Ika-huling araw ng Disyembre taong 2015
"Ayokong magkamali ka pa dito Thana. Ito ang una mong misyon pagkatapos mong pumalpak mahigit isang-daang taon na ang nakalilipas." paalala sa akin ng aming Pinuno.
"Alam ko at hindi mo na kailangan pang ulit-ulitin iyan sa pagmumukha ko." mariin ko namang sabi. Bakit ba kailangan nilang ipagdukdukan sa akin ang mga pagkakamali ko? Bago pa man ako makapag-isip ng masama ay ipinagpatuloy na ng Pinuno ang pagsasalita.
"Simple lang naman ang gagawin mo, mamanmanan mo lang ang nag-iisang anak ng mga Sembrano. Nandyan na ang mga impormasyong kakailanganin mo para makilala siya." pagpapaliwanang nito sa akin.
"Iyon lang ba ang gagawin ko? Ang manmanan siya?" irita namang sabi ko sa kanya habang tinitingnan ang folder na nakapatong sa lamesa.
"May kailangan tayo sa kanila Thana... at hindi lang tayo ang may gustong makuha ang tiwala ng pamilyang iyon. Pero kung sa tingin mo ay hindi mo iyon kayang gawin, ngayon pa lang umatras ka na." pananakot pa nito sa akin.
"Pero bakit ko kaya nararamdaman na hindi lang iyan ang plano mo?" tanging halakhak lang ang sagot nito sa akin. Tama nga ako, may iba pa siyang plano. Sino nga ba ang hindi magdududa sa kanya? Isa siya sa mga pinakatuso na halimaw na nakilala ko.
"Tama ka! Sabi na nga ba at mahuhulaan mo iyon..." pagkatapos niyang tumawa na akala mo ay wala nang katapusan, katahimikan na ang bumalot sa buong silid. Isang seryosong mukha ang ipinakita nito sa akin.
"...kailangan mong protektahan ang bata. Kahit na anong mangyari, hwag mong hahayaan na mamatay ang babaeng iyon. Hindi ba't doon ka naman magaling?" isang ngisi lamang ang gumuhit sa kanyang labi.
Napakuyom naman ang palad ko dahil sa sinabi niya.
"Buong buhay ko pinagsanay mo akong pumatay at ngayon sinasabi mong kailangan kong protektahan ang batang iyon?! Niloloko mo ba ako Wilfried?!" sa unang pagkakataon ay nabanggit ko rin ang pangalan ng aming Pinuno. Ang halimaw na dumukot sa akin matagal na panahon na ang nakalilipas.
"Wala ka nang magagawa pa Thana! Iyan ang kapalaran mo! Kaya't sa ayaw o sa gusto mo ay gagawin mo ang inuutos ko!" iyan ang huli niyang sabi sa akin.
Kaya ngayon ay nandito ako sa may syudad at naghahanap ng matitirhan na malapit sa paaralang papasukan ko ngayon. Hindi ko man gusto ang ideya niya, wala na rin akong nagawa. Tiningnan ko ulit ang piraso ng papel kung saan nakasulat ang mga apartment na may mga bakante pang kwarto. Sa limang pagpipilian ay apat na ang napuntahan ko ngunit masyadong malaki ang bayad. Itong huli nalang ang pag-asa ko kaya naman kinakabahan ako ng husto. Ayoko namang matulog sa kalsada ngayong gabi bagamat hindi naman talaga natutulog ang nilalang na gaya ko. Siguro mas magandang sabihin na wala akong matutuluyan ngayong gabi kapag hindi pa naging maayos ang huling apartment sa pinagpipilian ko ngayon. Bumuntong-hininga muna ako at saka tatlong beses na kumatok sa pintuan. Sana may tao, sana mas mababa ang singil sa akin dito. Iyan lang naman ang hiling ko.
Wala pang ilang sigundo ay mayroon nang nagbukas ng pintuan. Isang lalaking naka-pajama at walang baro pang-itaas ang bumungad sa akin. Hindi ba't malapit ng mag-pasko? Hindi ba siya nalalamigan? Bago pa man ako magsimulang magtanong ng sandamakmak sa utak ko ay pinatuloy na niya ako sa loob.
"Pasensya na at natagalan ako ha, so... ikaw pala si Thana?" pagtatanong nito habang iginagayak ako sa may sala.
"O-oo" matipid ko namang sagot. Siya pala ang may-ari nito, si Chaim. Iyon ang nakalagay sa dyaryo eh. Buong akala ko ay babae yung "Chaim" pero lalaki pala, though hindi naman problema sa akin kung ano man ang kasarian nito dahil kaya ko namang protektahan ang sarili ko. Nilibot ko ang tingin sa apartment at mukha naman itong maayos sa paningin. Minimalistic ang style nito kaya naman nagmukha itong malawak kahit na mas malaki kung ikukumpara ang mga napuntahan kong apartment kanina. Nakasabit din ang iba't ibang litrato ng bituin katulad nalang ng Cassiopeia, Andromeda, Cancer, at marami pang iba.
Naaalala ko pa noon sa tuwing natatapos kami sa pag-eensayo ay lagi akong pumupunta sa puntod ni Ina, wala akong ibang ginagawa kundi ang pagmasdan ang kalangitan at ang kagandahan nito hanggang sa magmadaling-araw na. Doon, tatakbo ako ng pagkabilis-bilis para hindi maabutan ng pagsikat ng araw. Bagamat may lahi akong taong-lobo, ayaw kong maabutan ako ng Pinuno na tumatakas para pumunta kay Ina. Hindi ko namalayang matagal na pala akong nakatitig doon, napabalikwas nalang ako sa kinauupuan ko nang magsalita si Chaim.
"Maganda ba? Mahilig kasi akong mangolekta ng mga litrato ng bituin, nakakamangha kasi talaga sila lalo na tuwing hatinggabi." komento nito, kapwa parin kami nakatingin sa mga litrato.
Napangiti nalang ako, sa loob ng mahabang panahon, ngayon lang ulit ako nakangiti ng totoo, na walang halong pagkukunwari. Bakit ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya?
"Saan ako pwedeng matulog?" pagtatanong ko naman.
"H-ha? Hindi mo man lang ba tatanungin kung magkano ang upa dito?" pagtataka naman nito. Umiling nalang ako dahil sa totoo lang, ang Pinuno naman talaga ang magbabayad ng uupahan ko kaya wala naman talagang problema sa pera. Para sa akin nga lang ay kung makakatipid ay mas maganda pero ang pinakamahalaga ay dapat mapagkakatiwalaan ang makakasama ko. Dahil alam ko na hindi sa lahat ng pagkakataon ay maiitatago ko ang sikreto ko.
Ngunit tulad nga ng napanood ko sa isang palabas sa telebisyon, mapagkakatiwalaan ang mga taong mahilig sa mga bituin. Siguro ay iyon muna ang paniniwalaan ko, magtitiwala muna ako sa taong nasa harapan ko ngayon.
Napatawa nalang ako ng palihim sa pinag-iisip ko. 'Tiwala'? Isang bagay na hindi ko ipinamimigay ng basta-basta pero sa ngayon, iyon ang kailangan kong gawin.
![](https://img.wattpad.com/cover/36996895-288-k176511.jpg)
BINABASA MO ANG
Conniption
Hombres LoboThana Mortea, isa siyang halimaw, wala siyang awa na pumatay ng inosenteng tao, isang immortal na nilalang, ipinagkait ang lahat sa kanya na nagdulot ng walang hanggang galit, at siguro nga wala ng makakapagpabago pa sa kanya. Ngunit ng makatagpo ni...