Chapter 1

36 3 0
                                    

CHAPTER 1

Kate's POV:

"Ano ba kasi ang pumasok sa kokote mo at nilapitan mo ang lalaking 'yon, anak?",
"--Halos ininsulto niya ang pagkatao ko!",
"--Nakakabadtrip siya ha?! At nakakabadtrip ka rin!", inis kong bigkas nang makauwi kami ng bahay.

"Mama, sorry na po. G-gusto ko lang magkaroon ng papa.",
"-Naiinggit kasi ako sa mga kaklase ko, lagi nila akong inaasar.", malungkot na turan ni Michael.

Actually, he's 7 years old at nasa grade 2 na siya.

16 years old ako nung nabuntis ako, kaya gano'n na lamang ang panghuhusga sa akin ng mga kapitbahay namin.

Pero wala akong pinagsisihan sa ginawa ko, dahil alam kong nagmahal lang ako.

At yung pagmamahal ko, nagbunga ng isang makulit at madaldal na Michael.

"Baby, kahit wala kang papa. Nandito naman si mama diba? Pwede mo ako maging mama at papa.", wika ko para alisin ang lungkot sa mukha ng aking anak.

"But I want papa. Bakit ba kasi, hindi ka nag-ayos kanina, mama?", pagsisisi nito.

"Anak naman, tuwing gabi lang ako nag-aayos. At mabuti na rin 'yon noh, at least, nalaman ko na lahat ng lalaki, habol lang ay maganda.",
"--Tsk. Manang daw!", saad ko nang maalala ko ulit ang walang modo na binata kanina.

Naramdaman ko naman ang pagyakap ng baby boy ko sa aking legs na tila naglalambing.

"Sabagay mama, tama ka po. Medyo bad nga si kuyang pogi. Pero bagay po kayo mama.", wika niya na tila may panghihinayang sa boses.

"--Alam mo Michael, wala ka pang alam sa love. Kaya 'wag mong sabihin na bagay kami. Kinikilabutan ako.", nandidiri kong bigkas.

"Ano ba kasi ang gusto mo sa lalaki, mama?", pagtatanong nito.

"Mabait, marespeto at may mabuting kalooban. 'Yon ang gusto ko. Pero sa ngayon, hindi ko muna 'yan kailangan. Dahil para sa akin, masaya na ako na nandyan ka.", litanya ko at niyakap pabalik ang bata.

Simple lang ang buhay namin ng anak ko
Hindi kami mayaman dahil nakatira lang kami sa maliit na bahay.

At matapos naming maglambingan, pinatulog ko na si Michael.

Malapit na kasing sumapit ang gabi kaya kailangan ko ng mag-ayos.

Gabi-gabi kasi ang trabaho ko sa sikat na club.
Hindi ako pokpok, dahil waitress lang ako do'n.

And besides, kailangan ko lang magpaganda para magkaroon ako ng tip sa mga lalaking makakausap ko.

Nilagay ko ang contact lens at kinulot ko ang aking buhok. Nag-apply na rin ako ng make-up. Kasabay no'n, sinuot ko na ang fit kong damit at sandal.

Bago ako umalis ng bahay, hinalikan ko muna sa noo si Michael.
Siya kasi ang nagpapalakas ng loob ko para gawin 'to.

___

Huminga ako ng malalim bago tumungo sa club.

This is it!

Madami na agad na customer.

Balita ko, mga bigatin ang pupunta ngayong gabi. Kaya sana, swertehin naman ako dahil masyado ng malaki ang utang ko.

"Bilisan mo na ang kilos mo, Kate. Ikaw ang naka-assign sa table ni Sir David.",
"--Galingan mo ha? Dahil CEO 'yon ng company. So be friendly.", bigkas ni Celine sa akin. Katrabaho ko sa club.

"Sige. Akong bahala.", ngiti kong tugon.

Tinuro niya ang pwesto ng binatang tinutukoy niya kaya kaagad akong naglakad do'n.

When a Single Mom meet the Hot CEO (BOOK 1)Where stories live. Discover now