HOOLG 7: Marriage's effect

24 6 7
                                    

A/N: This Chapter is dedicated to ongshem , thank you for being my 3rd comment! Ily<33

MARCO LUIS

Nang makauwi ako at dumiretso sa kama doon ko naalala ang dapat na plano ko no'n-ang pakikipagkasundo kay Catalina. Pero impossible na 'yon dahil sa misunderstanding na ako rin naman ang may gawa. I asked Nathaniel about what happened that night, he says nadaanan niya lang daw si Catalina sa Solace Garden habang nakaupo at nakatingin sa paligid. Ako lang ang nag-isip ng masama.

I sighed. I need to think, kapag plano ko ng makipag-ayos may sumisira talaga, it's either we're both busy o nag-away kami.

I called Feliximo, Elysse's Husband.

"What?" Iritado nitong sagot. Ano nanaman kayang problema ng gagong 'to?

"Samahan mo ko uminom. Gusto kong mag-unwind" ani ko. Bigla naman itong natawa sa kabilang linya, what's funny?

"Why? Is your Conscience works now? Sorry bro, if you're not aware my Wife is pregnant, she needs me"

"Samahan mo na ko, ngayon lang naman 'to" pakiusap ko.

Huminga ito ng malalim sa kabilang linya.

"Magpapaalam muna ako kay Elysse, doon nalang tayo sa penthouse mo at 8pm, kung papayagan ako." Hindi pa man ako nakakasagot ay binabaan na niya ako ng tawag? Napakagaling talaga ng hinayupak na 'to!

Pumikit ako saglet at hindi ko na rin namalayan na nakatulog na pala ako, paggising ko ay 5:30pm na.

Nang maalala kong dito matutulog sila Mom and Dad, napagpasiyahan kong 'wag uminom ng marami, Uuwi rin ako agad. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ba ang dahilan kung bakit ako iinom ngayon, is it because i failed to be civil with Catalina? Or i failed to be a better man?

I think both, Marco.

6pm nang matapos ako magbihis. Hindi na rin naman ako nagabala sa pagdadamit ng magarbo dahil kami lang naman ni Feliximo ang magkasama, magiinuman pa kamo.

Pagbaba ko ay nabato ako sa kinatatayuan ko nang makita ko kung sino ang papasok.

It's her...Catalina. Wearing a white long-sleeves with below-the-knee cream palda. Nakaayos pa rin ang pagkakapusod ng buhok niya. She immediately stopped nang makita niya akong nakahinto isang hakbang pababa.

Awkward....

Pareho kaming nagkakapaan-nagpapakiramdaman kung ano bang gagawin namin, ramdam ko pa rin'g masama ang loob niya dahil sa nasabi ko sa kaniya noon.

"Ah nga pala.."napahinto ako, Damn it! Ngayon ka pa ba hihinto? Nakatingin na siya sayo Marco! "Nagkayayaan kami ni Feliximo...iinom lang kami saglit. Uuwi rin ako agad." paliwanag ko. Tumango siya at sumilay ang malambing niyang ngiti. Parang pinipiga ang puso ko nang makita ko ang emosyon sa mata niya..

Malungkot

Pinutol naman niya ang tinginan namin at binuklat ang paper bag. A Paris-based clothing line named 'Bonjour', nilabas niya ang....jacket? At binuklat.

Para akong napaso nang isuot at ayusin niya iyon sa akin, para bang pinaplantsa niya ang jacket ko using her own bare hands? I can't help but to feel the warthm in my heart, Catalina is always the caring one. Hindi ko lang mapigilang magalit sa kaniya dahil naaalala ko kung paanong umiyak si Dahlia nang malaman niyang tuloy na tuloy na ang kasal.

This girl infront me made my love cry.

"Pinabili ko 'yan sa paris as a gift.." tumingin pa siya sa akin at binawi rin. "I thought hindi kakasya, tsaka it's cold outside, you should wear that..kung gusto mo lang naman. Kung galit ka okay lang na suotin mo lang ngayon at...itabi nalang. Kung galit ka talaga ng sobra sa akin....hindi naman ako magagalit kung itatapon mo." Alanganin niya akong nginitian at lumayo na sa akin. Hindi ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa.

The Married Series 1: Hold On Or Let Go (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon