GF KO, ETCHOSERANG FROG PRINCESS
#GFKETFP2
"Sabeeeh!?"
"Kala ko nabusog ka na e ba't andami mo pang kinakain diyan?"
"Bebe iba yung sa mata at sa tiyan. Kanina yung mata ko yung nabusog sa chocolate mo pero ngayon nangangailangan talaga ang tiyan ko ng laman, pagbigyan mo na ako hindi pa ako kumakain." Sabay sabay kong nilamon ang burger, chicken, fries at spaghetti. Ang daming inorder ni boyfriend sayang naman kung hindi uubusin, wui madaming hindi kumakain na bata sa Pilipinas 'wag magsayang ng pagkain chos.
"Okay. Pero uso pa rin naman maghinay hinay, wala namang aagaw niyan sayo." Medyo nasamid si boyfriend sa pagsabi niya ng aagaw part, may naalala siguro.
"Sabeeeh!? Ikaw pa nga naunang nabulunan sa atin." Tukso ko.
Sa bilis ko lumamon (tukoy nga ni boyfriend na para akong may kaagaw sa pagkain) tapos sinubuan pa ako ni boyfriend ng paborito kong jolly hotdog, nagkandaletche letche na.
Shet! Hindi ako makahinga! Nabulunan ako!
Napansin din naman agad ni boyfriend ang lagay ko kaya agad siyang kumuha ng tubig at mabilis na inabot sa akin.
"Isa pa. Kulang." Balik ko ng baso.
"Yan kasi, ang baboy kumain. Wala namang kaagaw hindi hinay hinayin." Balik niya sa baso na may laman ng tubig, may pasermon pa.
Nilagok ko ulit agad at nakahinga na din.
"Ano! Kain pa! Madami pa oh!"
"Hindi busog na ako salamat. Pakibalot na lang yung mga tira tira bebe, pasalubong kay Baymax." Baymax pangalan ng alagang aso ko na nasa apartment na bigay ni boyfriend sa akin nung first monthsarry namin.
"Buti pa si Baymax inaalala boyfriend hindi!"
Bubulong bulong rinig naman!
Matapos balutin ni boyfriend lahat ng tira tira sa plastik, sumeryoso ako.
"Anong mukha 'yan?" Pansin niya agad.
"Serious look huwag kang ano!"
Matapos ko magbiro sumeryoso ulit ako na nakapagpatahimik naman sa kanya.
"Huwag ka ngang ganyan hindi ako sanay! Huwag mo rin balakin na makipaghiwalay sa akin dahil hindi ko kakayanin!"
"Matagal ko nang pinag-isipan 'to~"
Tinakpan niya ang bibig ko para hindi ko maituloy ang sinasabi ko.
"Huwag kang ganyan sabi e!" Pigil niya sa akin.
Inalis ko ang kamay niya.
"Break na tayo!"
Katahimikan...
Katahimikan..
Katahimikan.
Hindi ko natiis natawa na ako sobra. "Bwahaha! Joke!" Bawi ko sa sinabi ko. Ako makikipag-break sa kanya? Syempre hindi, mahal ko kaya 'yan.
"Ano ko ba!? Biro lang yun masyado ka namang seryoso!" Paliwanag ko kay boyfriend nang napansin kong medyo naluluha na siya.
Napayakap siya sa akin.
"Huwag na huwag mo nang sasabihin ang tatlong salitang iyon sa akin ha, hindi ko kakayanin. I-promise mo."
Umiyak siya sa balikat ko habang nakayakap pa rin sa akin.
BINABASA MO ANG
GF KO, ETCHOSERANG FROG PRINCESS
Ficțiune adolescențiSi Cacai Gonzalez ang pinakapangit na nilalang sa campus; nakikimeets din kay Mario Parker ang pinakasikat at pinakagwapong nilalang sa campus. Sabeeeh!? Isang etchoserang palaka nakabingwit ng isang malasa at matabang isda bongga! Sabeeh!?