Chapter Ten
Best Tool
The photos I've seen of her didn't even gave a bit of justice to what she looked like in person. Triple ang naging paghanga ko sa kanyang napakagandang kabuuan. Hindi na nakapagtatakang naulol sa kanya ang ama ko. Nag-igting ang aking panga sa naisip.
Mabilis kong ipinilig ang ulo at agad na itiniklop ang nag-iisang litratong dinala ko sa pagsisimula ng misyong hanapin siya ng personal. I didn't sleep that night. Maaga rin akong bumangon para simulan ang araw.
"What's your plan now?" tanong ni Sam, nagising sa ingay ko. "Are we going to seize her? Should I send our men now?"
Agad akong umiling. Tahimik kong sinimsim ang aking kape habang siya ay lukot ang noong lumapit sa akin.
"We're not going to do anything?" He asked while pouring himself some coffee.
"I will not enforce violence this time, Sylvestre," mas lalong nalukot ang noo niya sa aking sinabi. "I have a much interesting plan."
"Ano 'yan?"
"Do you think I could charm her?"
Hindi ko pa natatapos ang gustong sabihin ay nakuha na niya kaagad ang naiisip ko.
"Yes, pero kaya mo 'yon? Kaya mong manligaw at sumuyo ng babae? Have you ever done that before?"
"No, but I can if I have to... no, I will."
Natahimik siya, iniisip siguro kung saan nagmula ang mga kabaliwang sinasabi ko.
"Do you know that love is the best tool to completely destroy someone?"
Hindi nakapagsalita si Sylvestre. Nanatili ang mga mata ko sa labas ng kahoy na bintana, hinahayaan ang galit na magsalita para sa akin.
"And that will be my weapon to get my perfect revenge. I'll do everything to make her fall in love with me. I will ruin her. I'll fucking make her my whore and once she has nothing, I will leave her like a trash. Buong buhay niyang tatanungin sa sarili niya kung anong mali. I'll make sure she will never recover on that pain until her last dying breath. Isa siyang basura kaya ilalagay ko siya sa dapat niyang paglagyan."
"I wish you good luck, Mikolos."
Ibinalik ko sa kanya ang tingin at saka tumango. I called my mother after that. Nang matapos ay binalikan ko ulit si Sam.
"Do you know someone who lives near that mountain?"
Marahan siyang umiling. Bumagsak ang balikat ko at tinapos na lang ang kape pagkatapos ay dumiretso na kaagad sa shop.
"Maaga ka yata ngayon, Adam? Nag-almusal ka na ba?"
Nginitian ko si Mang Jude, ang may-ari ng vulcanizing shop na pinagtatrabahuan ko.
"Tapos na Mang Jude. Hindi rin ako makatulog tsaka wala namang gagawin sa bahay kaya dumiretso na ako rito. Okay lang bang buksan ko na ang shop?"
"Ikaw ang bahala. Walang problema."
Napangiti ako. "Ah, Mang Jude..."
Natigil siya sa pagbukas ng pinto pabalik sa loob ng kanyang bahay at kunot-noo akong binalikan ng atensiyon.
"May mga kakilala ka bang nakatira malapit sa trail ng Mt. Maayo? Ang sabi kasi ni Aling Ging ay may koprahan doon. Kailangan ko kasi ng extra para ipadala sa mga magulang ko. May sakit kasi si nanay kaya kulang ang sahod ko rito. Baka sakaling makapagtrabaho ako doon."
"Maswerte ka at katatawag lang ng aking kumpare kahapon tungkol diyan. Napakasipag mo, Adam. Maswerte ang mga magulang sa 'yo pero tiyak mas lalo ang magiging asawa mo!"
BINABASA MO ANG
Mikolos Adsmuir Rozovsky [The Rozovsky Heirs 3]
Aktuelle LiteraturWARNING: MATURE CONTENT [ SPG | R18 ] #RozovskyHeirsSeries3