Etchos 1 (0_0) Away Bati Relationship

133 0 0
                                    

GF KO, ETCHOSERANG FROG PRINCESS

#GFKEFP1

"Sabeeeh!?"

"Sorry na nga. Ba't di ka naniniwala!?"

"Eh kasi naman kasi... Ba't mo ba kasi kasama yung babaeng yun!? Tapos, hindi mo pa sinabi sa akin. Tapos, nalaman ko na lang sa iba na magkasama pala kayo buong araw."

"Diba sabi ko nga sayo bebe, nagkataon lang yun. Nagkita lang kami sa mall tapos yun lang yun. Nagpasama lang siya dahil wala daw siyang kasama kaya yun sinamahan ko na rin. "

"Kahit na. Dapat hindi mo na lang sinamahan."

"Oo na. Next time talaga hindi ko na siya sasamahan, promise ko na yan sayo."

"Talaga!?"

"Oo na nga. Kung bakit ba naman kasi napakaselosa ng girlfriend ko."

"Ganun talaga, maganda kasi girlfriend mo."

"Ubo ubo."

Literal.

"Anyare!? Ayos ka lang!?"

"Ah oo ayos lang ako. Nabulunan lang ng konte ang boyfriend mo masarap kasi ulam hehe."

"Hinay hinay lang naman kasi bebe, wala namang aagaw niyan sayo."

"Ah oo wala namang aagaw nitong kinakain ko hehe. Sige kita na lang tayo bukas."

"Sige. Mahal kita boyfriend. Ikaw lang sapat na."

"Mahal din kita."

Matapos ang telebabad namin sa telepono ni boyfriend umakyat na agad ako sa kwarto at humiga sa queen-size bed ko. Chos double-deck lang pala higahan namin nangarap lang ang palaka.

--

"Cai boyfriend mo nasa labas." katok sa pinto ng isa kong ka-roomate.

Dali dali naman akong lumabas sa banyo at bumaba. Pinagbuksan ko ng pinto si boyfriend na nasa labas at pinapasok sa loob ng apartment.

"Palit lang ako bebe." Umakyat uli ako sa taas at nagpalit ng pang-school uniform. Medyo basa pa yung buhok ko dahil kaliligo ko pa lang kaya hindi ko muna pinunglot ang buhok ko.

Matapos ang paglalagay ko nang kung anu ano sa mukha ko para gumanda pero wa epek ata, bumaba na rin ako.

"Nainip ka ba!?"

"Hindi naman. Ayos nga 'tong isa mong ka-roomate ang kulit, ang dami niyang tanong." Turo niya kay Ethel na siya ring tinutukoy niya, siya rin yung kumatok kanina.

Inirapan ko lang naman si Ethel at hinatak na lang palabas ang boyfriend ko.

"Huwag mo ngang kausapin yun." Sabi ko kay boyfriend pagkalabas namin.

Sa inis ko sumakay na agad ako sa kotse niya at sa likod ako umupo. Kadalasan sa frontseat ako naupo pero ngayong naiinis ako, feel ko umupo sa backseat.

Di katagalan, sumakay na rin siya at naupo sa driver's seat.

"Ang sungit mo na naman, meron ka ba!?" Biro niya bago niya pinaandar ang sasakyan.

"Mukha ba akong nagbibiro!?"

"Okay sorry kasalanan ko na naman."

Hindi na lang ako umimik dahil baka sumabog lang kaming dalawa. Naiinis ako at ngayon parang naiinis na din siya kaya walang patutunguhan 'to kung magsasalita pa ako, baka mapunta lang ang lahat sa malaking misunderstanding.

Matapos ang ilang minutong byahe na puro katahimikan, narating na namin ang school. Nagpark muna siya.

Hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako nang pinto na kadalasan niyang ginagawa, bumaba na ako agad sa kotse at naglakad papunta sa unang klase ko.

Walang anu ano'y naupo na ako sa upuan ko at nakinig sa discussion ni Prof. Rapmon.

