CHAPTER 3

0 0 0
                                    

Pasalampak nya akong binitawan pagkapasok namin sa kwarto sa second floor ng bahay.

Mas nakahinga ako ng maluwag dahil wala na ang masangsang na amoy na halos magpamanhid sa ilong ko. Inikot ko ang paningin sa buong paligid at nakitang malinis ang lugar na ito kumapara sa silid kanina.

Nilingon ko ang lalaking nasa may pinto ng bigla nitong isara ang pinto. Narinig ko pa ang pagclick ng doorknob nangangahulugang ini-lock iyon ng lalaki.

Mabilis akong tumayo at marahang lumapit sa may pinto. Inilapat ko ang tainga ko doon para pakinggan kung nasa labas pa ba ang walanghiya. Nang wala akong marinig ay hinubad ko ang sandals ko at tinungo ang mga bintana. Chineck ko ang bawat kandado nito at ganon na lang ang panlulumo ko dahil naka-lock lahat iyon.

Wala akong ibang choice kundi ang basagin na lang ang bintanang gawa sa salamin. Naghanap ako ng may matulis na dulo sa buong kwarto pero wala akong mahanap. Hindi ko mai-focus ang sarili ko sa isang bagay dahil sa kaba na nararamdaman ko.

Napakagat ako sa hintuturo ko at pinilit na ikalma ang sarili ng mapatingin ako sa mini-fridge na nasa pinakasulok ng silid. Hindi ko agad iyon napansin dahil kasinglaki at taas ito ng side table sa tabi ng kama.

Binuksan ko iyon at halos lumundag ako sa tuwa dahil sa maliit na ice pick na nasa loob niyon. Saglit pa nga akong natigilan dahil panandalian akong nagtaka kung bakit may ice pick doon pero agad din namang pinilig ang ulo para bumalik sa kung ano ba talaga ang pakay ko.

Marahan akong lumapit sa bintanang gawa sa bubong saka dito tinarak ang ice pick na hawak ko. I flinched when the ice pick bounced back. Ni hindi nagkaroon ng crack ang salamin!

Inulit ko pa iyon ng ilang beses saka napagtanto ang isang bagay. Lumapit ako sa bintana at sinipat ang bubog na nagkaroon ng kaunting tipak. Pinitik ko iyon gamit ang hintuturo ko at pinakinggang mabuti ang tunog nito. Fuck!

Naibagsak ko ang ice pick dahil sa kawalan ng pag-asa. The window is made-up of tempered glass. One of the strongest glass ever made. Hindi ito mababasag ng simpleng ice pick. I know it because I was once handled one of our glassworks warehouse. Tinuruan ako ng QA kung paano magdifferentiate ng normal na bubog at ng tempered glass at hindi ako nagkakamaling gawa sa ganito ang bintanang kaharap ko ngayon.

Marahas kong pinunasan ang mga luhang tumakas sa mga mata ko.

Think, Michelle. Think!

Kailangan kong kumalma para makaisip ng ibang paraan para makatakas sa impyernong ito. Sinipat ko ang gilid ng bintana kung paano iyon ikinabit at halos kalbuhin ko na ang sarili kong ulo dahil sa pagsabunot ko. Sa dinami-dami ng screw heads, putangina! Socket screw pa ang ginamit sa pagkabit ng bintanang 'to! Saang lupalop naman ako dito kukuha ng allen?!

Gusto ko na lang isaksak sa sarili ko ang ice pick dahil sa katangahan ko. Kung bakit ba kasi sinundan ko pa dito ang gagong yun na halang ang kaluluwa! As if naman may magagawa ako kung may minurder syang tao. Ako tuloy ngayon ang sunod na biktima nya na sigurado akong hindi nya pakakawalan.

Ibinalik ko na lang ang ice pick sa maliit na fridge at naupo sa gilid ng kama. Niyakap ko ang mga tuhod ko at ipinatong doon ang baba ko saka naisip kung anong kaletchehan ang inabot ko para lang ipaglaban si Nicolai.

Tingnan mo nga oh, brokenhearted na nga ako magiging biktima pa ata ng baliw na kriminal na akala ko mabuting tao dahil lang sa pag-abot sa akin ng panyo.

