🖋️ KABET 🖋️

0 0 0
                                    


Kanina pa ako nag-aantay dito sa meeting place namin ng boyfriend ko, asan na Kaya ang lalaking yon.

" Oh bestpren mag-iisang oras na tayo dito, asan naba magaling mong jowa ha? Ano pag-aantayin ka nya dito ng matagal?" Pagtataray nyang tanong sakin

She's my bestfriend, sinamahan nya ako dito na antayin boyfriend ko dahil mukha daw akong loner. "Sabi nya Kasi papunta na, pero hanggang ngayon Wala pa din."

" Baka nagpapalusot pa sa mga kabet nya, wala talaga akong tiwala dyan sa boyfriend mo eh. Sya talaga yong nakita ko na may kasama syang ibang babae ayaw mo Lang maniwala sakin." Pagtataray nyang Sabi sakin naka cross-arm pa

"Hindi magagawa sakin ni James yon, namamalikmata ka Lang."

" Bahala ka nga, Basta binabalaan na kita." Sabay alis nya " Bili Lang ako ng maiinom."

Tatawagan ko na Sana si James nang bigla nalang may sumulpot sa harapan ko at bigla akong sinampal

" Ikaw talaga Yong babae ni james, Ang kapal ng mukha mong landiin boyfriend" sigaw nya naman sa harap ko. Samantalang ako Hindi pa makaget-over sa pagsampal nya.

Para makabawi sinampal ko din sya. " Excuse me? Sino kaba ha?" Tanong ko dito at tinaasan sya ng kilay

" Ako lang naman Ang girlfriend ni james " mas lalong tumaas Ang kilay ko sa sinabi nya

" For your information, ako ang girlfriend. TOTOONG GIRLFRIEND." pinagdiinin talaga para damang dama. " At ikaw? Magiging girlfriend ni James? Eh mukha ka ngang mangkukulam eh"

Sasampalin nya Sana ako ulit pero nahuli ko kamay nya. " Subukan mong idapo ulit yang maruming kamay mo sa mukha ko, Hindi mo talaga magugustuhan Ang gagawin ko" nakangiti Kong saad sa kanya at binawi kamay Ang kamay nyang hawak ko.

Magsasalita pa sana sya nang bigla nalang may sumulpot na naman sa harap namin

" Excuse me. Kayo ba si Jane at yssa"

"Yes miss, Do I know you? And who are you btw." Mataray na sagot ni bruhang yssa, yssa pala name nya. Parang yssaw.

Sino na Naman Kaya to, at bakit kilala nya kaming dalawa netong bruha.

" Well, nagtataka Kayo bat kilala ko kayong dalawa? Ako Lang naman ang asawa ni James." Parang napipi naman ako sa narinig ko

" At Kayo lang naman ang kabet ng asawa ko, we're already married kaya tigil na sa paglalandi sa asawa ko." Pagalit na sigaw nya samin

Tangna nag-aaway pa kami eh pareho Lang naman pala kaming kabet

END...........

🖋️ CHIE 🖋️

Short Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon