Chapter 1

636 14 0
                                        

*Kath*

Tumatakbo ako ngayon papuntang classroom sa kadahilanang

Late na ako at ang worst si Ma'am Rosita ang teacher naming ngayon. Terror pa man din 'yon.

"Besty!" Okay mukhang alam ko na kung sino ang tumawag sakin. Sina Kiray at Jane na panigurado ay late din.

"Ay! Palakang kokak!" Pabulong kong sabi. Papunta kasi ako sa classroom ko. Napahinto ako pero naalala ko na late na ko. Pero nagulat na lang ako ng hablutin ako sa braso ng dalawang lokang 'to.

Wala na! Wala na talaga! Late na ako buti na lang late din sila. Atleast may kadamay ako.Yan ang TUNAY na kaibigan luma nga pero subok na!

"Oh? Bakit?" Tanong ko sa kanila.

"Besty Oh-Meh-ghed talaga! Alam mo ba? Nakabili na kami ng 3 Tatlong ticket para sa atin para mapanood natin ung concert ni -----"

"Pwede ba mamaya na lang yang kwento niyo? Kung kanina late na tayo ngayon LATE na LATE na TAYO!" Sabi ko. Inalis ko ung dalawang kamay nila na nakahablot sa braso ko sabay lakad ko ng mabilis.

"Okay lang yun Besty kasama mo naman kami eh tyaka anong kinatatakot mo diyan hindi tayo bibigyan ng offense nun no' binabayaran kaya natin sila! TAYO ang nagpapa-sweldo sa kanila! Wait! Ano bang kinatatakot mo?" Tanong ni Kiray. Bigla akong napahinto at humarap sa kanila

"Kilala niyo ba yung teacher natin sa Mathematics?" Tanong ko partida may hand gestures pa. Tumango naman sila ng sabay.

"Diba? Si maam Rosita?" Tanong ko ulit at tumango ulit sila.

"At alam niyo namang walang kinatatakutan 'yon diba?" Tanong ko at muli tumango sila ng sabay.

"Siguro naman alam niyo din na nambabagsak yun kapag late diba? Kahit isang beses lang diba? Kahit na alam nating lahat na pasa naman lahat ng exam natin diba?" Tanong ko sa kanila

"Siguro naman alam niyo na kung anong oras na diba? O sige anong oras na?" Tanong ko sa kanila tyaka ako nag-cross arms. Napatingin sila sa relos nila.

"Ay! Wala ng Battery e'"

"Ano ba 'to ubos na battery"

Sabay nilang sabi. Napahawak ako sa bewang ko at napatampal ng noo.

"Ano ba naman yan nag-relo pa kayo! Partida Gucci at Chanel pa yan ha! Okay para sabihin ko sa inyo 8:55am na at anong oras ang pasok natin?" Bigay linaw ko sa kanila pero feeling ko next year pa kami matatapos nito.

"9:00am" Sabay nilang sabi.

"At saan tayo pwedeng bumagsak?" Tanong ko ulit.

"Sa Mathematics." Sabay nilang sabi at mukhang nag-loading pa sa utak nila ang mga sinasabi ko at after ilang seconds noon lang nila na-realize ang dapat na pinakamahalagang oras para sa kanila.

"It can't beee sabi ni daddy pag-bumagsak daw ako I will be grounded for the WHOOOLE vacation as in no laptop" Pag-iinarte ni Kiray.

"Me too di daw ako bibilhan ni Popsh ng bagong limited edition na Louis Vuitton from Paris!" Sabi naman ni Jane. Tyaka sabay silang kumaripas ng takbo. Pambihira daig pa si Flash kung tumakbo nung dalawa. Syempre dahil runner ako tumakbo na din ako. Aba iniwan ako nung dalawa binabawi ko na yung sinabi ko.

Ako nga pala si Kathryn Chandria M. Bernardo. Kath for short. 1st year College.

Yan na. Okay na yan mas makikilala niyo pa naman ako sa mga susunod na chapter.

After so many years, nakarating na din kami sa tapat classroom. Oo kami kasi naabutan ko sila at 'yon na nga binuksan na namin ang pintuan patungong impyerno at handa na sana kaming mabungangaan ni Ma'am Rosita.

"Sorry Maam were la---"

Napahinto kami ng sasabihin ng napag-alaman namin na nagkakagulo sa classroom ng parang may party. E' di syempre pumasok na kami alangan namang tumambay pa kami sa may pintuan. Pambihira nag-madali na kong lahat-lahat tapos. Tapos wala si Ma'am Rosita! Umupo na kami. Magkakatabi naman kaming friendship.

"Uy! Bakit kayo nagkakagulo?" Tanong naman ng usi na si 'Kiray the usi'. "Kasi dumating ka! Natakot kami sa mukha mo! Hahahahaha" Sabi naman ni Ivan. Napa-simangot naman si Kiray at umupo na lang sa upuan niya. Tsk! tsk! tsk!

"Uy! Girl tinitignan ka na naman ni Mr.Sungit oh!! " Pa-bulong na sabi ni Jane sabay turo kay Sam. Napalingon naman ako kay Sam at nakita ko nga kaso agad siyang umiwas. "Alam mo sa tingin ko girl may gusto yan sayo" Sabi naman ni Jane. Grabe magpa-taas ng pag-asa 'tong si Jane. "Tumigil ka nga alam mo namang pusong-bato yan diba?" Sabi ko na nawawalan ng pag-asa.

Pero wag ka ULTIMATE MEGA CRUSH ko yan pero parang hanggang pangarap ko na lang siya. Lagi na lang ba ganito?Lihim na pag-tingin para sa kanya. Hinihintay na lang namin mag-recess. Ang tagal pa kaya nag-earphones muna ko.

Ayoko Sayo Daniel Padilla!!! (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon