Crush-Part2Of2

10 1 0
                                    


\\JANUARY//

Tanghali na nakapasok si Tiffany. Napasarap kasi ang tulog niya. Kaya 8am na siya nagising no'ng umaga. Wala naman gumising sa'kanya kaya nagpasya na lang siyang mag half day.

11:30am nang makarating siya ng school. Saktong bukas na ang gate kaya pumasok na siya. Dumiritso muna siya ng canteen at doon nagpalipas ng oras.

12:NN nang magpasya na siyang pumunta sa classroom nila. Mangilan-ngilan na lang ang studyante. Dumiritso siya ng upuan niya. Pero natigilan siya nang mapansing may violet na bag doon. Wala roon ang kaibigan, kaya wala siyang mapagtanungan. Ipinatong niya muna ang bag sa upuan ni Jessa. Bago muling lumabas ng classroom para hanapin ito.

"Saan kaya nagpunta ang babaeng 'yon?" Bulong ni Tiffany sa sarili.

Lumabas siya ng school at tumawid sa'kabilang kalsada. Bumili siya ng ballpen saka muling tumawid pabalik ng school. Pagbalik niya ng classroom nakita niyang kumakain na si Jessa doon. Masaya niya itong nilapitan pero agad ding natigilan nang makitang nasa sahig na ang bag. Pinulot niya 'yon at nilapitan si Jessa.

"Sanchez!" Nakataas-kilay na tawag niya rito.

Nag-angat naman ito ng tingin at nagulat nang makita siya. Pagkatapos napatingin ito sa bag na hawak niya.

"Sa'yo pala 'yan?" Gulat na tanong nito.

"Ay, hindi." Pagtataray niya.

"Sorry hindi ko kasi alam na sa'yo pala 'yan." Hinging paumanhin nito.

"Obvious ba?" Irap niya dito.

"Eh, hindi naman kasi ganyan 'yong bag mo. Malay ko bang nagpalit ka na." Paliwanag naman nito. Saka naman niya naalala na nagpalit nga pala siya ng bag.

"Oo sige na." Aniya, sabay napatingin sa violet na bag. "Kanino ba kasi 'yan?" Naiirita niyang tanong.

"Mamaya malalaman mo kung kanino 'yan." Tila nang-iintrigang sabi ni Jessa sa'kanya.

"Kanino nga?" Pangungulit niya.

"Basta wait mo na lang." Nakangisi nitong sagot sa'kanya.

"Tss."

Natawa naman si Jessa sa reaction niya.

*BELL RINGING*

Isa-isa nang nagpasukan ang mga kaklase nila. Hanggang sa magkasabay na pumasok sila Lovely at Viloria. Dumaan ang dalawa sa'kanya na para bang hindi siya nakita ng mga ito. Pagkatapos umupo si Lovely sa upuan niya. Nakatingin si Jessa sa'kanya ng makahulugan. Naiintindihan na niya ang ibig nitong sabihin.

"Ulitin natin 'yon bukas. Grabe sobrang saya no'n." Masayang wika ni Lovely. Napatingin naman siya kay Viloria na malapad ang ngiti.

Tumikhim siya para makuha ang atensyon ng mga ito. Pero hindi natinag ang dalawa, lalong-lalo na si Lovely. Napairap siya at bumuntong-hininga.

"Excuse me?" Pang-iistorbo niya sa dalawang nag-uusap.

Sabay naman napatingin ang dalawa sa'kanya. Bakas sa mukha ni Lovely ang pagkairita.

"Ikaw pala Tiffany." Tila naiiritang sabi nito.

Ngumisi siya. "Oo, ako 'to. Okay lang ba kung maupo ako sa UPUAN ko." Sabi niya na inemphasize pa ang salitang upuan.

Tumingin muna ito kay Viloria bago sumagot. "Pwede bang sa row four ka muna? Doon ka muna sa chair ko. Pls." Tila nagpapaawang sabi nito.

Nagsalubong mga kilay niya. Lalo na nang marinig ang sinabi ni Viloria.

One Shot CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon