Dear Cupid,
Ang wierd pala ni Luhan kapag maysakit. Para siyang ewan. Habang inaalagaan ko siya kanina kong anong mga sinasabi niya sa akin. Hay naku. Ang wierd wierd talaga ng lalaking iyon. Pano ko ba naging bestfriend ang walangyong 'yun? Haha. Joke lang Cupid.
Enewey, habang pinupunasan ko siya may sinasabi siya e, something like, "B-bakit ba ang manhid manhid mo? Ganoon ka ba talaga kamanhid at pati feelings ko hindi mo maramdaman? G-gusto mo pa bang ipaopera ko pa ang puso ko at ipakita lang sayo na dahil sayo tumitibok ito? Mahal kita. Mahal na mahal kita at ang sakit sakit na. P-please ako nalang. Ako nalang ang tignan mo. Ako nalang ang mahalin mo. I love you—-" Okay so hanggang dun nalang ang narinig kong drama niya. Hala, feeling ko may dinadamdam 'tong bestfriend ko e. Sino kaya ang babaeng tinutukoy niya? Nananaginip kaya siya habang sinasabi ang mga salitang 'yon? Kawawa naman talaga tong si Luhan ko,(Charot inangkin ko raw!) may sakit na nga may padrama drama pang nalalalaman. May hugot kasi siya Cupid. May whogoat ang kanyang mga sinasabi. Parang galing talaga sa ikabuturan ng kanyang puso.
Tinapik- tapik ko naman ang balikat niya habang nagsasalita. "L-luhan. Hoy L-U-H-A-N-N-I-E? Gising ka pa ba? Ano yang mga pinagsasabi mo? Hoy!."
"Urgh!" 'yan lang ang response niya sa sinabi ko. Anak ng!
"Nanaginip ka ba? Hoy Lu gising. Baka bangungutin ka diyan. Sige ka." sabi ko habang inaayos ko na ang damit niyang pinasuot ko. Pawis kasi siya kanina kaya pinalitan ko siya ng damit. Pero uy, waley malisya 'yun Cupid. Hindi kamali-malisya si Lu kahit ang yummy pa ng katawan niya habang binibihisan ko siya. Lol!
Hindi parin siya nagmulat ng kanyang mga mata. Itinuloy niya ang pagsasalita ulit. "Noon pa lang gusto na kita. Bata palang tayo naramdaman ko ng may iba kapag kasama kita. H-hindi ko naman inakalang maga-fall ako agad sayo. Ang bait mo kasi e. Maasikaso, malambing, palangiti at maganda. Hindi ka mahirap mahalin. Kaya nga minahal kita agad. Kaso naisip ko, what if kapag sinabi ko sayo 'tong nararamdaman ko magalit ka. O kaya naman ay lumayo ka sakin. Hindi ko ata 'yun kakayanin. Kaya naman nanatili na lamang akong kaibigan mo. Nanatiling taga taboy ng manliligaw mo. Nanatiling taga bantay sayo. Oo, binabakuran kita kaya wag ka ng magtaka kung walang nanliligaw sa'yo. Sinasabi ko kasing sa akin ka lang. Sorry ha. Makasarili lang ako. Pinilit ko naman ibaling sa iba e. Pinilit kong magkaroon ng girlfriend nagbabakasakali na matuon ko sa kanila ang nararamadaman ko pero wala e. Sayo parin ang bagsak ko. Ikaw parin ang mahal na mahal ko."
Teka ha Cupid. Si Luhan kasi medyo makeso at madrama na ang buhay. Sino kaya naman iyong binabanggit niya? Ako kaya? Yuck! Assumera daw ako. Tsaka no way na maiinlove siya sakin. As in No Way!
"Luhan nanaginip ka no? Naku, masyado ka ng madrama diyan sa panginip mo. Yuck na! Ewww!" Kausap ko sa kanya kahit alam kong tulog siya at nanaginip ng isang weird na panaginip. So trip ko siyang kausapin. Pakialam mo Cupid. Haha!
"Shit ang Manhid mo talaga." Tapos kinabig niya ako at niyakap. Napahiga naman ako sa dibdib niya. Shit Cupid, tulog ba talaga 'tong isang 'to? Mukha kasing hindi e.
"Hay! Pasalamat talaga 'tong Luhan na 'to kasi may sakit siya kundi tinadyakan ko na 'to ng wala sa oras." I murmured. "Naku, nakatsansing na naman ang bakulaw na 'to sakin." I said again habang inaaalis ang balikat niyang nakayakap sakin. Pero ang walangya parang mas hinigpitan pa ata ang yakap sakin.
Brad, hindi ako 'yang nasa panaginip mo. Tantanan mo na ang pagyakap sakin. Kota kana.
Dahil sa no choice ako hinayaan ko nalang siyang yakapin ako. Suz! No malisya Cupid. Kay Future Asawa slash Zayne ko lang ako magkakaroon ng malisya. Hahahaha!
Pero habang ang mukha ko ay nasa dibdib ni hindi ko maiwasan ang amoyin siya. Naks, infairness kay koya kahit may sakit ang bango bango parin. Naku. JuiceColored! Aatakihin ata ako sa puso dahil sa pinaggagawa gawa ko.
Cupid, pakisabihan ang landi kong konsensya na tantanan ako. Pati ako dinadamay sa kalokohan niya. Bwisit siya pati si Luhan minamalisya. Anak ng singit . Ang landi landi.
Inayos ko nalang ang posisyon ko para mas comfortable ako. Mamaya maya nakatulog narin ako kaso nga lang bago ako makatulog parang may narinig akong sinabi siya. Ewan lang kung para sa akin ba iyon. Hindi kasi masyadong clear. Baka guni guni ko lang.
'Wo ai ni". I love you.
BINABASA MO ANG
Dear Cupid
Fanfiction"Chase dreams, not boys. Really? Oh c'mon. Hindi na 'yan uso ngayon. Kung hindi ka gagawa ng paraan para mapansin ka ng true love mo at aasa ka nalang kay destiny, I tell you, mag-madre ka nalang. So, I'm gonna chase my future husband whatever it ta...