David's POV:
It's another day.
Gaya ng pinangako ko kay Michael, maliligo kami sa pool.
Yung mga meeting schedule ko, pina-cancel ko muna ngayon. At siguro, bukas na lang ako papasok kasama ang panibago kong secretary na si Kate.
Yes, I choose Kate, because I know she can do it.
Basta malaki ang tiwala ko sa kanya.
Halos lahat kasi kaya n'yang pasukan at gawin para lang sa bata.
And I love it. I love the way she care to her son.
Gumagaan tuloy ang loob ko sa babae.
___Napatingin ako ngayon sa wall ng aking kwarto, kung saan nakasabit dito ang malaking picture ng dalagang minahal ko.
Yes, my ex-girlfriend, Katrina.
Kamukhang-kamukha ni Kate ang ex ko, sa tuwing nag-aayos at nagpapaganda siya.Kaya nga, nung naka-table ko siya sa club, hindi ko na siya pinakawalan pa.
Naakit niya ang mata ko, at kapag nakikita ko siya, ang tibok ng puso ko, bumibilis.
Siguro dahil hindi pa rin ako makamove-on kay Katrina.
My woman left me because of her career.
She's in California right now, at isa s'yang model do'n.
Kung pag-uusapan ang ugali, sobrang bait niya. To the point na, lahat ng sweldo nito, binibigay niya sa charity dito sa Pilipinas.
Mahilig siya sa mga bata at pareho sila ni Kate.Kaya hindi ko maiwasan na ikumpara silang dalawa.
"Papa! Bakit ang tagal mo sa loob? Kanina pa po kami naghihintay ni mama.", sigaw ni Michael habang kumakatok.
Kinuha ko agad ang tuwalya at pinalibot ito sa aking bewang para takpan ang hinaharap ko.
"Oo na, palabas na ako.", tanging turan ko at tinapunan ko muli ng tingin ang larawan ni Katrina.
I'm still waiting and hoping for her to comeback.
Alam ko kasi na mahal niya pa rin ako.
Kaya kahit umabot ng ilang taon, handa akong hintayin siya."Hay, salamat!", bigkas ng bata nang lumabas na ako.
"Tuwalya lang pala ang kukunin mo, naabutan ka ng isang oras sa loob.", muli n'yang patuloy.
Kung magsalita talaga ito, akala mo, nasa 20+ na ang edad.
"Nasa'n ang mama mo?", tanong ko na lamang at minabuting 'wag na magpaliwanag.
"Nando'n na po siya sa pool.", sagot nito dahilan para tumungo na kami roon.
Kaso pagkarating namin sa swimming pool, nasilayan ko agad ang babae na may hawak na tabo.
Pinapaliguan niya ang sarili gamit ito, habang kumukuha ng tubig galing sa pool.
Hindi ko tuloy mapigilan ang tawa na kumawala sa bibig ko.
"Baliw ba ang mama mo, Michael?", I asked him again.
"Matagal na po s'yang baliw, papa. Tsaka ganyan talaga si mama, hindi marunong lumangoy.", tugon nito sa akin.
At ngayon, alam ko na kung bakit gumagamit siya ng tabo.
Parehong-pareho talaga sila ng ex ko.
Halos lahat ng hindi kaya ni Katrina, hindi rin niya kaya.
"Oh, anong tinitingin-tingin mo dyan ha? Kung naiinggit ka, gumaya ka.", mataray na sambit ng babae nang mahalata nitong nakatingin ako sa kanya.
"Hindi ka pala marunong lumangoy.", saad ko nang lumapit ako sa pwesto ni Kate.
YOU ARE READING
When a Single Mom meet the Hot CEO (BOOK 1)
RomanceKate is a single mother. She could do everything for Michael. She works on a club every night just to earn money and give the needs of her son. But Michael wants to have a father. That's why he always pushing his mom to many guys. And because of it...