Chapter 19

15 1 0
                                    

BELLE'S POV

"AYUSIN MO NGA ANG BUHAY MO!! NAPAKAWALANG KWENTA MO TALAGA!"

Napahawak ako sa kanang pisngi ko nang maramdaman ang isang malakas na sampal na lumapat dito. 

"WALA KA NANG GINAWANG TAMA!! MANANG MANA KA SA NANAY MO!!" 

Nag-igting ang mga tainga ko sa narinig. Ayos lang sa akin kung sabihan n'ya ako nang kung ano-ano pero wag n'yang idadamay ang nananahimik ko nang ina. 

Sasagot pa sana ako nang dumating ang ama ko at lumapit agad sa babaeng kaharap ko ngayon. Nagbago ang mukha ng babae na tila ba s'ya talaga ang inaaway ko, at malamang ay kakampihan na naman s'ya ng tatay ko. 

"Ano na naman bang ginawa mo ha, Belle?!" Ibubuka ko pa sana ang bibig ko para magsalita pero agad n'ya iyong pinigilan. "ANO!? SASAGOT KA? ALAM MO BELLE, UMALIS KA NGA SA HARAPAN KO. NAIIYAMOT AKO KADA MAKIKITA KO YANG PAGMUMUKHA MO!?"

Wala na akong nagawa kundi umalis doon at pumasok ng aking silid. Pagkapasok na pagkapasok ko ay tumulo ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan. Umupo ako sa aking kama at doon humagulhol ng pag-iyak. 

Bakit mo kasi ako iniwan, Ma?  Sambit ko sa aking sarili habang patuloy na umiiyak.

Mahigit tatlong buwan na rin mula nang iwan n'ya kami. Ganoon na rin ako katagal na nagmumukmok dito sa bahay kahit pa bumalik ang aking ama kasama ang babae n'ya pagkatapos ng isang buwang wala na si Mama. 

Si Kuya Marc ay nakakuha ng scholarship mula sa aming tiyahin ngunit sa unibersidad sa Maynila kaya ngayong sem ay doon na s'ya nag aaral dahil malaking tulong din iyon sa kan'ya lalo't hindi naman sapat ang perang naipon namin. Hindi pa ulit s'ya umuuwi kaya wala s'yang alam sa nangyayari sa pagitan namin ni Papa. Maayos din kasi ang lagay namin nang umalis s'ya dito dahil nangako si Papa sa kan'ya na hindi na n'ya kami muling sasaktan at naniwala s'ya doon. Ako rin naman ang nagpush sa kan'ya na tanggapin n'ya iyon kaya kada tatawag s'ya sa akin ay sinasabi kong maayos ang lagay namin dahil alam kong magpipilit s'yang bumalik dito kapag nalaman n'ya.

Si Venisse naman ay pansamantalang tumira muna kina ate Elisse dahil ayaw kong madamay s'ya sa parating pananakit at panunumbat sa akin ng dalawang kasama ko dito sa bahay. Nandoon din sina Ethan at Mang Berto. Hindi ko naman magawang makaalis dito dahil para sakin, kapag umalis ako dito ay parang sinuko ko na rin ang naipundar ni Mama kay Papa at sa babae n'ya.

Sa tatlong buwang nagdaan ay hindi na ako pumapasok ng eskwela, dahil wala rin akong gana kumilos sa paghahanda. Malamang din ay wala rin ako sa sarili tuwing klase kaya minabuti ko na lang na manatili sa bahay. At isa pa, kahit gustuhin ko ay hindi rin ako pinapayagang umalis ni Papa. Nasubukan ko nang tumakas dalawang linggo na ang nakakaraan para lang sana magpahangin, ngunit pag uwi ko ay muling pangbubugbog ang natanggap ko mula sa kan'ya.

Mula noong gabing nabugbog ako dahil sa pagtakas ko ay pinagbawalan na rin akong sumagot ng tawag ng kahit na sino. Tanging ang tawag lang mula kay Kuya Marc ang pwede kong sagutin at kailangan pang katabi ko sila dahil ayaw nilang magsumbong ako. Parati akong tinatawagan nina Gael at Rielle ngunit hindi ko iyon sinasagot dahil parating nakahanda ang kamay ni Papa o ng babae n'ya para saktan ako sa oras na sagutin ko iyon. Kahit nga ang tawag nina ate Elisse, Venisse at Ethan ay hindi ko sinasagot, malamang ay nahahalata na nila iyon at umaasa akong gumagawa na sila ng paraan para tulungan akong makaalis dito. Dahil sa totoo lang ay ayaw ko na ring manatili dito. Kaya lang ay natatakot akong madamay sila sa gulong ito kaya hindi na ako muling nagpumilit pang makatakas. 

Dahan dahan akong humiga sa kama ko dahil ramdam ko ang panghihina at pananakit ng buo kong katawan. Gumaling na nga ang knee injury ko pero marami namang pasa at sugat ang naging kapalit. Pinatay ko ang lampshade ko sa side table at muling tumingin sa kisame ng kwarto ko. Kahit wala nang bukas na ilaw ay nanatiling maliwanag ang silid ko dahil ng mga glow in the dark na mga bituin na nakita kong nakatago lang sa silid ni Venisse noon. Ikinapit ko iyon sa kisame ko dahil hindi na ako makapunta sa tambayan para mabawasan ang bigat na nararamdaman ko tuwing gabi. 

The Path With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon