CHPATER 1

7 0 0
                                    

MICHELLE'S POV

Nagulat ako sa lakas ng kidlat dahilan para mabitawan ko ang hawak kong payong. Kung bakit ba naman kasi ngayon pa ako nasiraan ng kotse kung kailan yata babagyo. Isa pa, hindi ko akalain na sa ganito katagong lugar gaganapin ang birthday ang boyfriend kong si Nicolai. Inalok daw kasi ng kaibigan nyang si James ang resthouse nito dito sa Batangas.

Mabilis kong dinampot ang payong ko at maingat na niyakap ang isang box ng Contis' Cake.

Nang malaman ko kasing dito gaganapin ang birthday nya ay nakabili na ako ng cake. Wala namang problema kanina, iyon nga lang ay umulan ng pagkalakas lakas pagkatapos tumirik ng kotse ko.

May nadaanan akong mga bahay. May ilaw ang iba at ang iba naman ay nakapatay na. Maaga siguro silang natulog dahil sa sama ng panahon. Natatanaw ko na din naman ang resthouse dahil ito lang ang may bukod tanging liwanag na makikita kahit nasa malayo pa. Isa pa, talagang mapapansin na may kasiyahan doon dahil sumasabay sa pagkulog at kidlat ang hiyawan at malakas na tugtugan sa lugar.

Nang tuluyan akong makalapit doon ay nagpagpag muna ako ng dress kong medyo basa ang dulo. Mabuti na din at black sandals ang suot ko. Hindi masyadong makikita ang putik kahit na kaunting hugas lang ang gawin ko. Tiningnan ko din kung maayos ba ang box ng cake. Mabuti na lang at hindi ito gaanong nabasa. May kaunting bakat ng ulan dahil siguro sa pagkahulog ng payong ko kanina.

Paakyat na ako sa dalawang hakbang na hagdan ng makita ko si James. Nanlalaki ang mga mata nitong tiningnan ako.

"M-michelle..."

Bakas sa mukha nito ang pagkagulat. Nakita ko din ang paglunok nito ng laway. Mayamaya lang din ay ibinaba niya ang hawak na wine glass at kinuha sakin ang payong ko.

"Salamat, James. Bakit parang nakakita ka yata ng multo?" natatawang puna ko dito.

"Wala naman." agad na bawi nya at ngumiti sakin. Sinikop nya ng maayos ang payong na dala ko at inilagay sa umbrella rack.

"Si Nicolai?" tila ba nanigas sya sa tanong ko.

"Na-nasa loob." nauna sya sa pinto. "Sandali, pupuntahan ko."

Pero sumunod na ako sa kanya. Ang lamig kasi dito sa labas dahil sa ulan at lakas ng hangin. Isa pa, medyo basa ang dress ko kaya talagang nanunuot sa kalamnan ko ang lamig.

Pagpasok naman ay nandoon na agad makikita ang table na punong puno ng alak at pagkain. Nandoon din ang iba pang kaibigan nina Nicolai at James na hindi ko alam ang pangalan ngunit mga pamilyar sakin.

"Pre, si Nico?" dinig kong tanong ni James sa isang lalaki na mukhang tinamaan na ng alak.

"Nandon! Nag-eenjoy!" pasigaw nito dahil sa lakas ng sounds. Tinuro nito ang kitchen kaya mabilis na naglakad si James papunta doon.

Napansin kong aligaga si James pero hindi ko na sya pinuna. Sumunod na lang ako kasi gusto ko din isurprise ang boyfriend ko.

Magkasunod kaming pumasok sa kitchen at sa isang sulok malapit sa sink...

"Puta!" murang pabulong ni James.

Naibagsak ko lang naman kasi ang cake na hawak ko dahil sa nadatnan namin. Gulat din ang rumehistro sa mukha ni James dahil hindi nya yata napansin na sumunod na ako sa kanya. Sa lakas ba naman ng sounds at sa pagkatensyonado nya ay hindi nya na narinig ang tunog ng takong ng sandals ko.

Katulad ng malakas na ulan sa labas ay walang ampat ang pagtulo ng luha ko.

Dahil sa kaunting hikbi ay tila ba natauhan si James saka mabilis na lumapit kay Nicolai at hinawakan sa kwelyo nito.

"Pare yung girlfriend mo nandito!" untag nya sa lalaki.

Ang pupungay pungay nitong mga mata ay unti-unting nanlaki saka napatingin sa akin.

Halos kumusin ko ang dibdib ko dahil sa sakit. Hindi pa kasi ibang babae ang kahalikan ni Nico. Hindi pa ibang babae na hindi ko sana kilala. Kaso si Czarina yun. Yung isa sa bestfriend ko.

