Cheonsa Academy

181 8 0
                                    

When I was just 12, my classmates would ask me if I have a crush. Yaan ay yung mga panahon na halos lahat ng babaeng kasing edad ko ay nagkakaroon ng crush.

"Sige na, sabihin mo na kung sino crush mo?"

"Wala nga eh. Hindi ko alam kung paano magkacrush."

"Weh?"

"Pero alam kong crush mo si Gian at crush naman ni Gian si Sandra. Randam ko yun."

Noong naghighschool ako, nagkaroon ng boyfriends ang mga kabatch ko. Natutong magmahal at magkaheartbreak. Again, they will ask me kung nagmahal na ako at nasaktan. Pero hindi nga, hindi ko pa nararamdaman kung paano magmahal o masaktan. Pero randam ko kung ganno kamahal ni Athena si Blake at kung paanong nadurog ang puso ni Blake ng magbreak sila. Ilang araw din akong umiyak dahil ilang araw ding umiyak si Blake. Ilang araw din akong nadepressed noon. Ramdam ko.

Hindi ako nanonood ng Drama. Iniiwasan kong makakita ng babaeng umiiyak sa ulanan, o bidang lalaki na nakikipagbreak, dahil matapos noon, ilang oras na naman akong iiyak. Ayokong manood ng horror, suspense o mystery, sa bawat saksak ng killer sa parte ng katawan ng biktima, ramdam ko iyon. Ramdam kong parang hindi ako makahinga at na mauubusan ako ng dugo.

Kapag lumalabas ako, iniiwasan ko ang lahat ng tao. Dahil magmimistulan akong baliw na biglang tawa, iiyak, magagalit o mamimilipit sa sakit.

Dahil isa akong "Mirror". Yun ang tawag nila sa aming may Mirror touch Synaesthesia. Wala kaming kakayahan na makaramdam ng emotion o ng pain o ng touch on our own. Manhid daw kami. Pero hindi kami manhid. Sadyang wala lang kaming makaramdam magisa. Dahil ang mga emosyon na nararamdaman namin at ang mga sakit, nakabase sa ibang tao. Hindi ako masasaktan kahit sampalin mo ako o saksakin, pero kapag nakakita ako ng taong nasasaktan, nasasaktan din ako. Hindi ko magawang magalit, magselos o magmahal. Pero isang tingin ko lang sa ibang tao, nararamdaman ko na kung anong klaseng emosyon ang mayroon sya.

I'm incapable of feeling anything on my own. Para akong isang "Mirror". Walang sariling image. Nakadepende lang sa iba ang lahat.

My world is like a living hell. Ang maramdaman lahat ng sakit na hindi para sa akin. Hanggang sa makilala ko sya. Kapag kasama ko ang taong iyon, para syang isang shield. Hindi na ako isang mirror sa twing kasama ko sya. Kaso may ilang problema sa aking shield.

He is a bad boy.

And he studies in the prestigious Cheonsa Academy. Isang international school para sa mayayaman and mixed races. The school is populated majority by Koreans na nakatira sa pinas, o may lahi.

Ibibigay ko ang lahat mapalapit lang sa kanya. To have a moment of silence, in a world of pain.

So, I am going to do everything, makapasok lang sa Cheonsa Academy.

Cheonsa AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon