[BYS] CHAPTER FIVE"Nak, gumising ka na. 1pm na." Kahit na naririnig ko na yung nakakarinding boses ni mommy, tinalukbong ko nalang sa mukha ko yung kumot ko.
Gusto kong matulog ng matulog -__-
"Hoy Kristin Ceejay!!" Bigla akong napabangon, aba ibang usapan na kapag sinabi na yung whole name ko. Haha. Dali dali kong inayos yung kama ko sabay diretso sa cr para makapag-shower. Pagkatapos kong magbihis, saka ko lang narealize yung text message kagabi sakin. Pinatay ko phone ko pagkapasok ng bahay gawa ng di ko alam kung rereplyan ko siya. Obvious naman na si TK yun diba? Geez.
Kinuha ko yung phone ko sa side table at agad na binuksan ito habang hawak ko sa kabilang kamay yung blower ko. Automatic na napa-roll eyes naman ako nung nag sink in sakin yung message niya. Eh ano naman ngayon kung ako yung bestfriend ng sinaktan niya? Kung ako yung bestfriend ng ex niya? Hindi ko siya magets kaya nagreply nalang ako sa kanya.
====
To: t'kay
Msg: Problema mo?====
Saktong kakatapos ko lang magsuklay eh tumunog na agad yung phone ko.
====
From: t'kay
Msg: Bakit nasa GU ka?====
Aba. Kumag na to ah. Kelangan ba pati sa pag aaral kelangan icoconsider ko siya? Sarap sapakin. Yung fact na hindi naman kami close tapos magtatanong siya ng ganito? Yung totoo? Ugh.
Inoff ko ulet yung phone ko at bumaba na para kumain.
"Nak, kamusta first week ng school mo?" Pagtatanong ni mommy sabay upo sa harapan ko.
"Okay naman, ma. May friends na naman ako kahit paano." Buti naman hindi na nagtanong si mama. Ayoko din kasing magkwento sa kanya. Di ako masyadong kumportable na mag open up sa kanya.
Pagkatapos kong kumain eh lumabas ako ng bahay kasama yung kapatid ko. Gusto niya daw mag laro so wala akong choice kung hindi samahan siya sa playground ng subdivision namin.
"Ate, tingin mo ba pag ako nag aral sa school mo magkakaron din ako ng friends?" Agad naman akong napatingin sa kanya kaya tumigil ako at umupo sa harap niya.
"Syempre naman magkakaron ka. Kapatid kaya kita!" Sabi ko saka ko siya kinarga. Six years old na din kasi tong kapatid ko at masasabi kong close kami dahil kaming dalawa lang naman ang magkasama. Si mama kasi, laging busy yan sa work tapos divorced na naman yung parents namin. Minsan dumadalaw sa amin si papa kasama yung stepbrother namin.
Okay naman kami sa ganung setup though minsan medyo mahirap dahil hindi magkasundo si mama pati yung bagong asawa ni papa.
Anyway, eto nakarating na kami playground. Hinayaan ko na maglaro si Macee kasama yung ibang bata habang ako ay nakaupo sa swing. Time check, 4pm. Hanggang 6pm lang kami pwede dito dahil ayaw ni mama ng ginagabi kami. Buti nga at hindi na masyadong mainit pag ganitong oras.
"Kuya Kyle! Kuya Kyle!!" Nagulat ako ng bigla nalang tumakbo palayo si Macee. Saan pupunta yun? Agad naman akong tumayo para habulin siya pero nagulat ako ng salubungin siya ng isang taong ni wala akong planong makita ngayon.
"Macee, umuwi na tayo. Bilis!" Pinuntahan ko yung kapatid ko tapos hinigit ko siya palayo sa kumag na yun.
"Ate, wait lang! Wait lang. Lalaro muna kami ni Kuya Kyle!"
"Makinig ka kay Ate. Ayokong nakikipaglaro ka sa kanya, okay? Bad siya."
"Pero hindi bad si Kuya Kyle, Ate! Playmate ko siya." Napa-buntong hininga nalang ako habang hinihila ko yung kapatid ko.
