Chapter Five
Love
"Where is she?!" halos matumba ang lahat ng gamit na nadaanan ko mapuntahan lang kaagad ang kinaroroonan ni Mommy.
Nagkakagulo ang lahat ng mga kasambahay. There were clutter all over the living room. Ang mga katulong ay hindi alam ang isasagot sa akin. Siguro ay nagulantang rin sa nangyari ngayong araw. Th head of our house help guided me to my father's office. Sa labas pa lang ay naririnig ko na ang patuloy na pagkakabasag ng mga gamit sa loob.
"Mom..." hinihingal kong tawag sa kanya, umaasang kakalma siya pero tila hindi niya ako naririnig.
She continued breaking all of my father's stuff using a baseball bat. She was crying real hard. Kitang-kita ko ang panghihina niya habang pilit pa ring inaangat ang hawak upang doon man lang ay maibsan ang bigat at sakit na nararamdaman sa nangyari.
"Mom... that's enough, please..." matapang kong niyakap ng mahigpit ang kanyang katawan.
Mas lalo siyang napahagulgol nang mahila ko sa kasalukuyan. Her strength left her when I hug her body tighter. Parang gustong tumulo ng mga luha ko para sa kanya pero ayaw kong makadagdag iyon sa sakit na kanyang nararamdaman ngayon.
"He made me a fool, Mikolos... your father has a whore... h-he cheated on me. he cheated on me, anak..."
Sabay kaming bumagsak sa sahig dahil kahit ako ay hindi inasahan ang aking panghihina sa narinig. Hindi ko inalis ang yakap sa kanya, umaasa na mababawasan no'n ang bigat ng sitwasyon kahit na alam kong imposible.
Hinayaan ko siyang umiyak nang umiyak habang nakatulala sa mga basag na gamit sa sahig ng makalat na opisina ng aking ama.
"Where's Cahill?" maya-maya'y tanong ko sa nakaalalay sa aming kasambahay.
Bigo itong umiling. "Miss Anishka said that they will meet with Master Dominov now..."
Umiling na ako para matigil siya sa pagsasalita at huwag nang banggitin pa ang pangalan ng aking ama sa harapan ni Mommy dahil muli lang itong napahagulgol.
I didn't know how long we stayed on the floor. Kahit na ngalay na ang buo kong katawan ay hindi ko binitiwan si Mommy. I let her poured her heart out.
"Ma, please drink some water."
She didn't move. Nakatulala lang siya sa kawalan matapos kong ilipat sa couch na naroon. Hindi ko pa man alam ang parehong side ng mga ito pero ang puso at simpatya ko ay kanya na ngayon.
I never saw her this devastated. She was always glammed up, but what happened today made her look like her age. Walang make-up, basa ang damit sa mga luha at wala man lang sapin ang mga paa. For the first time, it was as if she didn't care... it was as if she lost everything including her grace because of what my father did.
"Mom?"
"Thirty five years, Mikolos..."
"Mom–"
"I know he always wanted another child and we didn't stopped trying, but really? Ang pagkakaro'n talaga ng anak sa ibang babae ang mas pinili niya kaysa sa pamilya natin? Kaysa sa akin at sa lahat ng aming binuo?"
I wanted to tell her to not jump into conclusions yet, but I'm afraid I'd hurt her more. Hinawakan ko lang ang kamay niya at maingat iyong pinisil.
"Give me some whiskey, Mikolos."
"Mom, bawal sa 'yo–"
"Give me the damn whiskey now!" she shouted and then pointed at one of the house help inside. "Get me some alcohol stat!"
BINABASA MO ANG
Mikolos Adsmuir Rozovsky [The Rozovsky Heirs 3]
General FictionWARNING: MATURE CONTENT [ SPG | R18 ] #RozovskyHeirsSeries3