Kagago talaga ng homeroom adviser namin.
Kung hindi ang pagkamyembro ko ng Powerpuff girls ang napapansin, 'yung pagsusuot ko naman ng jacket ang pinagdidiskitahan niya.
Namamasma na ang kamay ko dahil sa kanina ko pa hinahawakan 'yung lapis. Kanina pa nung nag-start siyang magklase.
"Magang-maga naka-jacket ka na naman Melody! Tanggalin mo nga 'yan at ako ang naaalibadbaran. Kainit-init. 'Yang kilikili mo 'di na makahinga!"
Pagkatapos sabihin ni ma'am 'yon, ayon nagtawanan lahat. Ako, nakangiti lang na nahihiya.
Binaba ko muna ang lapis bago tinanggal ang jacket ko.
"Ayan, edi pati balat mo makakahinga—Lina mag se-second period na pumasok ka pa!"
Napatingin kaming lahat sa likod kung saan pumasok ang late naming kaklase.
Nakahinga ako nang maluwag dahil hindi na ako ang pampalipas oras ng klase.
Ngumiti lang si Lina na kararating. Naka-jacket rin at nakapusod ang buhok.
Pumasok nang nakatali ang buhok; tangina, 'di naligo.
Hindi man lang nag-sorry pagkaupo sa likod ko.
Nakatapat sa akin ang isang ceiling fan na naka-number one; nasa gitna ng mga kapwa namin estudyante at ito kami, naka-jacket.
At ratatatat na naman si ma'am.
"Lina, alisin mo nga 'yang jack— ewan ko sa inyong mga bata kayo, ang init tas naka-jacket. Bumaliktad na ba mga utak ninyo, hah? Punyeta," pasigaw na litanya ni madam Toni. At 'yung punyeta may saling pusa na tawa.
At umalis sa room ng walang good-bye kundi, 'maglinis kayo mamaya, naintindihan ninyo?'
Pink room at color green ang upuan namin. Pero magiging grey na ata at halos matuklap na namin ang pintura dahil kahihintay sa filipino subject.
Pinahiya lang ako tas umalis na ano kayang klaseng teacher 'yon. Sa halip na magturo.
Tangina, 'wag na siyang bumalik dito.
"Nyeta, ibaba mo nga 'yan paa mo!" Inis at pinagpapalo kong anas kay Lina na nakalagay ang paa sa upuan ko.
Ang gago, kadumi pa ng sapatos.
"'Di ka naman natatamaan, kaarte." Binababa niya ang paa na nagrereklamo.
Anong—
Sinamaan ko siya nang tingin bago sagutin. "Gaga, edi sana 'di ko naramdaman. Katanga nito."
"Oh, ba't hindi ko naramdaman? Ang feelless ko naman kung gano'n."
Tumawa ako. Sinabayan ang mga naghihiyawang mga lalaki kong kaklase na naglalaro ng pusoy dos sa likod.
"Bobo, may feelless bang word?"
Tuyo siyang napasinga, labas hangin na tumatawa. Punyeta 'to.
"Gawa-gawa ko. Bakit bawal, hah? Bawal?" At maslalo akong napatawa dahil sa pagkiliti niya sa leeg ko.
Inipit ko ang kamay niya sa leeg ko dahil hindi na siya napapagod.
Gago nito.
"Oy, oy— Lina 'yoko na. Katarantado naman nito. Ang tatalas pa ng kuko mo! Hoy—"
Naiinis na talaga ako kasi talagang nakakasakit na ang pangingiliti niya.
"Oo na, oo na, Blossom."
Pagkawala ko sa kamay niya saka ko siya binira nang sampal. Medyo malakas; pero okay lang, 'di naman ata nasasaktan 'tong babaitang 'to.