Chapter 3

65 3 0
                                    

Nakatulala lamang ako sa aking kama habang muling inaalala ang aking mga napanaginipan. ang gabi kung kailan hindi ko inaakala na magiging napakasaya ko, ang gabi kung kailan siya nag proposed saakin at ang gabi na siya palang magiging dahilan kung bakit wala siya sakin ngayon.

Sa pagkakataong ito ay may hindi lamang ako maintindihan.
Hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing sasaya ka ay mababawi ito agad bakit sa tuwing tumatawa ka maya maya lamang ay mapapaltan na ito nang lungkot at sakit.

Minsan naiisip ko rin na kung ang bawat pag ngiti ay may kapalit na luha, ang bawat saya ay may kapalit na lungkot. Minsan parang ayaw ko na lang maging masaya.

Muli ay aking pinunasan ang luha na umaagos sa mga mata ko. Hindi maaring tumulala lang ako maghapon hindi pedeng ganito na lang ako palagi sa tuwing naaalala ko siya. dahil kailangan ko pang tatagan ang aking loob para hanapin siya. Kailangan ko pang ituloy ang aking buhay.

Bumangon ako saaking kama at binuksan ang kurtinang nakaharang upang pumasok ang liwanag sa loob nang aking silid.

Pagkatapos ay uminom ako ng tubig na nasa may bed table ko at pumunta sa banyo upang mag hilamos at mag toothbrush.

Pagkatapos ay lumabas nako at lumabas na den ako sa aking silid bago ako nagtungong kusina para magluto.

Wala ako sa mood ngayon kung kaya't naisipan kong magluto na lamang nang nsinangag at hotdog nagtimpla na rin ako nang kape.

Habang nakain naisipan kong buksan ang aking cellphone at basahin ang mga text message na sinend kanikanina lamang.

Nat:
hey why you did not sleep here yesterday night?


Me:

I was at my condo
Sorry nakalimutan ko lang
Sabihin.

NAT:
OK just don't forget to
Eat your breakfast
Take care.

ME :
K.

Sunod ko naman na binasa ang text nang aking kaibigan na si Charleigh Kynlee

Kyn:
hey, are you busy
Today?

Me:
Uhm nope why?

Kyn:
want to go to the
Mall with me?

Me:

Sure. What time?

Kyn:
uhm around 8 is the perfect time for me ;) see yah.

Me:
Ok see you.

Hilig talaga nong babae na yun mag mall she's Charleigh Kynlee Elliss btw
She's been my friend since elementary.

Pagkatapos kong kumain ay nagligpit nako at nag gayak nang aking maisusuot dahil alas syete na den maya maya lang tatawag na yun at itatanong kung asan na bako

Hayystt pero salamat kay leigh kahit papano ma de-divert ko ang atensyon ko sa iba. Ok na den to kesa naman mag paka lugmok na naman ako dito sa condo ko magdamag.

Gaya ng sinabi ko kanina nag asikaso na nga ako nang aking sarili. Pagkatapos ay bumaba na ako at dumiretso sa parking lot upang kuhanin ang aking sasakyan.

Habang nag dadrive ako ay makikita mo na talaga agad kung gaano ka traffic
Haysttt here we go again.

Nagulat ako nang biglang may kumatok saaking bintana na bata na nag titinda ng tubig, mani, candy at iba pa.

Remember Me (AMNESIA SERIES #1)Where stories live. Discover now