Chapter 18

10 1 0
                                    

Halos magkasunod lang na dumating sina Gael at Ethan sa ospital. Agad nila akong niyakap nang makita ako kaya lalo lang akong napaiyak.

Nasa ICU si Mama ngayon dahil kailangan daw obserbahan nang mabuti ang lagay n'ya. Wala pa rin s'yang malay hanggang ngayon kaya hindi pa rin mawala ang takot sa aking dibdib.

"Belle, I'll buy food, anong gusto mo?" Sambit ni Ethan na katabi ko sa kaliwang part. Umiling ako para sabihing ayaw ko kumain, habang patuloy na tumutulo ang luha sa mga mata ko.

"Hey, you need to eat. May iinumin ka pang gamot" singit na sambit ni Gael na nasa kanan ko ngayon. Sumilip s'ya sa akin pababa para tingnan ang mukha ko. Nakapatong kasi ang ulo ko sa kan'yang balikat.

Muli akong umiling at binaba ko ang tingin ko sa sahig. Wala akong gana kahit magsalita man lang. Dahil sa inasal ko ay narinig ko ang pagbuntong hininga ni Gael at ang paglalakad palayo ni Ethan.

"I know you're worried, pero hindi matutuwa si Tita kapag nalaman n'ya tong ginagawa mo sa sarili mo"

Agad na sermon sakin ni Gael nang kami na lang dalawa ang naiwan. Nanatili lang akong tahimik.

"Belle, please look at me" marahang iniharap ako ni Gael sa kan'ya. Mabilis n'ya lang din namang nagawa iyon dahil wala rin naman akong kasigla sigla para pigilan s'ya. "Tita will be okay, my princess" malambing n'yang sabi habang hawak ako sa magkabila kong balikat.

Imbes na umimik ay muling tumulo ang luha ko. Niyakap ako ni Gael nang makita ang mga luha kong hindi na mapigilan. Hinaplos n'ya ang likod ko na tila ba ayaw n'yang masaktan n'ya ako. Pinaramdam n'ya sa akin sa yakap na iyon na nandito lang s'ya. Na hindi n'ya ako iiwan.

Natatakot ako. Ang hirap hirap isipin na nagkakaganito si Mama. Noon na labas pasok din s'ya sa ospital ay isang beses na tumigil ang tibok ng puso n'ya ngunit himala pa ring bumalik iyon pagkalipas ng ilang minuto. At iyon ang ikinatatakot ko ngayon. Natatakot akong hindi na sya ulit bigyan ng pagkakataon. Natatakot akong maging ulila. Natatakot akong maiwan. Si Mama na lang naman ang tinuturing akong anak dahil ni minsan ay hindi ko naramdaman ang pagmamahal ni Papa. Parati lang pangbubugbog at panglalait ang nakuha ko mula sa kan'ya.

Pinagpatuloy ko lang ang pag iyak ko sa gitna ng pagyakap sa akin ni Gael kahit pa noong oras na dumating na si Ethan na may dalang pagkain. Nang mapagod akong umiyak ay kumalas ako sa pagkakayakap kay Gael. Pinunasan naman n'ya ang natitirang luha na nasa pisngi ko.

"You should eat first, Belle. Binilhan pa rin kita" nakangiting sambit ni Ethan na nakaupo na muli sa pwesto n'ya kanina at itinaas pa ang pagkaing binili n'ya raw para sa akin.

Tiningnan lang nila akong dalawa na parang sinasabi na kumain muna ako. Tumango ako nang wala na akong magawa dahil sa mga titig nilang tila nagmamakaawa talaga. Ngumiti naman sila nang malawak nang tumayo ako kaya agad nila akong dinala sa lugar na may lamesa para makakain ako nang maayos.

Matapos kumain ay bumalik muli kami sa pwesto namin kanina. Lumipas ang ilang oras hanggang sa dumating ang hapon. Alasingko na nang dumating si Kuya Marc at doon kami nadatnan sa kanina pa naming pwesto. Mukhang kalalabas n'ya lang sa eskuwela at dito na dumeretso. Nagtatanong ang mga mata n'ya kung ano ang nangyari. Muli kong naramdaman ang pamumuo ng luha sa aking mga mata. Akala ko ubos na pero hanggang ngayon pala ay may ilalabas pa ang mga mata kong ito.

Nilapitan agad ni Ethan si Kuya Marc samantalang ako ay tumingin sa itaas upang pigilan ang luha ko. Sila na ang nagsabi kay kuya ng nangyari. Kaya nanatili na lamang akong tahimik. Si Gael ay patingin tingin sa pwesto ko nang biglang may lumapit na nurse sa akin at sinabing limang minuto na lang daw ay visiting hours na sa ICU. Sinabi din n'yang dalawa lang ang maaaring pumasok sa bawat pasyente, at syempre kaming dalawa ni kuya ang papasok sa loob.

The Path With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon