Kate's POV:
Hindi maalis sa aking isipan ang sinabing offer ni David.
Matapos niya kasing sabihin 'yon, nagpaalam na siya dahil may kailangan pa raw itong asikasuhin sa kompanya.
Awtomatikong nalungkot ang anak ko, kasi masyadong bitin daw ang pagkakaroon niya ng papa.
Kaya heto, ako muna ako ang nakipaglaro sa bata para hindi siya magtampo.
"Ratatatatatattt!", pagsisigaw ko at pakunwari ko s'yang binabaril gamit ang hanger.
"Mama naman eh, lagi na lang ako ang patay. Dapat ikaw naman po.", pagsusumamo ng anak ko.
Bahagya akong natawa at binigay sa kanya ang hanger.
"Oh sige, ikaw naman ang bumaril sa akin.", bigkas ko dahilan para maganahan siya.
Kaagad s'yang pumwesto at talagang tinutok sa noo ko ang hanger.
"Isang bala ka lang! Bang!", sigaw nito kaya humiga ako at umaktong namatay.
Sa kalagitnaan ng paglalaro namin, nabulabog ako nang marinig ko ang sigawan ng mga tao.
Galing ito sa labas na animo'y pinagkakaguluhan ng lahat.
"Baby, dito ka lang ha? May titingnan lang ako sa labas. Time out muna tayo.", wika ko sa bata.
Tumango naman ito kaya agad akong lumapit sa pinto para buksan ito.
At 'yon, nakita ko ang isang malaking truck na sinisira ang maliit na bahay.
Oh shit!
Due date na pala namin ngayon para sa lupa.
Hindi pa kasi kami nakakabayad nung nakaraang buwan.
"Sir, maawa po kayo sa amin. Wala kaming matutuluyan.", naluluhang saad ng matandang babae habang nagmamakaawa.
"Kahit bigyan niyo pa kami ng araw para makapag-ipon.", pagpapatuloy na sabi nito.
"Misiss, pasensya na ho pero kailangan na namin ang lupang ito. Magpapatayo kami ng casino, kaya huli na 'tong pagkakataon.", mahinahon na sambit ng lalaki.
Awang-awa ako sa mga kapitbahay ko, dahil sa kalagayan nila.
Alam ko, na pati ang barong-barong namin na bahay ay sisirain nila.
Pero saan?
Saan naman ako kukuha ng pera?Hindi ako pwedeng bumalik ng probinsya dahil galit sa akin ang magulang ko.
Oo, galit sila dahil sa pagbubuntis ko ng maaga.
"Mama, ano po ba ang nangyayari? Bakit ang ingay sa labas?", kalabit na bigkas ni Michael sa aking likuran.
Nilingon ko naman siya at marahan na pinisil ang pisngi.
"Baby, kailangan na nating mag-impake ngayon.", tanging turan ko.
"B-bakit po, mama?",
"Kasi aalis na tayo sa lugar na 'to. At lilipat na tayo sa iba.", ngiting wika ko.
Ayokong ipaalam sa anak ko, ang lahat dahil masyado pa s'yang bata para sa ganito.
"Kay papa pogi po ba tayo titira, mama?", masayang tanong niya na halos kuminang-kinang ang mata.
Do'n ko naman naalala ang pag-uusap namin ni David kanina.
Tama!
Siya ang makakatulong sa amin para mapadali ang paghanap namin ng matitirahan.
"P-parang ganon na nga, anak.",
"--Sandali lang at tatawagan ko siya.", bigkas ko at naglakad palapit sa drawer kung saan nando'n ang cellphone.Tumawag siya kagabi, kaya malamang alam ko na ang number niya.
YOU ARE READING
When a Single Mom meet the Hot CEO (BOOK 1)
RomansaKate is a single mother. She could do everything for Michael. She works on a club every night just to earn money and give the needs of her son. But Michael wants to have a father. That's why he always pushing his mom to many guys. And because of it...