Pahina 10

17 1 0
                                    

Chapter 10

"Are you serious?" parang gulat na gulat na tanong ni Azi sakin.

"Oo nga." natatawa kong sagot.

We are having our dinner here sa Aristocrat. And while eating ay nagkekwentuhan kaming dalawa.

"How come na wala ka pang nagiging boyfriend?" hindi pa rin makapaniwalang tanong nya sakin. "By choice ba yun? Or wala lang talagang nagkakagusto?"

"Tanginamo ah! Anong tingin mo sakin? Panget?!" medyo offended na tanong ko sakanya. "Hindi ako nagkaron ng boyfriend kasi ayoko. Tsaka wala akong magustuhan noon."

"Bakit?"

"Ewan ko din." ani ko.

"Kahit crush noon, di ka nagkaron?"

"Meron, isa."

"Really?" natatawa nyang sagot. "So, sino tong naging crush mo noon? Swerte nya, ah. Nakuha nya attention mo."

"Matatawa ka lang kapag nalaman mo." natatawa kong sabi.

"Bakit? Sino ba yun?"

"Si Kolix."

Gulat naman nya kong tiningnan. "Totoo ba?!"

Tumango lang ako sakanya tsaka tumawa. "I've been with Kolix since we were kids. Super caring and protective nya sakin. Though madalas nya kong binibwisit noon." panimula ko sa kwento ko. "Alam mo ba na inaaway ko yung ibang batang babae na gustong makipaglaro sakanya nung elementary kami? Ayoko kasi na may iba syang girls na kinakausap."

"Ay! Damot mo naman pala." sabi nya tsaka tumawa.

"Talaga! Gusto ko ako lang yung kakausapin at lalapitan nyang babae. Pero nagbago yun lahat nung high school. Since na una nga silang mag high school ng kuya ko, napahiwalay ako sakanila ng campus. That time, nagtataka ako kasi di na malimit pumunta sa bahay namin si Kolix. Kapag hinahanap ko sya kay kuya, laging sinasabi lang ay may lakad daw. I tried to text Kolix din and asked him. Tas ang tagal pa nya lagi magreply sakin, eh dati naman hindi ganun. Pati mga calls ko dinedecline nya."

"Hanggang sa nag high school na nga din ako. I saw him with a girl. I thought na she was just his friend or classmate. Well, yun yung sinabi ko sa sarili ko." pagpapatuloy ko pa. "One day nagkasabay sabay kaming maglunch, akala ko nga kaming tatlo lang nila kuya eh. Pero umalis si Kolix and when he came back kasama na nya yung girl. Ipinakilala nya ako dun sa girl at ganun din yung girl sakin. Ang hindi ko lang inaasahan ay nung sinabi nya na girlfriend nya pala yun."

Hindi ko tuloy naiwasang maalala kung pano ko pilit iniwasan nun si Kolix.

"Selene, let's go na sa canteen." aya sakin ng kuya ko nang pumunta sya sa room ko.

"Wait lang, itago ko lang tong mga gamit ko." sabi ko naman at inayos na ang mga nakakalat kong gamit.

After kong mag-ayos ay sabay na kaming naglakad papuntang canteen. May kung ano ano syang kinukwento sakin at nakikinig lang naman ako sakanya.

"Sin!" sigaw ng pamilyar na boses na nakapagpatigil agad sakin. Napaangat ang tingin ko sa taong nakatayo sa may entrance ng canteen.

Napaiwas din naman ako agad ng tingin nang makitang kasama nya si Elaine, yung girlfriend nya.

"Kuya, nakalimutan ko, may gagawin pa pala ako." sabi ko at tumakbo na pabalik sa building namin.

Narinig ko pa ang tawag sakin ng kuya ko pati na ni Kolix pero di ko na sila nilingon at nagpatuloy na lang sa pagtakbo hanggang sa makarating sa classroom namin.

Sa Susunod Na PahinaWhere stories live. Discover now