Kabanata 2- Ang Madilim na katotohanan

25 1 0
                                    

Lungkot at takot.

Yan ang pakiramdam ko buhat ng umalis ako ng bahay kaninang pasado alasdos,ala-sais na ngayon at malapit na daw ang bus pa maynila.

Hindi ko alam kung saan ako papadparin sa pag-alis kung ito wala akong kakilala sa maynila dahil wala naman kaming kamag-anak dun meron man hindi ko kilala dahil ang pamilya nami'y hindi malapit sa mga kamag-anak ni inang ani ni inang: masasama daw ang ugali ng mga kapatid nya sa dahilang ayaw sabihin ni inang,alam kong may itinatago sya ngunit wala akong magagawa kung ayaw nya sabihin.Kahit ang tungkol sa aming ama'y ayaw nya ding pag-usapan,

Pasado alasyete na ng dumating ang bus papuntang maynila,ito na daw kasi ang una at huling bus kaya't kahit siksikan dahil puno sumakay narin ako mapadali lang patungong maynila.

Alam kong gising na sila ngayon at sana mabasa nila ang sulat na iniwan ko sana rin hindi masama ang loob ni inang sakin.

Habang nasa byahe pinilit kong wag matumba sa pagkakatayo.

Nakatayo ako dahil sa sobrang punuan pero ayos nato kesa naman sa hindi ako makarating sa patutunguhan ko.

"A miss dito ka na lang!" Wika ng medyo may katandaang lalaki itinuturo nya yung upuan nya.

"A nako salamat nalang po pero okay na'kong nakatayo"-sagot ko sabay ngiti.

"Hindi maupo kana malapit naman na ako" wika pa ulit nito

Sasagot pa sana ako pero tumayo na sya at pagtayo nya nagkadikit ang balat namin , naupo naman na ako sa upuang inalok nya.

"Ay pasensya na miss" sambit nito,maya-maya pa'y tumigil ang bus at bumaba ang lalaki .

May lumapit sakin at marahil ito ang kundoktor.

Nagti-ticket na sya at binigyan ako ng isang papel na binutasan nya pa

"389 pesos po" sabi nya

Alam kong ganung halaga ang ibabayad ko sakto na lamang at may limangdaan ako.Dumukot ako sa bulsa pero.......

Wala. Nawawala ang perang inutang ko pa para maipamasahe.

"Matagal pa na miss?" Naiiritang tanong ng kundoktor.

"Ha..? A ..e na

"Ano? Wag mong sabihing wala kang pangbayad!?!" Galit na sabi nito natakot ako sa kung anong pwedeng mangyari pagnagkataon ayaw kong mangbintang pero guro'y kinuha ito ng lalaking nagpaupo sa'kin dito .

"Nawa-walaaa po yung per-pera ko"- nanginginig ang boses na sagot ko.

"A! Pu****in* mo sige baba! Pare tigil muna walang pangbayad tong isang to!"- sigaw nya nakatingin samin lahat ng tao sa bus at tila lulubog na'ko sa kahihiyan.Tumigil ang bus at hinila ako pababa ng kundoktor.

"Wala ka palang pangbayad nakuha mo pang sumakay na bwiset ka!"- galit na sabi nito.

"Parang awa nyo na po kailangan kong makarating ng may-maynilaa.."- pakiusap ko habang umiiyak na.Pero hindi ako pinakinggan,nagbubulungan na ang mga tao sa eskandalong yun at talagang wala na'kong mukha sa sobrang pagkapahiya....'

Talagang walang katiyakan ang buhay sa mundo at maraming hindi dapat na pagkatiwalaan

Nagsisisi ako na umalis pa'ko sa amin pero paano na? Paano ako babalik? Hindi ko alam ang lugar na'to .

Mahirap mangapa sa dilim lalo na't wala kang tanglaw para makita mo kung saan ka pupunta

Talagang napakadilim ng katotohanan,katotohanan na sa mundong ito pamilya at sarili mo nalang ang dapat mag may-ari ng tiwalang ibibigay mo.

______________

Abangan ang susunod na kabanata...

Saan nga ba dadalhin ng kapalaran si lily?

StillOnGoing...

Liwanag sa dilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon