kisame

62 2 0
                                    

Short story lang ho ito gawa ng malikot kong imahinasyon.

Pero sa tingin ko iyong naramdaman ko kanina ay hindi likha ng aking isip.

.................

Summer na pala sobrang init! Wala pang kuryente.

Hay naghanap ako ng pamaypay. Ginamit ko ang cellphone ko para maghanap. At sa wakas nakahanap naman ako. Di ko pa pala naaayos ang kwarto ko.

Kalilipat lang kasi namin ng bahay. Binili ito ng papa ko mula sa kaibigan niyang nasa America. Mura ang pinagbenta kaya kinuha na namin. Bukod sa ito ay mura ito ay maganda at malaki. Malapit din sa eskwelahang papasukan ko ngayong pasukan.

Mag gegrade 10 na ako ngayong pasukan. Isang typical teen ager na mahilig magbasa ng wattpad. Dahil hindi ako makatulog. Nagbasa ako ng wattpad. May bago kasing update ng Ara Dos ( actually nainspired akong magsulat ng horror dahil dito hihi. dahil nainspired ako ng kwentong ito ipopromote ko hihi super nakakatakot to promise) . Nakatalukbong ako habang binabasa ito. Kahit mainit nakatalukbong talaga ako. Natatakot na kasi ako eh.

Nasa climax na ako ng kwento nang makarinig ako ng pagkatok sa pinto ko.

Napapitlag ako. Hindi ko sinagot ni hindi rin ako lumapit upang buksan ito.

Ayan na naman. May kumatok na naman.

Sabay ng pagkatok ay ang pagtawag sa pangalan ko.

"Yen" Mahina pero dinig ko. Parang namimilipit sa sakit ang tumatawag sa akin

Pinagpapawisan na ako nang sobra-sobra.

"Yen" tawag uli niya.

Narinig ko ang pagpihit ng seradura.

Isang malakas na kalabog ang sumunod.

Hindi ko na napigilan at napatili na ako.

"Yen.. " naaaninag ko na siya mula sa sahig.

Gumagapang. Nakasuot siya ng puti. Natatakpan ng mahaba niyang buhok ang kanyang mukha.

"Wag kang lalapit!" binato ko siya ng unan. Nasapol siya sa ulo.

"Anak ka ng! Hoy Yen. Ako to, ate mo. Tulungan mo nga ako dito. " nagliwanag ang buong kabahayan at ate Des ko nga pala talaga ang nasa sahig. Natauhan ako sa ginawa ko kaya tinulungan ko siyang tumayo.

"Ano ba kasing ginagawa mo. Gabing-gabi na oh" napakamot pa ako ng ulo.

"Magpapasama sana ako sa baba napopopo na kasi ako. Wala kasing ilaw kanina pero dahil may ilaw na geh baboosh. "

Nadapa pala ate ko kaya natumba. Sinara ko ulit ang pinto at this time sinindi ko ang aircon at pinagpatuloy ang pagbabasa.

Nasa part na ako ng nakakatakot nang mamatay ang ilaw. Ilaw lang pero iyong aircon nakasindi pa rin.

Kinabahan ako.

Kahit may aircon pinagpapawisan pa rin ako.

May kumatok sa pinto ko.

Mga tatlong katok.

Tumayo ako sa pag-aakalang ate ko na naman iyon para na rin masabi kong hindi gumagana ang ilaw ng kwarto ko.

Pagbukas ko ng pinto ay wala akong nakita.

Nakabukas ang ilaw sa baba kaya kita kong walang tao.

Kinabahan ako. Kaya isinara ko agad ang pinto at pinilit na matulog.

..................

"Uy Yen magagabihan ako ng uwi ha? Kaw na muna bahala sa bahay"

Utos sa akin ng ate ko. Mukhang makikipag bar na naman siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KisameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon