Chapter 40

69 2 4
                                    

"O to the M to the G! Is this really happening?! Ang idol natin si Daniel Padilla nandito sa harapan natin at kinginamers naka-tingin sa mata ko? This is unbelievable but I can't help it" kanina pang parang sirang plaka 'tong si Kiray.

Kasi nung nakapasok na kami sa loob ng office ni Ms. Apple. Nandun na ang damuhong Daniel. Syempre sino pa bang kasama ko sa ganto? Si Kiray at Jane lang naman.

"Oo na Kiray. Just shut up. Pag-nagalit talaga si s--" pinutol ni Jane ung dapat na sasabihin ko. Kung pwede lang na siya na pumalit sakin para sa project na 'to.

"Oh c'mon Kath. Ikaw ang mag-shut up dyan. Daniel na gusto mo pang maging bato?" Singit ni Jane

"E' di sana ikaw na pumalit sakin tutal ay mukhang gustong-gusto mo naman" sabay irap ko

Ito namang tipaklong na Daniel na 'to wagas kung makatingin. Sagad sa buto. Tinaasan ko tuloy ng kilay. Di pa man din alam ni Sam ito.

"Kath have a sit please" umupo na lang ako sa katapat na upuan ni Daniel

"So pag-uusapan natin ang bagong teleserye na gagampanan ninyo" sabay ngiti ni Ms. Apple na parang may isa siyang magandang idea.

"Ms. Apple uunahan ko na kayo kung erotic teleserye o masyadong daring ang role ko. Hinding-hindi ko tatanggpain yan. Kasi naka-lahad sa contract na pwede tumanggi ang isang artist ng tatlong beses kung ayaw niya talaga"

Agad naman iyon inagapan ni Ms. Apple

"Iha ofcourse hindi naman. Syempre ang unang project niyo ay pa-tweetums na muna kumbaga chill lang. Kasi bago pa lang naman kayong ilau-launch na loveteam unless gusto mo ng may romantic scene like kiss."

Nakahinga naman ako ng maluwag doon.

Napatingin naman ako sa timawang si Daniel na kanina pa titig na titig sakin. Hindi naman sa pagmamayabang pero totoo. Nakaka-aasiwa talaga tumitingin siya sakin nakakapandiri. Naku naman pano na 'to?

Magkasama kami palagi nito tas sabi pa nila dapat daw holding hands in public

"And syempre idadagdag ko lang may mga mallshow din kayo para i-promote ang upcoming teleserye niyo and dun natin malalaman kung maraming fans ang lalabas so dapat talaga is sweet kayo in public. Be comfortable with each other. Kaya please wag kayong maging awkward sa isa't-isa kasi makaka-apekto 'yon sa inyo"

"Pero in private naman halimbawa off cam at off sa mga tao pwedeng galit-galit? Medyo nakaka-ano kasi--"

Hindi ko natuloy ung sasabihin ko kasi may biglang sumbgit na si Kiray.

"Nakaka-ano Kath"

At nakataas pa ang kilay niya.. Kaya pinang lakhan ko siya ng mata.

"Nakaka-ano lang po kasi. Ah ano po kasi. May boyfriend po kasi ako. Kaya medyo nakakahiya sa boyfriend ko. Parang nag-tataksil po ko."

Sagad talaga sa buto kung tumitig 'tong tipaklong na Daniel na 'to.

"Naku if in that case kailangan niyong itago muna yan para hindi makielam ang mga fans sa private life niyo."

Itago? Diba dapat pag-mahal mo dapat proud ka sa kanya? Pero ako pa talaga ang gagawa nito kay Sam.

"Po? Baka po pwedeng h---"

"Pero kung ayaw mo naman ng patago. Pwede naman in simplest way. Makipag-break ka sa kanya."

Parang nagtayuan ata lahat ng buhok ko sa batok at napahampas ako ng lamesa.

"Mawala na ang lintek na career na 'to wag lang si Sam. Kayo naman ang nagpasok sakin dito pero bakit mukhang ako pa ang dehado sa lagay ko?! Ako pa ang magsasakripisyo! Bakit hindi na lang aminin sa mga tao na may iba? Bat yung ibang loveteam inaamin nila on public na may non-showbiz girlfriend or boyfriend sila?"

Kalmado pa ring naka-upo si Ms. Apple kahit na ung kilay ko ay konti na lang mag-martsa sa harap ni Ms. Apple

"I have a question. Yung mga lovetam ba na alam mong umamin in public na in a relationship sa non-showbiz ay nag-tagal sa limelight? Hindi ba't hindi?"

Napatulala ako dahil na-realize kong totoo ang sinasabi niya

"You don't have any other choice 4 years lang naman Kath e' or baka pag-di sumikat ang loveteam mo with DJ pwede ka ng mag-solo artist." Pambalubag-loob na sabi ni Ms. Apple

"Uhm Kath"singit ng tipaklong na Daniel na 'to

Napataas tuloy yung kilay ko. Na kanina ko pa inayod because 'kilay is life' yeah!

"What? May maganda ka bang mai-sasuggest Mr. PADILLA?"Napasandal na lang ako sa upuan.

"Drop the formality and your sarcasm Ms. BERNARDO. Pwede naman sigurong i-deal mo na lang 'to? 4 years lang naman I promise hindi ka maasiwa sakin pag-magkasama tayo" sabay ngumiti siya sakin at ipinakita ang sungki niyang ngipin

"How about the relationship with my boyfriend? Syempre kailangan din naman na may quality time kami sa isa't-isa"napatingin sakin sina Jane at Kiray na parang disappointed sa sinabi ko.

"Pwede namang pag-takpan ko kayo paminsan-minsan or mag-disguise ka na lang muna pag-kasama mo siya in public place." Singit na naman ng timawang singiterong Daniel

"Kath naman pumayag ka na si Daniel na yan oh! Aayaw ka pa ba? Yummy na palagi mong makikita"bulong sakin ni kiray

"Okay. Kailan ba ishushoot ang new teleserye namin? Paki-email na lang ang details sakin or sa dalawang ito" sabay alis sa kwarto. Bastos na kung bastos hihintayin kong sila ang umayaw sakin

"Kath!"at mukhang hinabol ako ng linchak na ka-loveteam kuno

Lumingon ako na parang naiirita

"What do you need?!"

Napaawang ang bibig niya bago nagsalita. Pero nakabawi din naman siya.

"I promise di ka magsisisi na naging ka-loveteam mo ko"

Nginitian ko lang siya ng mapakla. Wala na kong ibang pwedeng maging ka-loveteam kung hindi si Sam lang.

"I wish"

At tuluyan na kong umalis.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ayoko Sayo Daniel Padilla!!! (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon