[BYS] PROLOGUE
"Kaycee, ano.. Pwede bang pakibantayan mo si Tristan para sakin?" Automatic na napataas yung kilay ko sa sinabi ng kaibigan kong si Ysa.
"Ha? Naglolokohan ba tayo dito?"
"Kaycee… please. Mahal ko siya at saglit lang akong aalis para kalimutan ang lahat ng sakit na ibinigay niya."
"Eh ayun naman pala eh. Aalis ka. Bakit hindi pa siya mismo ang kalimutan mo?" Hindi ko talaga alam pero sa talinong 'to ni Ysa, ang tanga naman niya sa pag ibig.
"Hindi ko kaya..." Napailing ako sa sinabi niya at napahinga ako ng malalim.
"Fine.. Sige, babantayan ko siya pero ipangako mo sakin na aayusin mo ang sarili mo sa Japan." Nakapamewang kong sinabi sa kanya.
"So, pumapayag ka na?" Nakangiti niyang tanong sa akin.
"Oo na. Pero wag kang masyadong umasa na magugustuhan ko siya para sayo."
Sa pag agree kong yan nag simula ang kalbaryo ng buhay ko. Simula ng pinabantayan sa akin ng bestfriend ko ang ex niyang si Tristan Kyle Marasigan.
=====