Reflection 10

33 1 0
                                    

[Wifey's Pov]

"So I arranged everything, That girl, ang name nya ay Mirror. Okay, I'll just call her mirror. Si mirror ay nandun sa lahat ng klase na mayroon ka. Magiging seatmate mo sya. Yung kwarto nya sa dorms ay katapat ng kwarto mo at~"

"Noona, why are you doing this?" Hindi pa ako tapos magpaliwanag pinutol na nya.

"Gusto ko syang maging girlfriend mo?"

"Why so sudden? Hindi mo nga sya kilala eh."

"The fact that she kissed you, gusto ko na sya. Pangalawa, alam mong I can pick any random girl sa kalsada para ibugaw sa yo noh." Kalma kong sagot.

"Gusto mo ba akong iarrange marriage ate?"

"Nope, I won't do that. Gusto ko lang na magkagirlfriend ka. Just try it. Try courting her. Pag di mo gusto e di hindi. Pag gusto mo e di wow." Sagot ko pa.

"I don't need a girlfriend." Sagot nya.

Yes you do Jaehyung.

"Babalik na ako sa dorms." Sabi nya pa sa akin tapos ay ngumiti.

"Think about it then."

"I'll think about it." Sagot pa nya.

"Yaksokhaejwo! (promise me)" tapos ay nagpinky finger kami.

"Yaksokhaesseoyo. (I promised)" tapos ay umalis na sya.

You need to have a girlfriend Jaehyung. You need to forget the girl from three years ago. You need to stop all of this.

Alam kong hindi na nya hinahanap yung babaeng yun. Pero alam kong di nya rin iyon kinalimutan. Kaya nga sya naging ganyan eh. Gangster. Pakiramdam nya, duty nyang iligtas ang mga tao. Dahil hindi nya naligtas ang babaeng yun. Wala syang nagawa. At ayokong ganyan sya, dahil sa bawat ginagawa nya. Papalapit sya ng papalapit sa katotohanan.

Alam ko namang magugustuhan mo yung mirror, because just like that girl, she's also weak.



[U.ra's pov]

Ang saya naman. Ako na ang nautusan na magtour dun sa dalawang transferees. Sina Mirror at Ria.

Kaya lang hindi ko alam kung sino dito yung humalik kay Jaehyung. Huhu.

"Annyeong Haseyo. Cheonun U.Ra imnida!" sabay bow tapos ay tumayo ulit ako, "Hello! Ako nga pala si Urassaya Horvejakul. Pero kilala ako dito as U.ra. U tuldok tapos R tapos A pag sinulat pero pag binasa, Yura. I'm Thai. I was born in Thailand. Pero dahil namatay tatay ko, nagasawa uli ang nanay ko. Ang napangasawa nya ay Korean kaya lumipat kami sa korea nung elementary ako. Kaso namatay uli yung napangasawa nya. Lumipat naman kami sa pinas at dito sya nagasawa. Sa awa ng dyos buhay pa yung pangatlong asawa nya. Hehehe." Masaya ko pang sabi.

"Kaloka yung nanay mo." Sabi nung isa.

"Hindi lang loka loka. Malandot pa at mayaman. Ang tatay ko may mall. Napunta kay mama yung mall ng mamatay si Papa. Yung asawa nyang Koreano may theme park. Napunta na naman sa kanya. Yung pinoy naman may fastfood chain. Kaya ang yaman namin. Hehehehe. Sabi ko kay mama ang inext naman nya ay japanese, dapat yung may resort. Gusto kong magkaresort eh." Tawa pa ako uli. Totoo yun. Black widow nga ang tawag nila sa nanay ko eh. Lahat ng napapangasawa nya namamatay. Pero hindi pinapatay ni mama ah. Swineswerte lang talaga sya.

"Edi wow." Sabi nung isa, yung nagsabing kaloka daw ang nanay ko, "Ako nga pala si Ria at eto pala si Mirror." Sabi pa nya.

Sumulyap sa akin yung mirror tapos umiwas agad ng tingin.

Ineexamine ko yung itsura nung dalawa. Madaldal yung Ria at mukhang makapal ang fez. Yung Mirror tahimik pero mukhang mahina. Im baek (100%) percent sure na yung Ria ang humalik kay Jaehyung. Yung Mirror kasi, she looks like she doesn't have the guts to do anything.

Yay sure na ako!

Cheonsa AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon