"Lesly! Lesly!" Tawag ni Clark sa'kin. Hinintay ko siyang makalapit.
"Oh! Bakit?" Tanong ko.
Nakatingin siya ng seryoso sa'kin. "Lesly, I love you." Seryosong sabi niya. Nanlaki naman bigla ang mga mata ko. Tapos aktong magsasalita na nang bigla siyang ngumiti. "Joke!" With peace sign.
Mabilis ko siyang hinampas sa braso. "Sira ulo ka! Grabe pinakaba mo ako do'n ah?"
Tawa siya ng tawa. Napairap na lang ako sa'kanya sabay talikod.
"Uy, hintay!"
"Bilisan mo!"
Si Clark ay kababata at matalik kong kaibigan. Para na nga kaming magkapatid kung mag turingan eh. Sabay lumaki at sabay nag-aral. Grade twelve na kami ngayon sa paaralang pinapasukan namin.
"Class dismissed!"
Napalingon ako sa likuran nang may kumalabit sa'kin. Syempre si Clark lang 'yon. Siya lang naman 'yong nasa likuran ko eh.
"Bakit?"
"Wala ako nadalang pera ngayon. Pwede ba utang muna?"
Inirapan ko siya. "Style mo bulok. Magpapalibre ka lang eh." Sabi ko sabay tawa. Pero siya seryoso lang, kaya natahimik ako bigla. "Sya, sya ililibre na kita." Sabi ko sabay tayo at sukbit ng bag.
* CANTEEN *
"Les, may lakad ka ba bukas?"
Oo nga pala, saturday bukas at wala kaming pasok.
"May date ako." Pagbibiro ko.
"Kanino?" Medyo nag-iba 'yong timplada ng mukha niya. Alam ko na 'yan eh. Hindi kasi niya gusto na kung kani-kanino lang ako nakikipag-date.
"Kay Mark." Seryoso kong sagot.
"Yung gago na 'yon? At pumayag ka naman?" Halatang naiinis na siya.
"Oo naman, bakit hindi?"
"Sasama ako bukas."
"Ha? 'Di ba may date kayo ni Kara?"
"Ica-cancel ko."
"Seryoso ka d'yan? Ica-cancel mo para maging chaperon ko?"
Hindi siya nagsalita pero tumango siya. Natatawa na lang talaga ako sa lalaking 'to. Over protective bestfriend.
"O ano'ng nginingiti-ngiti mo d'yan?" Tanong niya.
"Natutuwa lang ako sa'yo. Napaka-oa mo kasi eh, ituloy mo na date niyo ni Kara. Wala naman akong date bukas. Niloloko lang kita. Natutuwa kasi ako sa'yo kapag bumubusangot mukha mo." Sabi ko sabay tawa ng malakas.