Huwag niyo nang hanapin ang boyfriend ko dahil hindi ko siya kaklase. Magkaiba kami ng kinukuhang course at hindi rin kami magka-batch. 1st year ako at siya 2nd year. Education ako at siya Engineering.

Minsan rin lang kami magkita ni boyfriend dito sa school dahil busy sa kanya kanyang pinag-aaralan namin. Kung minsan vacant ko may klase siya, minsan rin vacant niya may klase ako. Ganun palagi eksena namin kaya kung minsan nakakainis na din, minsan na nga lang kami magkasama tapos nag-aaway pa kami.

Pagkatapos mag-discuss ni Prof. Rapmon nagsipagtayuan na ang mga kaklase ko at lumabas sa room. Ako na lang naiwan sa upuan ko.

Kung bakit ba naman kasi may konsensya pa ang isang tao tuloy naiwan akong nag-iisip dito.

"Okay kasalanan ko na. Kasalanan ko na kung bakit palagi kaming nagtatalo ng boyfriend ko. Kasalanan ko na. K." Sa isip ko lang sana yun e pero naibigkas ko. Kasalanan kasi ni konsensya e ang hilig mangunsensya.

Minadali kong niligpit ang mga gamit ko at nilagay sa bag. Tumakbo ako agad.

Wala na akong balak pumasok sa second subject ko ngayong araw, feel ko kasi mag-quality time with boyfriend ngayon kahit pambawi lang sa mga pagsusungit ko sa kanya. Anyways, kaka-start pa lang naman ng second semester wala pa naman gaanung ginagawa.

Nakita kong naglalaro si boyfriend ng basketball sa open court kasama ang mga barkada niya at ilang random guys. As always, madami na naman nanunuod sa laro nila.

Halata naman sa pagmumukha nitong mga etchoserang palaka na mga manunuod na hindi yung laro mismo ang pinunta nila dito kundi yung nakikita lang nila na mga bukol bukol sa katawan ng mga player ang habol nila. Pati boyfriend ko pinagnanasahan nila. Hindi na sila nahiya. Hindi nila ako gayahin.

--

"Anong ginagawa mo diyan!?"

"Sight seeing ng seven wonders of campus. Huwag kang magulo." Kalabit ng kalabit e istorbo much.

"Sinong number one?"

"Yun oh si Luhan ng Civil Engineering. Kitang kita yung mga bukol bukol sa braso at katawan. OMG nagtatanggal siya ng damit! Kita mo yun may mga chocolate sa tiyan masarap kaya yun."

"Tss! Meron din naman ako nun ha!"

"Talaga!? Patingin nga!" Laking gulat ko na lang paglingon ko sa likuran si boyfriend ang bumulaga sa akin. Siya pala ang kanina pang nangungulit at nangangalbit sa akin, hindi ko man lang nabosesan.

Napakamot na lang ako ng ulo.

"Oh tignan mo na, masarap din yan." Itinaas niya ang kanyang damit at pinakita ang chocolate din niya sa katawan.

Habang ako pinagpapawisan dito dahil nabisto ako ni boyfriend na nagtatago sa damuhan para magsight seeing ng seven wonders, siya natural lang nakangiti pa sa akin.

"Gusto mong hawakan?"

Out of consciousness napatango ako sa tanong ni boyfriend.

Kinuha niya ang kanang kamay ko at siya ang naggabay sa akin para mahawakan ko ng pataas baba ang mga chocolate niya sa tiyan. Medyo basa pa sa pawis pero mabango pa rin. Tinikman ko malasa din ha chos.

Nanlambot ako sa nahawakan ko first time. Cloud nine chos.

"Diba nakakabusog din naman yung sa akin!?"

Out of consciousness, hindi na lang ako napatango sa tanong ni boyfriend napangiti din, labas tuloy gilagid ko.

(0_0) Mga etchoserang palaka!

--

AN: Picture ng boyfriend ni Cacai sa taas. Lee Min Ho as Minho Cruz.

GF KO, ETCHOSERANG FROG PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon