Chapter 7

55 1 0
                                    


Chase POV

Nakatulog na sa aking mga bisig si Hautea dahil sa sobrang pag iyak. habang siya ay tulog ay akin siyang pinakatitigan, alam kong sobrang sakit ng kanyang nararamdaman ngayon di man niya sabihin ang eksaktong nangyari ay alam ko na sobrang bigat ng nararamdaman nito.


alam kong iyakin ito ng mga nagdaang taon dahil sa pagkawala ni zach pero hindi ko inaasahan na mas may ilalala pa pala ang pag iyak nito, habang pinagmamasdan ko ang aking kapatid ay awang awa talaga ako dito. sino bang hindi maaawa dito kahit ayaw pa man nito na nag papakita ka ng awa para sakanya alam kong karamay lagi ang gusto nito.

habang tinititigan ko ito ay nasasaktan lamang din ako para sa kanya, bilang isang nakakatandang niyang kapatid ay masakit para sa akin ito, masyado na siyang maraming  napagdaanan kaya minsan naiisip ko kung bakit sakanya pa nangyayare ang mga ito.

oo nga't matapang at matatag siya ngunit tao pa rin naman siya madaling masugatan at masaktan. kung sana lang pwede kong kuhanin ang sakit na nararamdaman niya ngayon, o kaya kung sana ay kaya ko man lamang hatian siya sa lahat ng dinaramdam niya ngayon ay sana ginawa ko na.

ngunit alam ko na walang ibang makakapag-alis ng sakit na nararamdaman nito kung hindi siya lamang din. pag-ibig nga naman oh.

napagdesisyonan ko na na kargahin ito at dalhin sa kanyang kwato, pagdating sa silid nito ay akin na siyang ibinaba sa kanyang kama. pagkatapos ay inayos ang kanyang higa at kinumutan bago patakan ng halik sa noo. 'sleep tight now princess and don't think about him too much lalabas na sana ako ng madinig kong siyang nagsasalita habang tulog.

"aeign balik kana please" 'yan ang kanyang sinasabi tignan mo nga naman hanggang panaginip ay hinahanap ka ng kapatid ko zach, lakas ng gayuma mo tol.

 hay nako kakasabi ko lang na wag gaano mag iisip e, pero 'di ko din naman siya masisisi e      bago ako lumabas sa kanyang silid ay akin muna ulit itong sinulyapan.

dumeretso ako sa balkonahe at may tinawagan,

"hello boss" sagot ng nasa kabilang linya

"may ipapagawa ako sa'yo" 

"sige po, ano po  ba yun?"

"gusto kong alamin  mo ang lahat kay Aeign Zachary  Hill you probably know him right"

"copy boss, bukas na bukas din ay uumpisahan ko na"

pagkasabi niya non ay akin nang pinatay ang tawag , yare ka talaga sakin tol siguraduhin mo lang na maganda ang mapapaliwanag mo.

sa pag pasok sa bahay ay dumeretso ako sa kwarto ng isa aming nakababatang  kapatid na si chrysler adleid nakita ko itong mahimbing na natutulog at wala nang kumot kaya naman nilapitan ko ito at inayos ang higa bago siya nilagyan muli ng kumot at bago lumabas sakanyang silid ay akin itong hinalikan sa kanyang noo.

bago lumabas ay nakuha ng isang larawan ang aking atensyon na nasa may ibabaw ng study table ni chrysler.

ito ay ang larawan nang aming mga magulang noong siya'y nag isang taon gulang pa lamang.

agad naman akong napangiti ng mapait, sorry bunso ah walang magagawa si kuya. alam kong kahit na lagi itong masaya at kahit na pinupuno namin siya ng pagmamahal ay hindi pa rin maiiwasang hanapin niya ang pag mamahal ng aming magulang.

bata pa lamang kasi siya nang mamatay si mom and dad dahil sa isang aksidente, ni hindi niya nga ata alam talaga ang mukha nang mga ito kung hindi lamang dahil sa mga litrato e.

magmula rin kasi nang mamatay ang aming mga magulang ay ako na rin ang gumampan sa lahat ng mga gawaing sila ang gumagawa dati, maging ang tumayong ama't ina ay ako na rin ang gumawa, mabuti na nga lamang at tinutulungan ako ni chandria.

bat naman kasi dad and mom ang aga niyo kaming iniwan, ang daya niyo naman e. akin nang inilapag ang litrato sa kinalalagyan nito bago pinunasan ang ilang patak ng luha na hindi ko namalayang tumulo na pala. pag kapunas ko ay agad na rin akong lumabas.

