Dear Cupid,
May nangyari bang maganda sayo ngayong araw? Sakin kasi still NGANGA. Waley parin akong boyfriend. Naiingit na nga ako sa mga kaibigan kong may sariling mga jowa. Take note Cupid, PDA much pa sila kanina. Alam naman nilang may kasama silang SINGLE. Tss. Mga kaibigan ko talaga mga balahura. Hindi na sila naawa sa kagandahan ko. Ipangalandakan ba naman nila sa harapan ko ang kasweetan nilang mga magjojowa. Buhusan ko sila ng asin e para mawala lahat ng tamis nila sa katawan. Aigoo!
Sana pala hindi na ako sumama sa paglalakwatsa namin kanina. Umuwi nalang sana ako sa bahay at nagkulong sa kwarto, Cupid. Hmp! Kung alam ko lang na magmumukha lang akong alalay at kawawa kanina sana talaga hindi na ako nagpapilit sa kanila para isama nila ako.
Sa susunod talaga never as in never na akong sasama sa kanila kong kasama nila mga jowaers nila. OP ako!
Kasi naman Cupid e! Asan na ba iyong Future Asawa ko? Ang tagal naman niyang dumating. Natraffic ba? Na stranded? Na Bagyo? Sabihin mo nga sakin kung nasaan siya at ako nalang ang susundo sa kanya para naman magkita na kami.
P.S. Desperada na akong magkajowa Cupid!
Shin
BINABASA MO ANG
Dear Cupid
Fanfiction"Chase dreams, not boys. Really? Oh c'mon. Hindi na 'yan uso ngayon. Kung hindi ka gagawa ng paraan para mapansin ka ng true love mo at aasa ka nalang kay destiny, I tell you, mag-madre ka nalang. So, I'm gonna chase my future husband whatever it ta...