Nagising nalang akong katabi ko parin yung kwentas habang nakapulupot sa aking kamay.
Tumayo na ako para ibalik ito pinaglagyan ng may marinig ako sa ibaba na nagtatawanan.
"Hahahaha. Ganun ba? So, kelan ka pa bumalik dito sa atin?" Boses ng tatay ko ang naririnig ko.
"Ganun nga po ang nangyari. One week ago po." Teka, parang pamilyar sa akin ang boses ng nagsasalita.
"Ba't ngayon mo lang naisipang bumisita dito iho?" Sino na naman kaya ang ka-kwentuhan ni Papa sa baba. At parang masaya siyang kausap ang bisita niya.
"May jetlag pa po ako the pastfew days tito ee. Tapos, inayos ko rin ang mga papelis ko dahil dito na po ako mag-aaral" Ay. Mukhang hindi matanda yung kausap ni Papa. Sino kaya ito?
Bumaba na ako para silipin kung sino ang kausap ng Papa ko. Nakailang hakbang na ako sa hagdan ng tawagin ako ng lalaking kausap ni Papa.
"Piaaa" Bungad agad nito sa akin. Wait, paano niya ako nakilala? Sinabi ba ng tatay ko ang pangalan ko sa kanya? Teka, bakit naman? Nilibot ko ng tingin ang mukha ng lalaking ito. Parang pamilyar kasi ee. Tumingin ulit ako sa mukha niya,
^___________^ Siya.
-__________- Ako.
"Sino ka? Paano mo ako nakilala?" Suno-sunod na tanong ko.
"Ouch. Hindi mo na ba nakikilala yung lalaking walong taong gulang pinangakuan mong papakasalan mo?" Isang tao lang naman ang pinangakuan ko ng ganyang bagay, si Renren. Teka,
"Reeeeeen?" Sabay kong takbo sa kanya. He just nodded. Bakas sa kanyang mata na ang saya niya.
"Ren, ikaw nga. Bumalik ka, Tinupad mo ang mga pangako mo" Sobrang saya ng makita ko ulit ang bestfriend ko.
"Syempre, may pangako ba akong hindi ko tinupad? At saka, matitiis ba kitang hindi makita?" Then he chuckled.
"Maiwan ko muna kayong dalawa dyan, Maghahanda muna ako ng makakain. At Ren iho, anong gust mong inumin?" Sabat sa amin ni Papa.
"Tubig nalang po. At salamat!" Matipid na sagot ni Renren.
"Okay, sige." Umalis si Papa.
"Ang ganda mo na Pia" Infairness hindi siya sinungaling.
"Tse. Nakapag-abroad ka lang, nagiging corny ka na" Pagtataray ko. Pero deep inside is kinikilig ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/4074439-288-k926420.jpg)