"M-mich... I.. I thought you..." hindi nya maituloy. Kasi guilty sya. Kasi huli ko na sya.

"Sinong-" hindi na naituloy ni Nicolai ang pagtatanong ng dumating si Aya. Hawak-hawak pa nito ang cellphone nya at para bang may kinokontak.

"Ako." matapang na sabi nito.

"Aya!" sita ni James sa girlfriend nya.

"Why?!" sigaw nito pabalik. "I can't take it anymore, James! Hindi ko na kayang itago sa kaibigan ko ang kataksilan ng dalawang iyan!"

Hindi ko maialis ang tingin ko kay Czarina na naka-crossarms pa habang mataray na nakatingin din pabalik sa akin.

Para akong napako sa kinatatayuan ko. Nauuyam na tiningnan ko si Nicolai saka muling ibinalik ang tingin kay Czarina. Pagkatapos ay saka ako nanakbo palabas ng resthouse. Hindi ko ininda ang lamig ng bawat patak ng ulan sa katawan ko. Naririnig kong tinatawag ako ni Aya pero hindi na ako lumingon.

Ayoko na saktan pa ang sarili ko. Tama na iyung nakita ko. Huli na sila. Sana noon pa lang pala ay naniwala na ako kay Aya. Pero dahil mas close ako kay Czarina ay mas naniniwala ako sa palaging sinasabi nyang 'wala namang problema'.

Tumigil ako sa gitna ng maputik na kalsada saka doon nagpakawala ng hagulhol na kanina ko pa gustong ilabas. Pakiramdam ko ay nakikiramay sa nararamdaman ko ang langit dahil sa bawat takas ng hikbi ay sya namang pagguhit ng kidlat sa langit.

Napalingon ako sa may sira-sirang bakod. Naglakad ako papasok doon.

Abandunadong playground.

Umupo ako sa nag-iisang swing at patuloy pa din sa pag-agos ang luha ko ngunit ngayon ay wala ng hikbi o hagulhol.

Napayuko ako sa sling bag kong gawa sa transparent na hindi ko maalaman kung plastic ba o ano. Basta kasi branded at mamahalin ay binibili ng secretary ni Mommy para sa akin.

Nakita ko ang paglabas ng pangalan ni Aya sa screen ng phone ko. Kanina pa sya tawag ng tawag. Hindi ko magawang kunin ang cellphone ko dahil hindi ko kayang makausap sya. Nahihiya ako kay Aya.

Sunod-sunod na tumulo ang luha ko sa bag. Rinig na rinig ko ang bawat patak sa bag ko. Doon ko lang napagtanto na tahimik na pala. Animo'y speaker na biglang swinitch-off. Kahit ang kaninang nangangalit na hangin ay biglang nanahimik.

Wala akong ibang maramdaman kundi ang kirot sa dibdib ko. Kahit pa nanginginig ako sa lamig ay mas lamang ang sakit na nasa puso ko.

"Surprise." natatawa kong sabi sa sarili ko habang patuloy ang pagluha. "Ang tanga-tanga mo." sabi ko pa sabay suntok sa dibdib ko.

Ilang minuto din siguro akong nakaupo sa swing at nag-iiyak ng may itim na panyong humarang sa mga luha ko. Nang iangat ko ang paningin ko sa taong nagbibigay niyon ay sandali akong natigilan.

Nakasuot ito ng itim na leather jacket, itim na shirt, itim na pants, itim na sapatos at itim na sumbrero. Si kamatayan ba to?!

"Take it." malalim na utos nito sakin. Napatingin naman ulit ako sa panyo saka mabilis na kinuha iyon. Ang lalim ng boses!

"T-thank y-you..." hindi ko alam kung saan galing ang biglang pagkabog ng dibdib ko. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa lalaking ito.

Nang makuha ko sa kanya ang panyo at makapagpasalamat ay tumalikod na ito at nagsimula ng maglakad palayo sa akin.

Habang naglalakad ang lalaki ay nabaling ang tingin ko sa itim na plastic bag— hindi, garbage bag iyung hawak nya. May laman ito at patuloy ang likido sa pagtulo. Basura ba iyon? Hindi. Ngayon ko lang din naamoy ang dala nya. Malangsa. Masangsang.

Sinundan ko sya ng palihim at maingat na huwag marinig ang bawat yapak ko sa lupa because who knows? I might be dead tomorrow if ever mahuli nya akong sinusundan sya.

Mukhang hindi lang kataksilan ang masasaksihan ko ngayong gabi. Mukhang may krimen pa ata akong mabubuking dahil ang likido na kanina ko pang sinusundan ay hindi lang basta tubig...

Kundi dugo.

Loving A PsychoWhere stories live. Discover now