🖋️My Pets🖋️

0 0 0
                                    


"Ate Kristina bakit mas alagang alaga mo ang dalawang unggoy na yan tsaka etong baboy at aso mo pang nakadapa ang ilong." Tanong ng batang si cheche

"Kasi sobrang halaga nila sa buhay ko che,  sila yong nagpapasaya sakin."

'Ganon po ba ate" sabay tango tango nya

"May kwento ako sayo Che" tuwang tuwa naman syang napaharap sakin

'Sige ate Kristina makikinig po ako hihi'

"Sa malayong lugar may limang  magkakaibigan na magkasing edad lang asa 5-6 na taon,  magkapitbahay lang kaya araw araw silang magkakasama."

"Ano pong mga pangalan nila ate Kristina?"

'Ako, Si john,  chael,  zham, at si tabang Raquel,  chubby kasi yang si raquel. So ayon nga isang araw may nangyari na Hindi inaasahan sa araw na yon.

dko na mapigilan yong luha ko at nag siunahan na itong tumulo, naiiyak ako kapag naalala ko ang araw na yon

'Ano pong nangyari ate Kristina?

"Umulan non,  at nagkasunduan na maligo kami sa ulan  pero that time si chael may dalang bike,  nagbibike sya sa gitna ng ulan haha masaya daw kasi sabi pa nya. Pero nadulas yong gulong nya at natumba napunta sya sa may kanal"

Sakit ng dibdib ko kapag naalala ko Ang araw na yon

"Nahulog sya sa may kanal, sobrang lakas ng tubig non kaya kailangan ng tulong. Sinagip naman sya ni john pero Hindi rin kinaya kaya tumalon na din si zham tsaka si raquel,  ako non tulala lang wala akong ginawa dko alam gagawin ko that time kaya sobrang tulala ko dko namalayan tumalon na din ako pero anlayo na nila sakin."

'Ate'

"Hindi nila kinaya,  nalunod silang apat. Si Raquel sana makakaligtas pa kasi lulutang pa sya kasi mataba naman pero dahil sa sobrang kapit sa kanya ni chael sa leeg... w-wala n-na sila"

'Ate sorry po'

"Che naniniwala kaba sa reincarnation?" Tanong ko sa kanya.

"Ahm ate,  nababasa ko lang naman yan sa mga story eh pero may 50 percent po naniniwala ako hihi"

Nginitian ko lang sya,  sabay tingin ko sa kalangitan na sobrang payapa at ganda ng araw

'A-ate buhay pa p-po ba Sil?' Nanlalaking mata nyang tanong sakin

Tango lang naisagot ko at ngumiti

'ASAn na po s-sila ate kung ganon?

'Kasama ko sila lagi che,  inaalagaan at minahal
At hindi rin nila ako iniwan."

'Ate'

"Nasa Harapan ko lang sila che"
Sabay lingon ko sa dalawang unggoy isang baboy at sa aso Kong gwapo na may nakadapang ilong.

Yang dalawang unggoy si zham at john yan,  yang apakaseksing baboy naman si Raquel yan at etong  aso si chael" nakangiti Kong Saad

STRONG FRIENDSHIP💕

END...

🖋️ CHIE 🖋️

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 13, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Short Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon