Pumasok nga si Renren sa classroom namin. Tumingin sya sa akin at saka nginitian ako.
"Mind to introduce yourself to us Mr. Jang?" Tanong ni Sir. He just nodded.
"Hi I'm Lawrence Jang." Tipid nyang sagot. Hindi na niya hinintay si Sir. Pumunta na siya sa bakanteng upuan katabi ko.
"Nasurpresa ba kita?" Natatawang tanong niya sa akin
"Ewan ko sayo. Hilig mong namorpresa. Una hindi mo man lang sinabi sa akin na dumating noong isang araw. Then, ngayon. Hindi ko alam classmate pala tayo." Then i rolled my eyes.
Dahil nasa loob kami ng classroom. Lahat ng mata ay nasa sa amin. Tinginan na naman yung mga kaklase sa amin. Lalo na yung girls.
"Flirt talaga ng commoner na yon" Girl1
"Sinabi mo pa, Una si Prince David, then now yung cousin naman niya" Girl2
Classmates, hindi ako flirt. Friendly lang ^^
''Don't mind them'' Bulong sa akin ni Renren.
Tiningnan ko yung left side ko kung saan naka-upo si Mr. Tuka, Ayun nakaub-ob lang sa desk niya. Kahit kailan talaga laging tulog ang lalaking yan. May book pa sa lap niya, para magmukhang nagbabasa. Ang mga mayayaman talaga kahit kailan spoiled.
"Crush mo?" Seryoso at tipid na tanong sa akin ni LAWRENCE.
"Huh? Ako ba kausap mo?" Parang hindi ee. Nasa harap kasi yung mga mata niya tapos nagsasalita.
"Sino pa ba? Alangan naman yang natutulog" Sabay nguso sa taong natutulog. Ouch, barado ako dun ah!
"Sorry naman. Sinisigurado ko lang. Hindi ah, di ko crush yan'' Sabay irap ko. Never ako magkaka-crush sa hanging lalaking yan.
"Sure? Ba't ang lagkit mo tumitig?" Nakita pala niya ang lahat?
" B reak "
Natapos na yung subject ng hindi kami nakikinig ni Renren. Puro barahan, kwentuhan lang ang nagyari. Hindi muna ako pumunta ng cafeteria. Sa halip ay umakyat ako sa rooftop para malanghap ng preskong hangin. At makpag-unwined nadin.
Umupo ako sa sahig at minamasdan ko yung mga ulap. Cute yung isa parang nagform na pusa. Ganito ako mag-aliw, kung walang nakasampak na headset sa mga tenga ko ay tumitingin ako sa langit para pagmasdan yung mga ulap. Loner type kasi ako. Hehe
"Hey, Are you my stalker?" Nagulat ako ng may nagsalita. Boses lalaki siya. Napatingin ako sa anino na nasa baba. Ta's sa taong nagsalita. Nagulat ako si David.