napasandal din ako kaagad sa pader pagkalabas ko at saka napa upo, pakiramdam ko wala akng kwentang kapatid dahil wala man lang akong magawa para ibsan ang nararamdaman nilang dalawa napaka walang kwenta ko talaga kahit kailan. ako na lang ang meron sa kanila kaya dapat na protektahan ko sila ngunit anong ginawa ko. naging pabaya at kampante ako.

bago pa ako tuluyang muling maluha ay pumasok na rin ako sa aking silid at isinara ang pinto.

saaking pag higa ay kinuha ko ang isang larawan, ang larawan na nagpapalakas saaking sa tuwing mahina ako, isang larawan na nagpapangiti saakin sa tuwing malungkot ako at yun ay ang larawan niya.   

" mahal alam kong babalik ka, patuloy akong maghihintay sayo pangako hindi ako ibitaw sayo mahal na mahal kita"


THIRD PERSON POV

habang nagmamaneho pauwi ay  iniisip pa rin ng isang lalaki kung paanong alam nang babaeng lumapit sakanya kanina ang kanyang pangalan lalo pa at babagong dating pa lamang nilng mag-asawa rito sa pilipinas kung kaya'y naguguluhan na talaga siya sa ngayon.

iniisip niya rin kung bakit may naramdaman siyang kakaiba dahil sa ipinakitang mga larawan nito, siya nga ba iyon? tanong niya sa  kanyang sarilli at dahil wala sa sarili ay hindi nito namalayang nakarating na pala siya sa bahay nilang mag-asawa.

bumaba siya sa kanyang sasakyan at pumasok na sa loob na agad din namang sinalubong ng kanyang asawa.patakbong lumapit ang asawa nito sa lalaki bago ito sinunggaban ng isang yakap, makikita mo sa mga mata ng dalawa ang tunay na kasiyahan at ang pagmamahal nila sa isa't  isa.

''ang tagal mo namang umuwi  hon, kanina pa ako nag-aantay sa pagdating mo"angal ng baabe rito.

"pasensya na hon, napag-antay  ba talaga kita ng matagal?" nanglalambing na tugonn ng lalaki dito."sige ipagluluto na lamang kita, ano bang gusto ng   aking mahal na reyna?"


pagtanong niya non ay masaya na silang tumungo ng kusina at nag-umpisa na ring magluto ang lalaki. habang nag luluto ay masayang nag kukulitan pa sila.nang matapos nang magluto ang lalaki ay ipinaghanda na nito ang babae at sabay silang kumain.

pagtapos nilang kumain ay niligpitan na nila ang kanilang pinagkainan bago mag tungo sa kanilang silid, pagkatapos ay   naglinis sila ng kanilang katawan bago nahiga na sakanilang kama.

habang nakahiga ay naalala na naman ng lalaki kung sino ang babaeng lumapit sakanya kanina,kun kaya naman ay sinabi niya ito sa kanyang asawa.

"hon?" pagtawag nito sa babae na nakaunan sa dibdib nito habang nakayakap at siya naman ay nakataas sa ulo an isang kamay at ang isang kamay ay nakayakap din sa babae.

"hmm?" tugon naman nang babae rito.

"may lumapit kasi saaking babae kanina, at sinasabi na siya raw ang pinangakuan ko ng kasal. alam niya rin ang aking pangalan at may ipinakitang mga larawan at ang naroon sa larawan ay kaming dalawa at kamukhang kamukha ko ang lalaki na naroon. sa tingin mo sino iyon?" tanong nito sa kanyang asawa.

habang sa kabilang  banda naman ay nakaramdam ng kaba ang babae at pinilit ang sarili na kkumilos ng normal." a-ah hindi ko din alam e, wag mo na pansinin at isipin yun tara na matulog." sabi nito sa lalaki.

ngunit ang hindi alam ng lalaki ay hinihintay laman siya ng babae na makatulug pagkatapos ay poumabas ito at may tinawagan.

"pano ito mukhang nakita na siya ni chandria, ang knowing chandria alam kong gagawin niya ang lahat malaman lamang ang totoo. ano nang gagawin natin?" tanong nito habang pasulyap sulyap sa lalaking mahimbing na natutulog sa kama. patuloy angg pag uusap ng babae at nang kausap sa kabilang linya hanggang sa matapos na ang pag uusap nila at muli nang nahiga ang babae sa kama para tabihan ang natutulog na lalaki.


short update:))


-Rosas_Rose

please do vote and comment po 

Thank you!!! <3

Remember Me (AMNESIA SERIES #1)Where stories live. Discover now