GF KO, ETCHOSERANG FROG PRINCESS
#GFKEFP3
MINHO POV
Naiwan akong mag-isa sa sasakyan.
Huli na nang subukan ko siyang habulin. Wala na siya. Nakaalis na siya.
Ibinuhos ko lahat ng sakit sa pagsuntok sa salamin ng sasakyan ko!
Shet! Ang sakit parang hindi ko kakayanin!
Napaluhod ako at napasigaw!
CACAI POV
Kinabukasan.
Patuloy ang buhay. Kahit mahirap, bumangon ako bumaba at nagsaing. Nagpakulo din ako ng tubig pampaligo ko mamaya.
"Good morning!" Bati sa akin ni Ethel habang pababa ng hagdan na halatang bagong gising pa lang.
Hindi ko siya kinibo. Wala ako sa mood para bumati!
Umupo din siya sa pinag-uupuan ko at nagtimpla ng kape.
"Gusto mong kape!?" Offer niya sa gawa niya.
Hindi ko pa rin siya kinibo.
Tumaas na ako ulit at naligo.
"Cai boyfriend mo nasa labas!"
Dali dali naman akong lumabas sa banyo at bumaba. Binuksan ko ang pinto. Huli na nang marealize kong wala na pala akong boyfriend!
Narinig kong tumawa si Ethel sa likuran ko. Hinarap ko siya.
"Ako ba niloloko mo!?"
"Cai. May dalawang klase lang ng tao sa mundo, isang manloloko isang naloloko. Niloloko ka lang ng boyfriend mo ilang ulit ko ba dapat sabihin! Sa maniwala ka man o hindi nakita ko siya nung minsan may kasamang babae! Kaibigan kita kaya ayaw kitang masaktan."
Hindi ko magawang magalit kay Ethel ngayon. Sa ilang ulit na niyang sinabi din ang linyang 'yan sa akin, ngayon ko lang siya naintindihan.
"Teka! Ba't ka umiiyak?" Pansin niya sa akin.
"Ah wala lang 'to!" Punas ko ng luha ko.
Tinalikuran ko siya. Pinunasan ko ulit ang luha ko na ayaw huminto sa pagtulo. Para itong may sariling buhay na ayaw magpakontrol.
Mas lumakas ang hikbi ko.
MASAKIT!!
Tumaas na ako ulit at pinagpatuloy ang pagligo ko.
"Cai ayos ka lang?" Katok ni Ethel sa pinto.
Bumwelo muna ako. "Ayos lang ako." Control ko sa boses ko.
Ayaw kong mahalata niyang umiiyak ulit ako. Wala rin akong balak sabihin sa kanya na wala na kami ni Minho. Para saan pa? Para masaktan ulit ako? HUWAG NA!! AYAW KO NA!!
"Sure!? Ayos ka lang talaga?"
"Mmm."
--
Sa school.
Kahit pilitin kong maging normal. May bagay bagay pa rin talagang nagpapaalala sa akin tungkol sa nakaraan namin ni Minho. Tulad na lang ng umbrella tree sa daanan na sabay naming tinanim noong tree planting day na tinuring na rin naming sariling anak.
Sa tuwing naiisip ko ang dati... Hindi ko alam, kung ngingiti ba ako dahil sa good memories na nagawa namin o sisimangot dahil hindi na mauulit iyon!
Narealize ko... Sa isang relasyon ang pinakamahirap na part talaga kapag naghiwalay kayo ay ang mag-move on.
"Kuya bakit niyo po ginugupitan itong halaman ng santan?" May balak akong gawin kaya nilapitan ko si manong janitor.
BINABASA MO ANG
GF KO, ETCHOSERANG FROG PRINCESS
Roman pour AdolescentsSi Cacai Gonzalez ang pinakapangit na nilalang sa campus; nakikimeets din kay Mario Parker ang pinakasikat at pinakagwapong nilalang sa campus. Sabeeeh!? Isang etchoserang palaka nakabingwit ng isang malasa at matabang isda bongga! Sabeeh!?