"Kaycee naman, wait lang kasi!" Naramdaman ko na hinawakan niya yung braso ko kaya mas lalo kong binilisan ang lakad ko. Wala akong pakielam. Naiinis talaga ako sa kanya. Presence palang niya sapat ng dahilan para mabadtrip ako. Iba din.
--------
"Ate!!"
"Kaycee! Tangina, ano bang balak mo?!"
Wala akong ibang marinig kung hindi ang malakas na kabog ng dibdib niya. Di ko namalayan na tumulo na pala yung luha ko kasabay ng pagyakap niya ng mahigpit sakin.
"Muntik ka ng masagasaan. Buti nalang... shit. Buti nalang nahila agad kita. Bakit ba kasi ang bilis bilis mong maglakad. Ha?" Hindi ko pinansin yung mga tanong niya. Agad kong hinanap yung kapatid ko na nasa likod ko lang pala.
"I'm sorry. Ang careless ni Ate. Hindi na to mauulit. Uuwi na tayo.." Bulong ko sa kanya habang niyayakap ko siya. Bigla kong naramdaman yung comfort sa mahigpit na yakap ng kapatid ko. Hindi ko alam gagawin ko kung wala siya.
"Ihahatid ko na kayo..." Napatingin ako kay TK na bakas pa rin sa mukha niya yung pag-aalala sa akin. Tumango nalang ako at nagsimulang maglakad habang akay akay ang kapatid ko. Nandun lang si TK sa likod namin at buti naman hindi na siya nagtanong pa.
Naabutan namin si mama pagkadating namin sa tapat ng gate. Kanina pa daw siya naghihintay sa amin. Napansin niya siguro na medyo windang ako kaya tinanong niya kung okay lang daw ba ako. Sinabi ko nalang na oo dahil kahit na hindi kami close ng mama ko eh ayaw ko pa din na nag aalala siya sa akin. Pinakilala ko na din si TK sa kanya at sinabi kong playmate siya ni Macee.
"Osige, uuna na kami sa loob. TK, baka gusto mong dito ka na mag dinner?" Pagtatanong ni mama.
"Wag na po. Hinatid ko lang po yung dalawa." Pagkasagot ni TK eh pumasok na si mama sa loob kasama yung kapatid ko. Hindi ko tuloy alam kung anong sasabihin ko sa kanya kaya siya na din yung unang nagsalita.
"Okay ka na ba?"
"Salamat pala." Sagot ko sa kanya. Ayoko ng pag usapan pa yung nangyari kanina. Sa dami naman kasi ng pagkakataon na mangyayari to sakin bamit siya pa ang kelangang magligtas sa akin?
"Una na ko, Kaycee. Ingat ka." Nag half smile pa siya habang nagpapaalam at pinanuod ko siya habang naglalakad siya palayo sa akin. Kainis. Pakiramdam ko ang sama kong tao sa inasta ko sa kanya.
Hindi na ako nag dinner pa at dumiretso na ko sa kwarto ko. Walang natira sa energy ko, grabe. Gusto kong matulog kaso hindi ako inaantok. Naaalala ko pa din yung nangyari kanina. Paano sa monday kung magkita kami? Regular class na. Malamang hindi ko na maiiwasan yun. Pagbaling ko, nadali ng braso ko yung cellphone ko kaya naisipan kong buksan yun.
Sunod sunod na nagsidatingan yung iba't-ibang messages mula sa mga classmates ko na sa karamihan ay gm. Napansin ko rin yung message ng isang unknown number na kasunod ng message ni TK.
===
From: +63915*******
Msg: Johan to. Good evening :)
======
From: t'kay
Msg: Ingat ka palagi. Night.
===Sa di malamang dahilan, bigla akong napangiti ako sa nabasa ko.
====
A/N: I changed my way of writing. Feeling ko kasi ang conyo ko sa past chapters kaya starting from this chapter. Magtatagalog ako. Siguro sa ibang convo nalang yung taglish eklavu. Hahahaha. Sige, salamat sa pagbabasa. :*
-aaales_xx