Reflection 25

29 0 0
                                    


[Jaehyung's Pov]

"Omg! Sino ang gumawa sa kanya nyan! Bulsanghae! (Kawawa naman.)" sabi pa ni Noona. Agad nyang tinawag ang butler nya at inutos na dalhin sa guest room si Mirror. Inutos din nya na tumawag ng doktor.

Sila Yohann at Kenneth at Michael ay isinugo ko para hanapin kung sino gumano noon kay Mirror. Sumama na din si Yeonmu. Syempre, kapatid nya ang tinuturong mastermind.

Naiwan si Jaemin, Sihyun at Hyunwoo dito.

"Noona, I know some basic first aid. Gagamutin ko muna ang sugat nya bago dumating ang doktor. May i?" tanong ni Sihyun. Agad tinawag ni ate yung isa nilang katulong. Si hyunwoo naman nagcr. At si Jaemin sumunod ke Sihyun.

"Anong nangyari sa kanya?" tanong ng ate ko pero bago ako makasagot, "Omg! Knight in shining armor kapatid ko. Sabi na eh bagay kayo!" sabi pa nya.

-_- Ano ba talaga ang nakita mo sa babaeng yun.

"Ate, Slut sya."

"Naniwala ka naman. Straightforward lang sya magsalita eh."

"I don't like her at first.." sabi ko.

"But gusto mo na sya ngayon? Omg!" si ate.

"She sounds like a slut. I hate sluts. I hate her so much. Pero narealize ko na straightforward lang sya, at para bang di nakakaramdam ng hiya. Pero inosente sya. But that doesn't mean na gusto ko na sya. Ginagawa ko lang to dahil sinabi mo." Sagot ko pa. Kahit anong sabihin ni ate susundin ko. Makita ko lang na nakangiti sya. Masaya na ako.

"Good baby! Itry mo lang, malay mo mainlove ka sa kanya."

"Geumjo Noona.." napalingon kami sa nagsalita, si Hyunwoo

"Ginagawa lang ni Jaehyung yun dahil request mo. But we both know too well. Jaehyung's not going to fall in love with a girl, have a relationship, marry a girl or even touch them. Never again."

"Kaya ko nga ginagawa to. Babaliin ko yang desisyon ng batang yan."

Di na ako bata.

"Iniwan nya ang first love nya, mula ng nangyari 3 years ago. Yung minahal nya ng sobra. Ganoon sya kadesidido sa desisyon nya." Sagot pa ni Hyunwoo.

"Malay mo naman di ba hyunwoo. Hahahaha." Sagot ni ate na tumatawa.

At pangunahan ba talaga ako.

Pero kahit ayoko pa kay Mirror. Nacucurious ako sa kanya. Para akong puppet na hinihila kaliwa at kanan. Sasabihin nyang kaylangan nya ako then the next ipagtutulakan nya akong palayo.

[Mirror's Pov]

Dumilat ako at nagising sa isang magandang kwarto.

Nasaan ako? Anong nangyari?

"Gising ka na!" isang lalaki ang nakatingin sa akin na punong puno ng pagaalala. Sihyun ata pangalan nya.

Alalang alala sya sa akin. Napakagentle nya at kind hearted.

"Nabalitaan kong si Yoolhye daw ang gumawa nito sayo?" malumanay nyang sabi. Tumango ako.

"Ako na ang magsosorry in behalf of her. Brat lang sya, masyado lang syang clouded ng emotions nya, pero mabait si Yollhye." Dugtong pa nya. Taos sa puso nya ang pagsorry. At ng banggitin nya si Yoolhye.

There's love.

Nakaramdam ako ng onesided love. This guy loves yoolhye so much. Such a gentle and kind guy.

He likes her.

"Saglit tatawagin ko sila."

*******************************

"Ok ka na ba?" hindi ko talaga mabasa ang lalaking ito. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman nya. Kung nagaalala ba sya, o dahil lang andun ang ate nya. Balita ko, kaya lang sya lumalapit sa akin dahil sa ate nya.

Tumango ako.

Umupo sya sa gilid ng kama at hinaplos ang ulo ko.

"Ok na ba ang sister in law ko. Ahihi!" sabi ng isang babae na lumapit. Nakita ko na sya dati. Nung nagenroll ako, nasa office sya. Pero hindi ko nakita ang mukha nya. Nakayuko sya noon.

Ngayon, makikita ko na sya.

...........................................

Pamilyar sya. Nakita ko na sya dati.

"Why?" tanong nya sa akin ng makita nyang nakatitig lang ako sa kanya.

"Nakita na kita noon." Sabi ko pa. Hindi ako pwedeng magkamali. Hindi ko agad malilimutan ang mga matang iyon, "nakita kita sa park noon. Ikaw yung nakamaikling damit at may kahalikang lalaki."

Hindi ako pwedeng magkamali. Sya yung babaeng nakamahalay na damit at kung magdamit ay parang pokpok na nakikipaghalikan doon sa lalaki sa park.

Hindi ko sya malilimutan. Dahil puno ng galit ang mga halik nya. Puro galit ang nasa mata nya.

"What the fck is that!" sigaw ni Jaehyung.

"Hahahaha. Ako? Nakikipaghalikan sa park. How i wish! Hindi ako yun. Baka kamukha ko lang." sabi pa nya. Ngayon, mas nakakasigurado akong sya yun. Kaba ang nararamdaman ko sa kanya sa ngayon. parang isang batang nahuling nangungupit. Natatakot. Kinakabahan.

"Umayos ka Mirror. Kapag hindi ka sigurado wag mong sasabihin. Lalo na kung tungkol kay Ate Jenna. Kay Wonjangnim (School director). Sya ang pinakamahalaga kay Jaehyung!." Si Jaemin. Iritado sya. At nagaalala para kay Jaehyung.

"Bawiin mo yun"-jaehyung

"Sigurado ako sa nakita ko," napatigil ako at napatingin sa isang lalaki dun. Yung hyunwoo? Umiiling sya. At nababakas ko ang mga nasa mata nya.

Na binabalaan nya ako. Na nagaalala sya sa akin ngunit naniniwala sa sinabi ko. Na bawiin ko ang sinabi ko.

Sobrang tapang ng mga emosyon nya kaya sinunod ko na lang.

"Baka nagkamali lang ako. Sorry."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cheonsa AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon