Thursday na ngayon, meaning last day na ng exam namin bukas. Thank you, Lord!
Naglalakad na ko papunta sa parking lot para makauwi na din ako. Nauna na sakin sina Xiara at Aleena. Kanina pa naman kasing 1 PM natapos ang exam namin. Nagkita lang kami talaga ni Jasper kaya ngayon lang ako makakauwi.
"Reese!" napalingon ako sa direction nung tumawag sakin at nakita si Azi na kumakaway kaway pa sakin.
Kumaway naman din ako sakanya. Nandun pa sya sa building nila. Nagsign sya sakin na intayin ko sya kaya nagstay muna ko dun sa may sidewalk. Di naman nagtagal ay nakita ko na syang tumatakbo palapit sakin.
"Ngayon lang natapos exam nyo?" tanong nya. "Nasan yung dalawa? Bakit di mo kasama?"
"Kanina pang tapos ang exam namin. Tsaka nakauwi na din yung dalawa." sagot ko naman.
"Eh bakit ngayon ka lang uuwi?"
"Ah, nagkita kasi kami ni Jasper. May mga pinag-usapan kami about dun sa election." tumango tango naman sya. "Eh kayo? Tapos na exam nyo?"
"Oo, kakatapos lang."
"Nasan si Kolix at Mavy?" tanong ko nang mapansin din na wala yung dalawa.
"May kanya kanya pa silang pupuntahan daw kaya umuna na ko."
"Ah okay."
"Uwi ka na ba?" he asked kaya tumango naman ako. "Sabay na tayo."
"Anong sabay?"
Ngumiti naman sya sakin na parang nagpapacute. "Pede ba kong tumambay ulit sa condo mo?"
"Nawiwili ka na ata sa pagpunta punta sa condo ko." ani ko tsaka nagsimula ng maglakad. Sumunod naman agad sya sakin.
When I say na nawiwili na sya sa condo ko, I didn't lie tho. As in parang isang linggo na syang natambay dun. Minsan nag-aaral sya pero madalas ay nandun lang sya para makinood.
I do remember asking him if wala ba syang TV sa condo nya and he said naman na meron.
"So, bakit ka nandito na naman? May TV ka naman pala eh." I asked again.
"Masama ba?"
"Hindi naman. Pero bakit nga?"
"Wala kasi akong kausap dun." aniya at ipinagpatuloy na ang panonood.
"Bakit hindi ka sa condo ni Kolix or Mavy pumunta?"
"Ayoko, magulo pa sa di lang magulo ang dalawang yun."
Napailing na lang ako tsaka pumasok na sa kwarto para ipagpatuloy ang naudlot kong pagbabasa.
I came back to my senses when he suddenly spoke again. "Dali na kasi." aniya. "I'll be the one ordering the food. Ako na din magbabayad."
"Aba, dapat lang. Ikaw nag-order tas ako magbabayad? Takaw mo naman!" sagot ko.
"Makikikain ka din naman."
"Okay lang yun, nakikitambay ka lang din naman eh."
"So, payag ka na?" nakangiting tanong nya.
"May magagawa pa ba ko?"
"You can say no naman." he said.
"Oo, tapos mangguiguilt trip ka." napabaling ako sakanya ng marinig ko syang tumawa. "Oh, tawa tawa ka dyan. Totoo kasi, di ba?"
Nang makarating kami ng parking ay lumapit agad ako sa kotse ko. Akala ko ay wala syang dalang kotse dahil nakasunod pa din sya sakin. Pero napagtanto ko na magkatabi lang pala mga kotse namin ng lampasan nya ko.
YOU ARE READING
Sa Susunod Na Pahina
General FictionYour life is like a book. The title page which serves as your name. The preface as your introductions to the world. The pages which represent as the daily record of your efforts, trials, pleasures, discouragements, and achievements. Day by day your...