Dear Cupid,
Kanina ko pa hindi mapigilan ang luha ko. Kasi naman. Ang sama sama mo. Pinaasa mo akong si Zayne ang Future Father of My Child iyon naman pala may fiance na siya. Pakshet siya Cupid. Paasa! Hmp. Kung may fiancee na pala siya sana hindi na lang niya ako niyaya na maglunch noon. Di sana hindi ako umasa at hindi ko na mamis-interpret 'yong ginawa niyang 'yon sakin.
"Aba teh, malay mo sadyang mabait lang siya at gusto ka lang niyang ilibre dahil naawa siya sayong nakatayo noon sa mall habang hinihintay si Luhan.O kaya naman dahil nalaman niyang isa ka sa empleyadong pinsan niya. Or alam niyang magfrenship din kayo ng kanyang fiancée. Naku, assuming ka kasi. Ayan tuloy pusong sawi ka na naman." Konsensya speaking.
Tse! Huhu. Cupid pati konsensya ko hindi ko karamay sa pighati at sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi man lang makisama. Alam naman niyang broken hearted ako eh. Na nasaktan ako ng lubos.
"Weh? Di nga?"
Cupid, Pwede palang ganoon no? 'Yung basta basta nalang susumbat 'yong konsensya mo? Walang galang. Sarap tirisin.
Anyway, sobrang sakit talaga 'tong nararamdaman ko. Sana kasi hindi nalang ako umatend sa party ni Mr. Park. Sana hindi na ako nagtagal. Bumati nalang sana ako at lumayas kaysa naman nagsatay ako roon at malamang may fiacee na pala si ex-future asawa ko. Tapos malalaman ko pang frenship ko ang kanyang fiancée. Anu ba yarn.
Kaya naman heto ako ngayon, umiiyak mag-isa. Hindi pa nga ako pumasok ngayon . Alam kong kasi lutang lang ako pag papasok at tiyak hindi ako makapag-isip ng maayos. Kaya minabuti ko nalang muna na hintaying maging maayos ang pakiramdam ko. Masakit kasi talaga. Ang sakit sakit. Umasa kasi ako. Tingin ko nga kailangan ko ng closure.
"Closure? Susme teh, magdradrama ka na nga lang sana naman 'yung may sense at totoo. Kaimbyera na e."
Ay, busit na talaga ako Cupid lalong lalo na sayo. Sabi ko naman kasi wag lang ako ang panain mo. Pati rin 'yung taong gusto ko. Para hindi ako nasasaktan ng ganto.
P.S. Next tym Cupid, hit us both. Hindi 'yong isa lang. Okay?
Shin
BINABASA MO ANG
Dear Cupid
Fanfiction"Chase dreams, not boys. Really? Oh c'mon. Hindi na 'yan uso ngayon. Kung hindi ka gagawa ng paraan para mapansin ka ng true love mo at aasa ka nalang kay destiny, I tell you, mag-madre ka nalang. So, I'm gonna chase my future husband whatever it ta...