Zkiel&Misty

14 1 2
                                    

\

"Pangakarap ko ang ibigin ka. At sa habang panahon, ikaw ay makasama. Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito. Pangarap ko, pangarap ko~~~pangarap ko.........~~~ ang ibigin ka." Huling birit ni Misty sa videoke.

Kasalukuyan siyang nasa binyagan. Kinuha siyang ninang ng isa sa mga kaibigan niya. Hindi naman siya tumanggi, dahil close na close niya talaga ang kaibigang ito.

"Ang galing!" Puri ng isa sa mga ninong.

"Pwedeng isa pa?" Request naman ng kumare niya.

"Ayoko na mars." Aniya.

"Sige na, please. English naman 'yong favorite mo." Sabi pa nito.

Humugot siya ng malalim na hininga. "Sige na nga." Aniya na parang napipilitan pa.

Agad niyang hinanap sa song book ang kantang paborito niya. Nang mahanap ito ay agad na sinalang sa videoke.

Forever's not enough by: Sarah Geronimo.

Hindi pa man siya nag-uumpisang umawit. Malakas na palakpakan na agad ang binigay sa'kanya. Pakiramdam niya nasa isang singing contest siya.

Habang umaawit may isang lalaki na titig na titig sa'kanya. Labis ang paghanga nito sa pinapamalas niyang boses. Napapangiti pa ito kapag natatamaan niya lahat ng mga nota. Matapos niyang kumanta nagpalakpakan ang lahat.

"Iba ka talaga, Misty." Sabi ni Lucy, isa sa mga kaibigan at kumare niya.

"Nakakainggit ang ganda ng boses mo." Sabi naman ng isa pa nilang kumare.

" Bakit hindi mo i-try sumali sa tawag ng tanghalan? Malay mo, 'di ba?" Sabi naman ni Mina, ang nanay ng batang bininyagan.

"Hay naku, hindi pang tanghalan ang boses ko. Videoke lang sapat na sa'kin." Sabi naman niya sa mga ito.

"Gagi, sayang naman kung sa videoke mo lang ipapamalas 'yang galing mo sa pagkanta. Try mo lang naman, Misty. Wala naman masama ro'n." Sabi pa ni Lucy.

"Lucy, hindi ko talaga bet magsasali sa mga contest. Singing competition nga sa baranggay hindi ko sinubukan. Sa tanghalan pa kaya? Hello? For sure iba 'yong pressure na mararamdaman mo ro'n." Aniya.

"Sabagay tama naman si Misty." Sang-ayon ni Mina.

"Hay naku, kung ako 'yan susubukan ko talaga. Wala naman mawawala." Sabi naman ni Lucy na umiiling-iling pa.

Samantala sa mesa ng mga lalaki. Panay ang sulyap ni Zkiel kay Misty. Iba talaga ang paghanga niya rito.

"Pre, baka naman matunaw." Pabulong na biro ni Ralp, ang tatay ng batang bininyagan.

"Sira." Natatawang sabi naman ni Zkiel.

"Kursunada mo ba pre?" Tanong ni Ralph.

Natahimik si Zkiel, inisip pa niya kung ano ang sasabihin.

"Silence means yes daw sabi nila." Ani Ralph sabay tawa. Natawa na lang rin siya.

7:PM

"Mars, kailangan ko na umuwi. Medyo malayo pa kasi ang byahe ko. Tapos ma-traffic pa bandang tejero." Paalam niya kay Mina.

"Hindi ka na ba magpapapigil niyan?" Tanong naman ni Lucy.

"Sorry. Bawi na lang ako next time. Maaga pa kasi ako bukas. Alam mo naman naglalakad ako ng mga requirements." Sagot niya kay Lucy.

"Sige, basta bawi ka next time." Sabi naman ni Lucy sabay yakap sa'kanya.

"Nasaan na 'yong inaanak ko?" Tanong niya kay Mina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 15, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon