Nagising ako sa tama ng sinag ng araw sa mukha ko.
Lumingon ako sa gilid ko kung nasaan ang orasan. 9am. It's been 3 days since I came here, I guess. Wala akong gana bumangon kahit umupo manlang sa kama.
Sa kabilang side ng table ay nakita ko ang isang tray ng pagkain. Hindi na umuusok iyon, siguro kanina pa nya iyon dinala dito sa kwarto. Wala din akong gana kumain. O siguro, wala na akong gana mabuhay.
I deserved everything. The betrayal, the heartbreak, this situation right now. Everything. Pero hindi na ako babalik sa Croatia or even in the US. Tanggalan man ako ng mana ng mga magulang ko ay wala na din akong pakealam. I just wanna end it all.
Tumagilid ako sa side kung saan ang glass window. Kitang-kita ko kung gaano kaasul ang langit. Ang ganda ng panahon. Walang emosyon kong pinunasan ang mga luhang kusang tumakas sa mga mata ko. Marahan akong naupo at lumapit sa tray kung saan nakalagay ang plato na may steak. May steak knife doon at isang fork. Katabi ng steak ay isang baso ng tubig.
Kinuha ko ang kutsilyo at naupo sa ibaba sa pinakagilid ng kama. Napapikit ako ng maramdaman ang lamig ng kutsilyo sa kaliwang pulso ko.
Imagine? I am a daughter of the richest Damian and Rossana Quinnell but here I am. Hopeless.
"I'm so sorry mama." Sambit ko bago pikit-matang sinugatan ang sariling pulso.
Masakit. Iyon lang ang nararamdaman ko. Masakit.
~
Ginising ako ng makirot na pakiramdam. Nakahiga na ulit ako sa kama at may bandage na ang sugatan kong pulso. May tingling sensation akong nararamdaman mula doon kaya iniwasan kong maigalaw ang kamay ko.
Madilim na sa labas.
Napatingin ako sa oras at nakitang 7pm na ng gabi. Kumalam ang sikmura ko ng maamoy ang masarap na ginigisang sibuyas at bawang. Napalingon ako sa may pinto. Bukas iyon. Hindi nakalapat ang pinto kaya naaamoy ko ang niluluto mula sa ibaba.
Bigla akong nabuhayan. Kung busy sya sa kitchen then may chance ako na makalabas ng bahay na ito. Mahapdi man ang kamay ko ay mabilis akong bumangon. Wala ng bakas ng dugo sa sahig. Mukhang nilinis nya ang kagagawan ko kanina. Pero wala na akong pakealam. Gusto ko lang makaalis. Makalayo mula sa kanilang lahat.
Hindi ko na kinuha ang sandals ko. Mas magiging mabilis ang paglabas ko kung hindi nya maririnig ang bawat yapak ko.
Marahan kong hinawakan ang doorknob at tama nga. Hindi nakalock ang pinto.
Nagulat ako ng nakalabas ako ng silid. Ang lawak ng hallway. Nasa pinakadulo ang kwarto na pinagdalahan nya sakin at may katapat itong pinto. Sa kabilang dulo ay may dalawa pang kwarto na magkatapat din. Dahan-dahan akong humakbang sa malamig na sahig hanggang sa marating ko ang isang grand staircase.
Grand staircase?!
Nagtataka man ay maingat akong bumaba sa hagdan. Nakaramdam ako ng hilo pero maingat akong kumapit sa railings ng hagdan hanggang sa marating ko ang ibaba.
Halos mag-tiptoe na ako, huwag nya lang ako marinig. Lakad takbo ang ginawa ko sa malawak na sala ng bahay or maybe mansion hanggang sa marating ko ang main door.
Napalunok ako ng makita na ang main door ng bahay nya ay French door. Heavy double door. Sigurado ako na makakagawa ako ng ingay pero- pero bahala na. All I want right now is to escape this hell.
YOU ARE READING
Loving A Psycho
Mystery / ThrillerGusto lang naman ni Michelle patunayan sa mga magulang nya na kaya nya din magdesisyon para sa sarili nya. Kaya ng umuwi sya sa Pilipinas ay sinurpresa nya ang nobyo upang kausapin ito tungkol sa kasal. Ang hindi nya alam ay ibang surpresa ang naghi...