Kathryn's POV
"Uhmm..Hello? Hi?"tyaka na ko umalis para hanapin si Sam sweetheart at wala akong balak kiligin o makipag-plastikan sa kanya
Mamatay muna si --- wala!
Saan ko ba hahanapin si Sam..*isip*isip
Ahh Oo! Tama! Dun nga sa gym nag-lakad na ko papuntang gym pero bago ko magawa un may humablot ng buhok ko..
Ay shet!
"Ano ba?! Nak ng teteng oh!"
Tapos nakita ko si Kiray na hawak-hawak ang buhok ko
"Anong eksena ung ginawa mo kanina Kath?! Ha?! Ang Daniel Padilla! Inaksayahan ka ng oras aba! Ang lucky mo girl!"sabi pa niya na kinikilig-kilig
"Bakit? Sinabi ko bang aksayahan niya ko ng oras? Tinawag ko ba siya? Actually siya ung nag-aaksaya ng oras ko dahil hahanapin ko pa si Sam"
"Teh! Daniel Padilla iyon! Kaming fans nga kulang na lang na-ibuwis ang buhay namin para sa idol namin para mapansin tapos ikaw! Ikaw na kulang na lang isumpa mo na si Daniel napapansin ka! Ano bang meron sa mundo!!!" Sabi niya sabay taas ng dalawang kamay
"Eh kasi naman! Gustong-gusto niyo yang panget na panda na Daniel Padillang yan eh masa---"napatigil ako dahil nag-salita si Kiray
"Girl! Diba si Sam iyon? Sino iyong kasama niya? Pinsan o kapatid niya ba iyon? Kilala mo ba iyon?"sabi ni Kiray habang turo-turo sina Sam at ung babae
"Hindi..."sino iyon?
Hinila ko si Kiray sa may kwarto na bakante para mag-tago dahil papunta si Sam sa gawi namin
"Ano ba girl! Masisira ang beauty ko niyan eh!"tinakpan ko ung bibig niya at nag-sign ng 'shh'
Dahil dumaan na si Sam
"Ano ba?! Bakiiiit? Bakit hindi mo kinumpronta si Sam?! Ba't hindi mo ginyera ung babae?! Ang tanga mo argh! Nakaka-bwisit dyan ka na nga! Pupuntahan ko pa si Daniel!"

BINABASA MO ANG
Ayoko Sayo Daniel Padilla!!! (KathNiel)
Teen FictionNumber 1 hater ni Daniel si Kathryn. He despise him to hell. Paano kung nagkakilala sila? Magbago kaya yun? Paano kung nagustuhan siya ni Daniel pero may boyfriend siya na mahal na mahal siya at ganun din ang nararamdaman niya para sa boyfriend niy...