Pahina 4

25 1 0
                                    

I suddenly feel sleepy kaya pagdating sa condo ay nagpalit na agad ako ng damit at nahiga sa kama ko.

Hindi pa ganun kalalim ang tulog ko kaya nang magvibrate ang phone ko ay napamulat agad ako. Kinuha ko ang phone ko na nasa bedside table tsaka tiningnan.

There is a message from Xiara.

From: Xiara

Gurl, punta ka dito sa mall. Kasama ko sina Azi.

Inulit ko pa ng isang beses ang pagbasa dun sa message. Panong magkakasama sila?

To: Xiara

Bakit mo sila kasama?

Message Sent!
**********
From: Xiara

Nakita ko sila dito eh. Pumunta ka na, dalian mo. Papunta na si Aleena dito.

Gusto ko na lang magpahinga sana pero gusto ko din naman sila makasama. Tinatamad akong bumangon mula sa kama ko tsaka pumasok sa CR at nag-ayos ng sarili.

After almost an hour and a half ay nakarating rin ako ng mall. Agad akong pumunta sa kung nasan man sila.

"Tagal mo naman." bungad sakin ni Xiara.

"Kasalanan ko bang traffic sa daan?" sagot ko naman. "Ano bang meron?"

"Wala naman." sagot ni Mavy. "Nakita lang namin yang si Xiara kaya sinabi namin na papuntahin na din kayo dito."

"So, ano ng gagawin natin?" tanong ni Aleena.

"Nood tayong movie?" Mavy suggested.

"Ayoko, boring." sagot ko naman.

"Para sayo! Pero samin ay hindi!" ani Xiara. "Tara na, magmovie tayo."

Dahil sabit lang naman ako dito ay sumunod na lang ako sakanila. Napatingin naman ako sa taong sumabay sakin sa paglalakad.

"You don't like watching movies?" Azi asked habang naglalakad kami. Nakasunod lang kami dun sa apat.

"Hindi naman. Wala lang talaga ako sa mood manood ngayon." sagot ko naman.

"By the way, may nakwento samin si Xiara kanina." aniya. "Napaaway ka daw?"

"Well, hindi ko naman ginusto pero nakakapikon kasi yung babae dun sa tindahan kanina."

"Oh, chill ka lang, wag ka na magalit. Tapos na yun." natatawa nyang sabi dahil sa pagtataray ko.

"Ikaw kasi pinaalala mo pa."

"Edi sorry."

"Apology accepted." nakangiti kong sabi.

"Wow ha, parang ang bigat ng kasalanang ginawa ko."

"Talaga!" ani ko. "Bilisan mo nga maglakad, naiwan na tayo ng mga yun eh."

Horror movie ang napili nilang panoorin. Nahuli akong pumasok ng cinema dahil nagCR na muna ko.

Uupo na sana ako sa tabi ni Azi dahil dun may bakante nang hilahin naman ako ni Xiara.

"Dito ka! Pinagreserve na kita." aniya tsaka ako pinaupo sa gitna nilang dalawa ni Aleena.

"Waaahhhh!" napatakip ako sa tenga ko nang sabay na sumigaw si Aleena at Xiara sabay yakap sa magkabilang braso ko.

"Ano ba yan? Ambobo naman nyan! Bakit ba paulit ulit pa rin nilang ginagawa yang spirit of the glass na yan? Tanga ba sila?!" reklamo ni Xiara.

"Tanga nga!" sagot naman ni Aleena.

"Waaahhhh!" sabay na naman nilang sigaw. At dahil nakayakap pa rin sila sa magkabilang braso ay sobrang lapit lang nila sa mga tenga ko kaya feeling ko mababasag na ang eardrums ko dahil sa sigaw nila.

Sa Susunod Na PahinaWhere stories live. Discover now