6 (Instant Friend)

77 4 1
                                    

TAMI's POV.

After 3 days din namin na nasa hospital ngayon ay pa discharge na kami.

I think we got the rest that we need na kaya we're good to go na.

Nag usap rin kami ni Tin kagabi at nagkasundo na dun na muna siya kina Aurie magistay for the mean time para magkasama sila, preparation na rin for our Official Engagement Party. Nung nagproposed kasi siya sa Paris yun talaga sana ang una naming gagawin kung hindi lang nagka aberya dahil sa Miyeon na yun.

And speaking of that girl, dinala raw siya sa Mental Facility para sa observation, parang hindi rin kasi kinaya na ng utak nya ang nangyari kay Jackson. She is blaming herself of what happened na siya rin naman ang gumawa. Kapag talaga nabalot ng poot, selos at inggit ang katauhan natin ay hindi na natin naiisip ang tamang bagay at sa huli tayo nagsisisi. Sana lang sa paglipas ng panahon ay mapatawad nya ang sarili nya.

Everyone deserves forgiveness naman lalo kung pinagsisisihan naman ng totoo.

~~~

"Hon, okay na ang lahat, settled na ang bills. Naghihintay na sila ate sa baba. Tara na my soon to be Mrs. Tami Kim Asuncion? Hehe." banat ni Tin, ayan at napangiti tuloy ako.

"Naks that's so pleasant to my ears ha." sabi ko.

"Syempre, my surname fits your name eh. I can't wait na, i'm too excited." dagdag nya at aba kinikilig pa hahaha.

"Hahaha oo na nga, konting time nalang hon. Ako rin excited na." sagot ko.

"Basta I will fix everything para mas mapadali ang lahat. Tiis lang muna ha na hiwalay tayo ng bahay, gusto ko kasing makuha muna ang Blessings ng lahat bago tayo mag next move. Para clear and smooth ang lahat." paliwanag nya pa.

She's cupping my cheeks while saying those.
And I'm smiling.

"It's okay hon, i understand it very well. Dahil dyan sa ugali mong ganyan kaya i'm falling inlove with you all over again aisshh." sabi ko.

"Hahaha ohh bakit masungit? Charr. Ang cute cute mo lalo pag nagsusungit ka pero wag mawili ha haha. Halika na nga baka namuti na mga mata ng dalawa dun kakahintay." biro nya pa at natawa ako.

"Ang daming alam haha naharot pa kasi eh. Let's go hon." sagot ko at lumabas na kami ng room papunta sa kanila.

Ihahatid na muna nila ako pauwi sa unit bago sila umuwi pa mansion. And ususual si Irene muna uli ang kasama ko habang hindi pa si Tin.

Few Moments Later;

"Irene, ikaw na muna uli ang bahala dito sa bestfriend mo ha habang wala ako? Bawi ako soon hehe." hirit ni Tin nang makapasok na kami sa bahay.

"Naku Tin, bonggang bawi dapat ito ha pag nakasal na kayo." sagot nitong si Irene.

"Shut up you two, daldal nyo mamaya nyan mausog pa hmpp!" saway ko sa kanila. I don't really believe pero sabi nila kapag too excited daw at laging pinaguusapan ay napupurnada so better not talk about it all the time.

"Ayan na nagsusungit na siya, you better rest na hon and I will leave na rin."

Nakaupong nakatabi sakin si Tin at heto nagpapaalam na.

"Okay hon, ingat kayo ha? Call me pag nandun na kayo ha? I love you." sabi ko.

"Yes hon pahinga ka dito. I love you more." sagot nya.

She pecked on my lips at nagpaalam na rin kay Irene. Though okay lang naman sakin na hindi muna kami magkasama pero nalulungkot lang rin ako.

I just stare at Tin hanggang sa tuluyan na syang makalabas ng pinto.
.
.
.
"Hey tami, cheer up mabilis lang yan magkakasama rin kayo." biglang sabi ni Irene. She really can notice it quick if i'm feeling kinda weird or what.

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon