32 (Realization)

107 3 1
                                    

TINA/LORI'S POV.

Di ko maipaliwanag yung sayang naramdaman ko nung tumawag si Sergeant sakin para sabihing may malay na si Aurie. Siguro ay dala na rin ng masyado kong pag-aalala sa kanya, kahit di ko man aminin kasi ay napalapit na nga siya sakin. Kung kaya nung nakita ko siyang gising na ay niyakap ko siya agad.
.
.
.
"A-aurie...thank you at gising ka na!" sabi ko.

"Tin, salamat at nandito ka." tugon nyang agad na napaluha pagkakita sakin.

"Syempre, sino pa bang dadamay sayo kundi ako. Ikaw talaga." tugon ko at napaiyak na nga syang talaga.

"I'm really sorry sa lahat ng nagawa ko sa inyo. Galit ka ba sakin??" tanong nya.

She's looking at me with her eyes pleading.

Ako din ay nakatingin lang sa kanya na waring naguguluhan.

"Hindi ko alam. Dapat akong magalit sayo sa lahat ng ginawa mo. Nagulo at nasira ang buhay ko dahil sa pagiging makasarili mo, pero pilit kitang iniitindi dahil isa kang kapatid na sobrang nangungulila. Pero di rin tama na di mo pagbayaran yung lahat ng yun lalo na rin kay Tami na sobrang nahihirapan ngayon." buong pagtatapat kong sinabi ito sa kanya.

"Oo alam ko kaya wala akong mukhang maihaharap. Pagbabayaran ko ang lahat, wag ka lang magalit. Salamat." tugon nya. Hinila nya ang kamay ko dahilan para magkayakap kaming muli.

Salamat naman at nagsisisi siya, sa tamang panahon matututunan ko ring mawala ang galit na nararamdaman ko ngayon.

~~~~~
Kinagabihan;

Mula kanina pa sa kotse ay ang tahimik na ni Tami at di ako pinapansin, di ako napapalagay pag ganito siya. Sanay akong kung galit siya o naiinis ay tatalakan nya ako pero ngayon eh wala.

Nandito na kami sa kuwarto at di pa rin kami nag-uusap.

"Wifey, anong problema ba? Are you tired? Or is it because of Aurie? Tell me. Paano ko malalaman? Please don't treat me like this." pakiusap ko sa kanya.

"I'll take a shower na ha. Tapos ikaw rin. I'm tired I need rest may pasok pa bukas." iwas nya sa tanong ko at pumasok na sa banyo.

"Hays..." buntong-hininga ko. May problema talaga eh.

Hanggang sa nakahiga na kami ay di pa rin nya ako iniimik.

Hindi ko kaya ito kaya kinulit ko siya ulit.

Tumagilid ako para yakapin siya.

"Wifey, I know something's off kaya please tell me na. Alam mo namang ayaw kong natutulog tayong ganito diba. Ano ba kasi yun? Kay Aurie ba ha??" tanong ko sa kanya.

"Kanina ka pa tanong ng tanong. If you knew me then alam mo na. Noon kahit di ko sabihin napapansin mo agad yet now ayan nangungulit ka." naiinis nyang sinabi.

"Sorry wifey alam mo naman na madami akong hindi pa naaalala eh. Sorry kung ganun. And about Aurie, sorry rin. Gagawin natin ang nararapat kaya wag ka nang mainis." sabi ko sabay halik sa leeg nya.

"Ewan ko sayo, tulog na tayo. Goodnight." sabi pa sabay patay ng lampshade.

Nakayakap lang ako sa kanya hanggang sa makatulog na.

~~~~~
Kinabukasan;

The moment I woke up wala na siya sa tabi ko.

I checked the time and it's already 8:00 in the morning. Hays di nya man lang ako ginising para nakapag prepare ako ng breakfast nya.

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon