Red for Love
_______________Iniwan niya muna ako saglit para may kunin sa kuwarto nito.
"Magandang umaga po ma'am, ano po gusto niyo? Juice, kape o tubig?"
Tanong noong kasambahay na naghatid ng gamot kanina. Naninibago tuloy ako.
"Ah, tubig nalang. Salamat." she nodded and left.
May girlfriend kaya si Exel? Maybe.
I stood up and explored a bit on the large living room. May mga frames na nakapatong sa isang maliit na cabinet. They are a family of good looking people. Nanatili ang mata ko sa isang picture frame ni Exel. He was wearing a toga and with his usual scowl.
"Sorry to keep you waiting." Napatalon ako sa gulat.
"Trip mo bang manggulat?"
He titled his head on the side and smirked.
Nahiya tuloy ako sa naging reaksyon ko.
"Uuwi na ako."
"Already?"
Oo dahil habang tumatagal, hindi gumaganda ang pakiramdam ko. My heart kept racing for various reasons.
"Baka hinahanap na ako." Lie.
"I'll drive you home."
Mas mabilis pa sa kidlat ang pag hindi ko. Kahit si Exel nagulat ng kaunti sa ipinakita kong pag-ayaw.
Tumunog ang cellphone ko. Buti naman!
"Sasagutin ko lang." Paalam ko sabay alis at sagot sa tawag. Hindi ko na nga natingnan kung sino, basta't sinagot ko lang.
"Bri! Nasaan ka?" Patiuna ni Diana.
"A-ah nasa bahay lang. B-bakit?" Simpleng pagsisinungaling, nauutal pa.
"Gala tayo! Miss na miss ka na namin ni Jella!"
Ayoko pa namang umuwi kaya pumayag ako. May pera pa akong naiwan, iyong itinago ko sa ilalim ng kama.
"May lakad ka?" tanong ni Exel.
Is he this nosy?
"Oo. Kaya salamat dito Kuya Exel." Mapanuya kong sabi.
He shifted his weight.
"I told you I don't like it. Do you call other men Kuya then?"
Na kuryoso tuloy ako sa tanong niya.
"Hindi. Bakit?"
"So why the kuya for me?" his voice sounded so cold.
Napangiti ako.
"Ikaw naman masyado kang inis. Joke lang e."
He took big strides towards me.
"Hatid na kita."
Hindi na ako umangal. Wala pa naman masyadong bus na dumadaan dito. Kung lalakarin ko, baga sa hapon pa ako makakarating sa kabilang bayan.
"Okay. Salamat." Sabay na kaming lumabas.
Pinagbuksan niya ako ng pinto bago ito pumasok sa sasakyan.
"Seatbelts." Paalala nito. Hindi ko pa nahahawakan ito na mismo ang lumapit at inayos ang seatbelt ko. We were so close that I could smell his scent. He smelled so manly and addicting. Na conscious tuloy ako sa baho ko ngayon. I probably smell like the sea!
Kahit sa simpleng damit, he could still look expensive and dashing.
"Saan?" Natulala pa ako ng kaunti.