Chapter 33

5 1 0
                                    


He wrote a song? Narinig ko pa lang ang linyang iyon ay tumibok na nang mabilis ang puso ko. Ngayon ko lang nalaman na gumagawa pala s'ya ng kanta. Marami pa rin pala talaga ang hindi ko nalalaman tungkol sa kan'ya. 

"Writing songs is just one of my hobbies, so I just wrote this song entitled 'Hanggang Dulo' out of boredom, and it's not yet done. But still, I hope you'll all appreciate this" Narinig kong nagpalakpakan ang lahat, samantalang tulala lang ako at hindi pa rin makapaniwala. 

"1, 2, 3, Go!" Simula n'ya sa pagstrum ng gitara. Tumingin s'ya sa mga mata ko nang umpisahan n'ya ang kanta na ikinagulat ko pa lalo.

"Nang una kang makita,
ako'y nabighani mo na~
Kislap sa'yong mga mata,
wari ko'y ako'y nahuhulog na" 

Umiwas ako nang tingin sa narinig. At sa pag iwas kong iyon ay nakita ko si Rielle na nakangiti sa akin. Nag thumbs up pa s'ya sa akin.

"Di maipaliwanag ang aking nadarama,
At nais kong sabihin na ikaw na nga sinta
Kaya naman sana, ako'y pagbigyan mo na
Nang ito ay matapos na"

Mas naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Bakit pakiramdam ko ay ako ang tinutukoy n'ya sa lyrics ng kanta? Nilipat ko ang tingin ko kay Gael na patuloy pa ring kumakanta at nakatingin pa rin sa akin na hindi ko man lang mabasa ang emosyon. Ngunit ramdam ko sa kanta n'ya na masaya s'ya. 

"Siguro nga tayo'y hindi pa handa
Harapin ang bukas na magkasama
Darating din ang oras na tayo'y muling magsasama
Nangangako na ikaw lang sinta ang iibigin"

Naramdaman ko ang tingin sa akin ng mga kasama namin dito, lalo na ang nang aasar na mata ni Ethan. Naiilang akong tumingin ng masama sa kan'ya na tinawanan n'ya lang.

"Siguro nga tayo'y hindi pa handa
Harapin ang bukas na magkasama
Darating din ang oras na tayo'y muling magsasama
Pangako na ikaw lang sinta ang iibigin, iibigin
Ikaw lang sinta ang iibigin~"

Muli kong ibinalik ang tingin ko sa harapan. Tinititigan muna ako ni Gael nang matagal sa mata, at nginitian saka sinabi ang huling mga lyrics ng kanta.

"Hanggang dulo, hanggang dulo"

Narinig ko ang palakpakan ng mga kamag anak ko, ang proud pang pagsigaw ni Ethan sa kaibigan ang mas lalong nagpatawa sa lahat ng nandoon. Nakitawa rin ako sa inasal ng pinsan ko. Maya maya ay nagsalita na si Rielle na nagpatigil sa aming lahat at nagpabalik ng atensyon namin sa programa.

"Thank you, Gael, for that wonderful song. As this program continues, I would like to call Belle to ask what is she feeling right now and to hear her message"

Nagulat ako. May message pa pala ako. Tumayo ako sa kinauupuan ko at nagtungo sa entablado upang kunin kay Rielle ang mikropono.

"I love you, sis" nakangiting sambit sa akin ni Rielle.

"I love you, and thank youu" bumaba na s'ya ng entablado at iniwan akong mag isa.

"I actually don't know what to say. I'm speechless, happy but also sad in the same time. Sa totoo lang, ay talagang nasurpresa n'yo ako sa gabing ito. I thought it is just a simple and late celebration of our graduation, pero ganito pala kagarbo"

The Path With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon