka. Hindi niya kayang magluto ng may maraming rekados dahil sa 7:30am ang pasok niya, kaya puros ginisa o madadaling putahe na may sabaw lang muna habang busy pa ang schedule niya ngayon.

The Married Series 1: Hold On Or Let Go (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon