Red for Hate
_______________I hate this world. I hate this life. I hate everything.
"Hwag kayong lumapit d'yan. Baka susuntukin kayo niyan bigla."
Kay bilis manghusga ng ibang tao.
"Baliw yan."
"Ay ganoon po ba? Maganda sana,"
Nahulog ang tingin ko sa paa kong walang sapatos o tsinelas man lang. My feet were dirty at hindi pa nakakatulong na magulo ang ayos ko ngayon.
"Manahimik nga kayo. Baka marinig pa tayo niyan."
Gusto kong matawa at maiyak ng sabay. Why is life so cruel to me? The whispers continued as I progressed my way out of the buzzing stores. Nanliit ng husto ang pakiramdam ko ng makita sa mga mata nila ang pandidiri. Sa huli, trinaydor rin ako ng sarili kong luha at walang tigil ang pagpatak.
The trees were brooding pero hindi kalayuan ay tanaw ang dalampasigan at ang papalubog ng araw. Everything should end today.
"Ahhhh!" I shouted frustratingly.
My tears poured more. This is the day. Wala na dapat ibang araw. Sugat-sugat na yung paa ko pero hindi ko na ininda, bakit pa ako ngingiwi sa sakit? Huh? Maliit lang 'to.
I slowly went out of the dense trees and made my way into the water.
Humapdi kaagad yung sugat ng madapuan ng tubig dagat. The sunset looked magnificent today. So magnificent that I don't want it to end.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa umabot na bandang dibdib ko yung tubig. The water made me feel at ease by the least. Sana ganito palagi.
But I will never have that. Never. Kahit na mag-iiyak ako o magdadasal na sana makakatakas ako sa sakit na nararamdaman, sa huli, ganoon pa rin ang resulta. Wala pa ring pagbabago. And by staying, means destroying myself more. The water now reached my neck.
This will be easy. Hindi naman ako marunong lumangoy kaya magiging mabilis lang 'to. Sinubukan kong languyin ng kaunti yung distansya papunta sa malalim kahit na hirap, just enough to reach the continental shelf. When my feet can no longer touch the sea bed, I let out one large breath of air and let myself sink in the water.
I wanna be with you Papa.
"Wala kang silbi! Sinabi ko ba sayong guluhin mo kami ha!?" Sigaw ni mama ng kinatok ko sila para tanungin kung ano ang gusto nilang uulamin.
"Ikaw! Palamunin ka na nga lang, nang-iistorbo pa! Bobo!" Kailan pa ako naging palamunin kung ako nga itong halos magkanda kuba sa pagtatrabaho?
Napaatras ako ng kaunti ng dinuro-duro ni Mama yung noo ko. Anong nangyayari kay Mama? Bakit siya nagkakaganito?
Namuo ang luha ko at nanatiling nakayuko habang pinagsasapak ako ni Mama sa braso. Never minding the small scratches she made. Sunod ko nalang narinig ay ang padabog na pagsarado sa pinto ng kuwarto ng kinakasama nitong si Gullas.
Hindi ko gusto si Gullas para kay Mama pero wala akong magawa. Mas pinapaboran pa nga niya yung lalaki kesa sa akin. I have a choice to move out and live on my own pero ayokong iiwan si Mama sa lalaking yun.
I was 15 years old when Papa suddenly passed away. We were living comfortably then pero nang mawala si Papa, nawala rin yung lahat na meron sa amin. Nalulong si Mama sa sugal, she was in the casino for almost 24/7! She was coping up through it. Without even minding the daughter that she still have. Kaya simula non, ako na nagpresenta na gawin ang lahat ng gawaing bahay. I learned. Dahil kailangan ko na ring alagaan si Mama.