Nilingon ko ang cute na digital clock sa side table at pinanuod doon ang paggalaw ng mga kamay ng orasan. 8am na ng umaga. Naawa ako sa sarili ko ng makita ang mga paa kong natuyuan na ng putik. Namuo na naman sa mga mata ko ang luha ng maalala kung paano ako pagtaksilan ng nobyo ko at ng sarili kong kaibigan. Siguro masama akong tao nung past life ko kaya ako pinaparusahan ngayon ng ganito.

Napahigpit ang hawak ko sa mga tuhod ko ng bumukas ang pinto. Iniluwa niyon ang lalaking mukhang bagong paligo at may hawak na tray. May bowl na nakalagay doon at umuusok pa ang laman. Bibitayin na nga siguro talaga ako ngayon kaya papakainin nya na ako ng madami.

"Eat." utos nya pagkalapag ng tray sa bed.

Kumulo agad ang tyan ko ng maamoy ang laman ng puting bowl. Mukhang masarap na meat soup.

Nakahalukipkip ang lalaki habang nakasandal sa pinto. Teka? Aabangan nya bang kumain ako? Manunuod sya? May hidden camera ba dito na nagrerecord tapos iaupload nya sa deep web kung paano nya ako binusog bago patayin?

"What are you waiting for? Eat!"

Awtomatikong napahawak ako sa kubyertos saka tumikim ng sabaw. Infairness, masarap.

"Does it taste good?"

"Y-yes."

Nakita ko syang ngumisi. Ang gwapo nya sana sa plain white shirt kaso ang mamamatay tao naman sya. Ang haba-haba pa ng buhok na umabot na hanggang balikat nya.

"I want to see you finish it all. Now." maawtoridad na utos nito.

Pucha! Bakit ba parang gustong-gusto nyang maubos ko na agad to? Oo masarap pero mainit naman! Brokenhearted lang ako pero hindi pa naman ako manhid para hindi makaramdam ng pagkapaso.

Nakakalahati ko na ang meat soup ng may masandok ako doong nagpabaligtad sa aking sikmura.

May putol na daliri na nakahalo sa soup na binigay nya!

Lahat ng nailaman ko sa tyan ko ay isinuka ko din sa gilid ng kama. Natapon din ang laman ng bowl sa comforter at ganon na lang ang gulat ko ng hilahin nya ang buhok ko mula sa likod. Kitang-kita ko ang pagtatagis ng mga ngipin nya habang matalim na nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para duraan sya sa mukha kaya nabitiwan nya ako. Kinuha ko agad ang tinidor at tinutok iyon sa kanya.

"Akala ko mamamatay-tao ka lang!" nanginginig na sigaw ko sa kanya na ginantihan nya lang ng ngisi. "I never imagined that you are also a cannibal!" akusa ko pa.

"Funny! So funny! People are indeed too quick to judge." dinampot nito ang daliring nakahalo sa soup ko kanina. Inapakan nya iyon pero hindi iyon nadurog. "It is a silicon." walang emosyong sambit nito.

Napalunok ako dahil sa saglit na kahihiyan.

"But the next time you try to escape, I'll make sure that this fucking silicon finger will become real."

Matalim syang tumingin sa mga kamay ko kaya mabilis kong itinutok ulit sa kanya ang tinidor.

"Don't you dare!" nanginginig na sabi ko pa.

Marahas nyang kinuha ang bowl sa kama at naglakad palabas ng pinto. Pero bago nya isara iyon ay nagsalita syang muli.

"I never did cook nor eat human meat."

Huminga muna sya ng malalim bago ulit nagsalita. "Those corpse met their demise because they did horrible thing to me. And I guess, you're next."

Pagdaka ay inilock diretso ang pinto.

Tunog ng nahulog na tinidor ang umalingawngaw sa buong kwarto at ang mahihinang hikbi ko. It was indeed a blackmail, I know. Habang tumatagal ay paiksi ng paiksi ang mga araw na humihinga ako.

I just wanna end it.



Now.

Loving A PsychoWhere stories live. Discover now